Fix You: Chapter 2

19.6K 339 8
                                    

Artemis


Nauna akong pumasok sa loob nang bigyan kami ng 'GO' signal. Nang masiguro kong walang ibang balakid sa pagpasok ay kaagad akong sumenyas kay P/EMSGT Agustin na pumasok na at papuwestuhin na ang iba pa naming kasamahan.

Tahimik at dahan dahan kaming kumilos para masigurong walang makakaramdam sa presensya namin. Nang makarating kami ni P/EMSGT Agustin sa may kalagitnaan ng warehouse ay kinailangan naming maghiwalay nang may nakita kaming hagdan. Tinanguan ko sya ng marahan, naintindihan nya kaagad ang gusto kong mangyari kaya wala syang sinayang na sandal, inakyat nya ang hagdan habang pinagpatuloy ko ang paghahanap sa aming 'target'.

Ilang minuto pa akong naglakad bago ko nakita ang isang tila mga maliliit na opisina malapit na sa dulong bahagi ng warehouse. Mayroong apat na pinto na halos magkakatabi. Pero kapansin pansin ang unang pinto dahil mayroong dalawang armadong lalaki ang nakabantay dito. Maybe the 'target' or their leader was inside that room.


Napangisi ako ng bahagya. Criminals are always predictable.


Muli kong pinag-aralan ang paligid. Naghanap ako ng mga posibleng paraan para makalapit ng hindi nahahalata. I didn't want to draw my gun at this point. Close combat was the best choice but I am lacking of options. Wala akong makitang paraan para makalapit ng husto sa mga lalaki dahil wala akong makitang lugar na pwede pang pagtaguan.

Kinapa ko ang bulsa ng suot kong uniporme para ilagay ang silencer ng baril na dala ko pero naantala ang paghahanap ko ng makita kong bumukas ang pinto at may lumabas na lalaki doon. Nakipag palitan sya sa isa sa mga nakatayong bantay sa labas ng pinto.

Nasilip ko ang loob ng silid bago pa ito tuluyang maisara ng lalaking huling pumasok. Nakita ko ang 'target' na nakatali sa isang poste sa loob ng kwarto at nakaupo sa sahig. Binuhusan pa sya ng isang timbang tubig ng isa pang lalaki sa loob.


Apat na tao, kasama na doon ang biktima. Dalawa sa labas. Anim.


Pero hindi pa rin sigurado kung ilan dahil may tatlong pinto pang katabi ang silid. Base sa assessment ko ay nasa lima hanggang anim na tao lang ang kasya sa loob ng silid dahil hindi naman ito kalakihan.

There's no time to waste. I glanced at my wrist watch that has a built-in compass before clicking my left earpod.


"Code 2. Code 2" Marahang bulong ko.


"Lieutenant." Kaagad na sagot ng isa sa mga kasamahan ko. Muli kong sinulyapan ang relo ko bago binigay ang location ko.

"23.435865 North Latitude—92.345673 West Longitude 'target' located. Any sniper above the area?"

I asked on our channel. I heard some indistinct noises before someone talked over.

"Inspector, this is Staff Sergeant Mariano. Nasa area po ako. 30° above your location."

Tumingala ako para tignan ang sinabi nyang lugar. Nakumpirma kong nandoon sya ng bahagya nya akong tinanguan.

"Two armed men in front of the first door. No possible covers kaya hindi ako makalapit.."


I took a deep slow breath before continuing.


"—you know what to do." I just whispered. Ito ang pinaka ayaw kong gawin tuwing nagkakaroon ng operasyon. Everytime I am leading an operation, these kind situations... I hated them most.

Fix YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang