Chapter 13

15.5K 418 27
                                    

Sandra POV

'Lead sure ka bang papasok ka na ganyan ang mukha mo?' tanong sa akin ni Kate.

 Tsssss. kanina pa nila ako tinatanong kung papasok talaga ako o hindi kasi pwede daw nila akong i-excuse. Eh ayokong mag-tambay sa bahay at ang gagawin ko lang ay ang kumaen at magpahinga? Nakakaboring kaya.

'Oo nga ang kulit?' inis kong sabi at naunang pumasok sa loob ng school.

'Hala? Anong nangyari sa mukha niya?'

'Siguro nakipag-suntukan gangster remember?'

'Ayan tuloy ang napapala kapag may gang.'

Kung anu-ano pa ang mga narinig ko hindi ko na lang pinatulan kasi wala naman akong mapapala eh. Kung sasaktan nila ako sa physical abay ibang usapan na yan.

'BESSS!!!' gulat akong napatingin kay Meij na tumatakbo papalapit sa akin.

'Oh?' tanong ko ng makalapit na siya sa akin.

'Ang tigas din ng ulo mo eh no? Diba ang sabi ko sayo wag ka ng pumasok!!!' sigaw niya.

'At bakit hindi? Atska hindi naman malala yung sugat sa mukha ko. OA lang talaga kayo!' inis kong sabi at inirapan siya.

'SANDRA!!' napalingon ako sa likod ko.

KEN?

Tumakbo siya papalapit sa akin sumunod naman sa kanya sa pagtakbo si Carl. Edward, at Dave.

'Anong nangyari sayo?' alalang tanong niya habang nakahawak sa dalawang balikat ko.

'Nadapa lang.' sagot ko.

Tumaas naman kilay niya.

'Nakipaglaban siya sa Underground kagabi.' inis na sabi ni Meij kaya tinignan ko siya ng masama pero inirapan lang ako.

'Nakipaglaban ka?' tanong ni Ken.

'Oo. Gangster nga remember?' naalala ko tuloy yung narinig kong bulungan ng mga epal.

'Sandra. Dapat hindi ka na pumasok. Tignan mo yang sugat sa mukha mo oh! Sariwa pa.' sabi niya at hinawakan yung mga sugat ko.

Para akong na kuryente ng lumapat ang kamay niya sa mukha ko. Yung daliri niya binaba niya banda sa labi ko at talaga nga naman tumaas ang balahibo ko.

'O-okay na.' sabi ko ng maiwas ko ang mukha ko sa kanya.

'Halika dadalhin kita sa clinic maaga pa naman. Linisin muna naten yang sugat mo.' sabi niya sabay hatak sa kamay ko.

-DUB DUB DUB-

Arghh. Puso huminahon ka.

Ken POV

Nang makarating kami sa clinic pinaupo agad si Sandra sa kama.Kinuha ko yung first aid at tinignan ang mukha niya.

'Tsk tsk. Kanino ka naman nakipag-away? Babae o lalaki?' tanong ko habang pinupunasan ng betadine yung sugat niya sa noo.

'Lalaki.' sagot niya kaya naman natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.

'Kung maka-react ka naman. First time mo lang bang nalaman na pwedeng makipag-suntukan ang babae sa lalaki?' tanong niya.

Hindi sa first time kong makarinig. Dahil nga sa niligtas nila kami sa mga gangster nakita ko na wala silang galos o ano. Pero bakit ngayon nagkaroon siya?

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon