Fix You: Chapter 14

10.6K 218 10
                                    

Artemis

In the end, I decided to leave and just be contented with the information that Ken initially got. I was so eager to find more intel but I cannot compromise my integrity to cut the process short.

Napabuntong hininga ako dahil sa inis nang mapansin kong nakasunod pa rin si Chad sa akin. I warned him before getting out of his building, akala ko ay okay na dahil hindi naman na sya sumama sa aking lumabas pero wala pang ilang minuto ay napansin kong nakasunod na sya uli sa akin.

Naiiling na dumiretso na lang ako sa pagmamaneho at hinayaan na lang syang sumunod. Nang makarating ako ng Police Station ay hinintay ko syang lumapit at mag park sa tabi ko.

"I clearly told you. I don't want you following me around." Mariing utas ko sa kanya pagka tangal nya ng suot nyang helmet.

"I am not receiving orders from you. Hindi ikaw ang nagbayad sa akin."

I sighed in resignation.

"Bahala ka sa buhay mo." Asar na usal ko bago dirediretsong pumasok sa loob ng station.

Tarantang lumapit sa akin ang naka assign na officer sa front desk nang makita ako.

"Lieutenant naka leave po kayo hindi ba?" Takang tanong nya. Tumango ako bago sumagot.

"May kukunin lang ako sa opisina ko. Naka duty ba si Col. Pascual?"

"Opo pero nasa headquarters po, pinatawag ni Gen. Hermosa."

Para akong nabunutan ng tinik nang malaman kong wala si ninong Igo sa station. I'm worried about him prying about my business if he sees me at the office.

"I'll be at my office. Walang ibang makaka alam na nandito ako okay?" Bilin ko bago tuluyang dumiretso sa opisina.

Pag pasok ko ay kaagad na napailing ako nang makita ko ang tambak na paper works sa lamesa. I can only imagine my desk after a week of so called vacation if I hadn't dropped by today.

Umupo ako sa swivel chair at hinanap ang post assignment report mula sa huling enkwentro namin. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang lead sa identity ng namatay sa side ng mga Fabregas. Walang gustong magsalita sa mga nahuli kaya mukhang magiging mahirap ang imbestigasyon dahil ayaw makipagtulungan ng ibang miyembro nila.

Binasa ko ang ilang mga papeles at pumirma ng mga dapat pirmahan. Gumawa din ako ng ilang reports at mga written statements na kailangan sa korte. I got tangled up with a lot of work that I forgot about the time.

I got interrupted when someone knocked on my door. A wary-looking intern opened the door.

"L-lieutenant alam ko po na ayaw nyo pa istorbo pero inutusan po ako ni Corporal Santos na tawagin kayo sa front desk. May naghahanap po sa inyo."

Nilingon ko ang wall clock sa itaas ng pinto. It was few minutes past three in the afternoon. Halos apat na oras na pala akong abala sa trabaho. Inipon ko ang ilang folder at report na natapos ko bago tumayo at lumapit sa intern na parang nabato sa kinatatayuan nya habang hinihintay ako.

"Paki iwan itong mga folder sa admin operations tapos itong mga report ibigay kay Staff Sergeant Layug." Utos ko bago sya nilampasan at dumiretsong lumabas papunta sa front desk.

I stopped in my tracks when I saw a familiar face talking to P/Cpl Santos.

"Why are you here?" Nagtatakang tanong ko.

The doctor turned his head to my direction. He sighed before he started walking towards me.

"It's fvking way past lunchtime and you haven't eaten anything since breakfast." Salubong nya sa akin imbes na sagutin ang naunang tanong ko.

Fix YouWhere stories live. Discover now