Fix You: Chapter 16

10.9K 221 4
                                    

Artemis

"Ayaw ko."

Maikling sagot nya bago hinila ang kamay nya mula sa pagkaka hawak ko. I looked at him, still dumbfounded with his response.

Itinuloy nya lang ang paghahanda ng pagkain para sa akin. Muli kong pinigilan ang mga kamay nya at pilit na inihaharap sya sa akin.

He keeps avoiding my gaze.

"What's your deal?" Tanong ko. "I already told you, I don't need anything from you. Kaya kong alagaan ang sarili ko kaya hindi mo na kailangang abalahin ang sarili mong gawin ang lahat ng ito."

"I'm doing this because I want to."

Hindi pa rin sya lumilingon sa direksyon ko. He's now arranging some medicine and vitamins beside my plate.

"Take them after eating." Bilin nya bago tumayo at lumabas ng dining area.

He's so stubborn and he's good at avoiding my queries.

Naiinis na tumayo ako at umalis din ng hapag. I really cannot win against him. But if he's stubborn, I can be a lot more stubborn than him.

Diretso akong umakyat ng kwarto. Nakita silang nag uusap ni Chad sa sala at alam kong napalingon sya sa akin nang lumabas ako ng kusina.

Inilabas ko ang damit kong pang jogging. It's past nine in the morning and the temperature outside is not so ideal for a run.

He's been obsessing over my health at ayaw niyang nasa labas ako. I wouldn't eat the breakfast that he prepared then I'll go out alone.

Mayroong maliit na running track sa loob ng village at sa mapunong lugar iyon kaya magiging maayos naman siguro ang pag eexercise ko.

I'm wearing a racerback sports bra at leggings pagkatapos ay binitbit ko din ang sweat proof jacket ko. Hindi ko muna iyon isinuot at isinabit sa balikat ko bago sinuot ang sapatos at inipitan ang aking buhok.

I secured my wireless headset, some cash, and my phone.

Bumaba ako para kumuha ng tubig bago tuluyang umalis. Nakita kong naka abang si Dylan sa ibaba ng hagdan.

Kaagad syang naka sunod sa likod ko nang pumunta ako sa kusina para kumuha ng dadalhing tubig.

"You didn't eat your breakfast."

Padabog kong sinara ang ref matapos kong kumuha ng bottled water. He's still hovering behind me.

"I already told you. I'm not eating."

Narinig ko ang pag buntong hininga nya. Napangisi ako dahil mukhang tinatablan sya sa naisip kong ganti sa kanya.

"Lalabas ako, I want everyone gone when I'm back."

Dirediretso akong lumabas sa front door. Dylan is still following me until I was already just outside my gate. He then slightly grabbed my arm to make me face him.

"Saan ka pupunta?" He asked.

"Sa church. Mananalangin ng peace of mind." Nangaasar na sagot ko.

His expression became more serious, I saw how his jaw tightened. I rolled my eyes before I yanked my arm away from his grasp.

"Can't you tell based on my clothes? Mag ja-jogging ako," I snorted before adding. "Akala ko ba matalino mga doctor? Bakit parang kulang ka sa common sense?"

I was about to add more comment when some of Chad's worker excused himself to pass through the gate. At dahil nakaharang kami sa daan ay kinailangan naming tumabi.

Fix YouWhere stories live. Discover now