Fix You: Chapter 21

9.7K 208 12
                                    

Artemis

"It will be hard to plant another person from the inside." Problemadong panimula ni Third nang puntahan nya ako sa opisina. Umagang umaga pa, halatang hindi sya umuwi at magdamag na nasa headquarters lang.

Tinanggal ko ang suot kong jacket at sinabit ito sa upuan. Umupo ako sa swivel chair at sinindihan ang computer.

"Why? May balita na sa tao mo?" Tanong ko. Ilang linggo na simula nang huling contact ni Third mula sa tinanim nyang spy sa loob ng Hell's Heaven.

Hindi ko na rin nakilala ang nasabing tao dahil nang sinimulan namin ang joint investigation ay wala na rin daw silang contact ng ilang araw mula sa kanya.

It's almost two weeks and we've been stuck since we're still relying from the intelligence that person has been sending. But he's been out of contact for weeks.

Iniabot sa akin ni Third ang isang tablet, napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang laman ng newsletter.

"It's not like we haven't considered this scenario." Tugon ko sa kanya.

The informer's body was found somewhere in a remote area just around the outskirts of the city.

"Yes, pero kahit paano ay umasa akong sana nakatakas sya. His death is on me because I failed to protect him as his leader." Third kinda looked agitated. "He just got married, pakiramdam ko ay ninakaw ko ang kinabukasan nya."

Tahimik na pinagmasdan ko sya dahil napagtanto kong kapareho ko lang pala si Third. We both blame ourselves if we failed to protect our colleagues, it's not like you can get used to it.

"Have you requested for the autopsy?"

"Yes, but we still have to wait." Maikling tugon nya. "Kahit wala pa ang autopsy, sa unang tingin pa lang sa katawang na retrieve, he suffered a lot before they killed him."

Muling inabot nya sa akin ang tablet.

"They carved a note in his body." Kitang kita ang galit sa mga mata ni Third, napaka dalang ko lang makita ang ganitong side nya.

Nakita ko ang litrato mula sa crime scene. At the front torso of the victim there word was:
TRAIDOR

Nang nilipat ko ang litrato ay tumambad naman ang likurang bahagi ng katawan ng asset ni Third, sa likod naman ay may dalawang salitang malinaw na naka ukit sa mismong balat.

HUWAG TULARAN.

"Fvcking criminals. Ilang taon na ako sa serbisyo pero kahit kailan ay hindi ko kayang masanay sa pagka gago ng mga tang*nang yan." He angrily added.

"What do we do now?" I asked.

Third gave out a deep sigh.

"It will be hard to approach them again on my side. They've become a lot more vigilant. Kung magtatanim man ako uli ng tao sa loob, hindi iyon magiging madali."

I swallowed hard. He's right, it will be dangerous to insist putting a spy immediately after getting burned out. Ilang linggo pa lang lumipas nang mahuli ang informer. Makakahalata ang organization nila kung ipipilit namin ang gusto naming mangyari.

Fix YouWhere stories live. Discover now