Fix You: Chapter 18

8.8K 192 3
                                    

Artemis

It's been a week since we seriously talked about things. Ni hindi na nga namin muling napag usapan ang pag payag kong hayaan sya sa buhay ko. It's like it became a silent agreement. We had developed a routine, he would spend a lot of time with me whenever he's not needed on the hospital.

Para akong umampon ng maid.

He would cook for me, do some chores and take care of me. Minsan ay hindi na sya umuuwi sa sarili nyang bahay, naawa akong makita syang nahihirapang pumwesto sa couch para matulog kaya hinayaan ko syang matulog sa guest room.

Then the guest room became his room.

Nagulat nalang ako nang makita kong umuwi sya minsan na may dalang maleta. Hindi na ako gaanong nag react, he explained that it's just for 'emergency', whenever he needed to change clothes if he is called at the hospital.

Nilingon ko ang wall clock. It's six in the evening. Ang sabi ni Dylan ay magdadala sya ng dinner kaya hindi ko na kailangang magluto. Palagi namang alas siyete ang dating nya at medyo naiinip na ako sa pinanood ko kaya naisipan kong linisin nalang ang mga handgun ko.

Babalik na ako sa duty bukas matapos mapilitang mag leave ng dalawang linggo, kailangan kong linisan ang service firearm ko at isasabay ko na din ang ilang personal na baril ko.

Inilabas ko ang mga baril at ang mga gamit pang linis tulad ng telang basahan, metal cleaner at ang lubricant. Inilatag ko ang gamit at isa isang nag disassemble na ng mga baril.

I am excited because finally, I can get back to what I'm supposed to do, to where I'm supposed to be.

Nasa huling baril na ako nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Dylan. Maingat na in-assemble ko ang glock pistol at pinunasan nang bumukas ang main door.

Bumungad si Dylan na may dalang paperbag ng pagkain. Nilingon ko sya bago muling itinuon ang pansin sa ginagawa ko. Ikinasa ko ang baril at nag dry fire para makita kung maayos na ba ang pagkaka assemble nito.

Nang makuntento ako sa pag ayos ay binitawan ko na ang baril at tumayo mula sa pagkakaupo ko.

"What's for dinner?" Casual na tanong ko kay Dylan bago naglakad papunta sa kusina para maghugas ng kamay.

Naka sunod naman sya kaagad sa likod ko. He was putting out the food from the paper bags. Lumapit sya sa gilid ng sink para kumuha ng mga plato at kutsara.

"Are you going back to work?" He carefully asked as he prepared the food that he bought. Sa kilala at mamahaling restaurant ang paperbag na dala nya. It was an assortment of meat and vegetables.

"Oo, ngayon ang huling araw ng leave ko. Maaga ang duty ko bukas."

Umupo sya sa harapan ko. Halata ang pagka bothered nya sa huling sinabi ko. Tahimik na pinag ahin nya ako ng hapunan.

Nagsimula kaming kumain. He is awfully quiet than usual. Pakiramdam ko tuloy ay may ginawa akong kasalanan.

Ilang sandali pa ay ibinaba nya ang kubyertos nya at bumuntong hininga.

"Why am I hearing this just now?" Sa wakas ay tanong nya.

"Well, for staters, I don't tell anyone about my schedule because it's confidential," I swallowed hard. Kahit kailan ay hindi ko puwedeng ipinag sabi kung kanino ang schedule at location ko dahil delikado kung malaman ito ng mga nakabangga ko.

"And I didn't tell you because it has nothing to do with you."

"Everything you do is not just 'nothing to do' with me," Tuluyan na syang huminto sa pag kain. "Those people who wanted to hurt you are still out there, waiting to strike anytime."

Fix YouWhere stories live. Discover now