Fix You: Chapter 27

8.7K 191 8
                                    

Artemis

The video feed started showing. Paikot ang ginawa kong pagkuha ng video, isa isa kong kinatok ang mga pinto para maging transparent ang mga ito at makita ang loob ng bawat kwarto.

Every single one of them had a woman locked inside them, I also made sure to capture every name plate outside the door. Some of them based on Chad's narration, are minor celebrities and a few quite known influencers. Pero halos hindi ko kilala, ang pinaka tumatak lang sa akin ay ang sportscaster.

Nang patapos na ang video at natutok ang camera sa pinaka huling kwarto ay natigilan kami nang biglang i-pause ni Ken ang video feed.

Nagtinginan sila ni Chad.

"Well, how about that?" He smirked. "Ang nawawalang princesa ay nakita na."

Kumunot noo ako at hinarap sya.

"What?"

"Let's just say, I'm gonna be richer tonight." Misteryoso at medyo excited na sagot nya.

I crossed my arms and tilted my head sideways.

"This is an official operation, you cannot mess with my investigation."

"I'm helping you, you have to reciprocate."

I rolled my eyes, the audacity of this guy is out of this world.

"Hindi libre ang tulong mo. Tulad ng sabi mo kanina, you're hired to do this." Natigilan sya at nagisip ng kaunti.

"Okay. Let's negotiate."

"There's nothing to be negotiated, i-re raid ng team ko ang club at ire-rescue ang mga babae."

"Kaya kong i-profile lahat ng mga babaeng yan within thirty minutes, and it's not like you can raid that place without the warrant that you'll be getting from me."

Ako naman ang natigilan, hindi pwedeng i-delay pa ang raid. The freedom and the life of those people is on the line.

"Ano bang gusto mong mangyari?" Sumusukong tanong ko.

"You'll be taking out that lady's name from the list, and I'll be the one whose gonna get her."

Tumango ako.

"Basta ibabalik mo sya ng maayos at ligtas sa pamilya nya."

"Hindi naman ako kasama ng mga sindikatong yan." Tila offended na sagot ni Chad. "Of course I'll keep her safe." He said as a matter of fact.

"Who is she anyway?" I asked curiously.

"Gaille Silva. She's the only daughter of the shipbuilding magnate Gregory Silva. He went here earlier today, saying his daughter got kidnapped on her way home from work."

"It's still just around 6? 8? hours, at wala pang dinedemand ang mga kidnapper kaya wala pa kaming lead kanina bukod sa gps ng phone pero bigla itong nawala, na retrieve namin ang phone sa kabilang city."

Itinuloy ko ang iniisip ni Chad.

"Pero nasa parameter lang pala sya ng Metro."

Kumibit balikat sya. "They clearly knew what they're doing."

Ilang beses pa naming pinag aralan ang footage at nag plano kung paano papasukin at kung ilang tao ang isasama sa raid.

Inabot iyon ng halos isang oras, kasama na ang pag contact ko sa team na isasama ko sa raid. Chad got ready too, and in the midst off all these, Dylan was just quietly observing everything.

Nang sa wakas ay natapos ang meeting ay nagpunta ako sa banyo para mag ayos. Chad gave me a shirt and a jeans.

Ang damit at sapatos ay galing daw sa mga hindi pa na distribute na bagong uniporme ng mga tauhan nya at isang itim na t-shirt na may tatak ng Babylon kaya isinuot ko iyon ng baliktad para hindi kita ang logo.

Fix YouWhere stories live. Discover now