Fix You: Chapter 20

10K 232 7
                                    

Artemis

Kaagad kong sinimulan ang pag basa ng mga report na hindi ko nabasa sa loob ng ipang linggo kong pahinga. Halos na bakasyon din kasama ko ang mga kasong hawak ko.

A lot of them got transferred to other teams.

Napailing ako dahil ang tagal kong pinag aralan at ginawan ng strategy ang bawat kaso, pero iba rin pala ang makikinabang.

Mabuti nalang at ang pinaka malaking kasong hawak ko ay hindi naibigay sa iba, I got injured and I was forced into taking a long vacation because of this case. Magtatampo talaga ako kay Ninong kung ipapasa nya ito sa ibang team.

Its a wise decision to keep him out on the dark about the threats.

Inipon ko at inilatag ko sa lamesa ang mga litratong naka attached sa mga report para makita ko ang mga iyon ng maayos.

Isa sa mga litratong umagaw ng pansin ko ay ang crime scene photo ng nag iisang casualty noong engkwentro.

I was sure that it was me who shot him. Tumugma sa ballistic report ang bala ng pistol ko sa mga na recover na  bala sa katawan nya ayon na rin sa autopsy.

He's still referred to as "John Doe" in all of the reports because his identity is still a mystery.

Pinag aralan kong mabuti ang lahat ng detalye at inipon ang ilan sa mga tingin kong makakatulong sa kaso bago niligpit ang lamesa. I kept a photo of the hands of John Doe where he was still holding his lighter and a cigarette.

Naalala ko pa kung paanong nahanap ko ang pinagtataguan nya dahil sinindihan nya ang sigarilyo.

Pinakatitigan ko ang litrato dahil naagaw ng pansin ko ang naka print na logo sa lighter na hawak nya.

I cannot overlook that kind of detail.

Kaagad na tinawag ko ang isang opisyal ng SOCO para i-brief ako sa ilan pang detalye ng crime scene kasama na ang autopsy.

Halos isang oras din akong naghintay bago dumating ang opisyal na galing sa SOCO at ilan pang mga miyembro ng hinahawakan kong team na sumama sa operasyon.

"Did you bring the lighter?" Kaagad kong tanong nang makita kong dumating ang box ng ilang ebidensyang pinadala ko para ma-inspeksyon ng personal.

Inabutan ako ng gloves at pinapirma sa evidence log bago tuluyang iniabot sa akin ang lighter na nakalagay sa isang ziplock bag.

The lighter is made of metal, it looks really expensive and durable. I wouldn't be surprised if they'd tell me that it was made out of gold.

"Any other lifted fingerprints other than 'John Doe'?

"Walang ibang prints lieutenant, pero heto po yung nakuha naming impormasyon tungkol sa logo na naka engraved sa lighter."

Iniabot sa akin ni Corporal Cruz ang folder. Kaagad ko iyong binuksan at pinasadahan ng basa.

"Limited edition? Exclusive Club?" Takang bulong ko.

"Hell's Heaven Club po maam." Si Cpl. Cruz na ang naglipat ng kasunod na pahina ng file na binabasa ko.

"Suspetsa po namin, nanghold up ang grupo o nang car-nap ng sasakyan ng isa sa mga miyembro ng club. Tinitignan na po namin ang mga nag file ng holdupping at car-napping incidents sa mga nakaraang buwan."

"Gaano ka exclusive ang club na ito?" Kuryosong tanong ko.

"Balita ko po ay halos mga bigating negosyante at mga kilalang personalidad ang miyembro nila. Nagpunta po kami doon para magtanong tungkol sa lighter, walang humarap sa amin. Hinanapan din kami ng search warrant."

Fix YouWhere stories live. Discover now