N I N E T E E N

121 8 7
                                    

At dahil natuwa ako sa isang taong nag comment sa last chapter kong inupdate ko kahapon ata, heto at napaaga ang update ko, PLEASE DO LEAVE A COMMENT GUYS,i just want to know kung nagustuhan, naiinis o nabwe-bwesit kayo sa mga update ko, kahit wag na lang kayo mag vote, mag comment na lang kayo THANK YOU!!! 😇😇😘

-----



Chapter 19

( Mahal na pala kita )


Isang linggo na ang nakalipas magmula ng mangyari iyon, isang linggo na akong naging mailap sa kanila at isang linggo na rin akong hindi makausap ng matino.

Naalala ko pa nong minsang umiyak si Lianne dahil sa mga inasal ko.

Flashback

Third day in this island.

I was seating alone in the shore when someone held my arms softly, akala ko kung sino iyon pero ng makita ko siya awtomatiko kong inagaw ang  braso ko na hawak niya. She was a bit shock pero nakabawi naman agad.

Nakita ko siyang umiyak kaya umiwas ako ng tingin, I can't bear to see her crying again because she pity me.

"what happened to you Vivian? what happened to the Vivian I know? hindi ikaw yan, hindi ikaw yong Vivian na itinataboy kami. Dalawang araw mo na kaming ginaganito, hindi ka na namin maintindihan. Gusto ka naming tulungan pero lage mong sinasabi na okay ka lang kahit kita naman namin na hindi.... magtiwala ka naman sa amin... sabihin mo sa amin kung anong dinadala mo.. nandito kami ni Olivio at Zeus para sayo... kaibigan mo kami.... Vivian naman... bumalik ka na sa dati!" tuloy tuloy na sabi niya, at that moment I want to hug her tight and tell her everything pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong may madamay na naman. Ayokong malaman nila ang ginawa ko kay Zeus, ayokong kaawaan nila ako dahil kay Jarrix. Ayoko. Ayoko dahil kaya ko namang sarilihin ang mga problemang ito.

Tumayo ako dahil aalis na ako, baga bumigay pa ako dito. Pero bago iyon. Nagbitaw ako ng salitang lalong magpapaiyak sa babaeng dumamay sa akin matapos akong iwan at lukuhin ng dalawang taong pinagkakatiwalaan ko.

"kahit kaylan hindi niyo ko maiintindihan, kaya wag na kayong mag-aksaya pa ng oras sa akin. Kalimutan niyo na lang ako" malamig na sabi ko at umalis na, rinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ko nag abala pang lingonin siya.

End of Flashback.

Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na nga nila ako ginulo, binigyan nila ako ng distansya na kaylangan ko. Maging si Zeus ay hindi na din ako pinapansin. Kahit iisa ang tent na tinutulugan namin hindi kami nagpapansinan. Ni isang salita walang maririnig sa isa't isa. Kapag magtatangka siya agad ko namang pinipigilan.

Mas gusto ko ng ganito, mas gusto kung maging hangin na lang sa paningin ng lahat, dahil ayokong may madamay na naman sa miserable kong buhay. Subra na ang nagawa nila, nahihiya na ko. Nahihiya na ko sa kanila dahil subrang tanga ko at ayaw ko pading magpaawat sa nararamdaman ko.

Muli ulit akong naupo sa tabi ng dagat habang tinatanaw ang araw na unti unting nagbubigay liwanag sa buong kapaligiran. Habang dala dala ang isang tasang kape at umiinom doon ng tahimik.

Napahinga ako ng malalim habang marahang hinaplos ang aking katawan at marahang tinatangay ang aking buhok ng malamig na hangin.

Panibagong araw na, panibagong sakit na naman.

Araw araw na lang akong umiiyak sa isang sulok habang nakikita ko sila kung gaano sila kasaya sa piling ng isa't isa. Laging magka-akbay, naghoholding hands, naghahalikan, nagda-date, at kung anu ano pang mga sweet memories na binubuo nila ng sabay.

Napangiti ako ng mapait.

Ako ba Jarrix... kaylan mo ba ako sasamahang bumuo ng masasayang alala na dadalhin ko hanggang sa hukay?

Nagtagal pa ako doon ng ilan pang minuto ng mapagdisisyonan ko ng bumalik sa tent namin ni Zeus.

Pagkapasok ko, dire diretsyo lang ako hanggang sa conforter ko, humiga ulit ako don at pumikit. Wala si Zeus, asan na kaya siya?

Namimiss ko na siya, yong mga araw na laging siya ang karamay ko sa lahat ng sakit na nararamdaman ko, sa bawat luhang pumapatak sa mata ko siya lage ang pumapahid non, siya ang talaga alo ko, siya ang taga payo ko, siya ang nagpapangiti sa kin kahit hirap na hirap siya don. Hindi kasi siya palangiting tao, natural na tahimik, cold at wala siyang emosyon. Pero pagdating sa akin, subra siya kung mag effort mapangiti lang ako.

Namimiss ko na siya, gusto ko ng uakapin siya at makulong muli sa mga bisig niya, gusto ko ulit maramdaman na mahalaga ako, na mas importante ako. Na ako ang priority. Pero aning ginawa ko? tinaboy ko siya. Umiwas ako sa kanya... at higit sa lahat.... sinaktan ko siya.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa alam kung si Zeus iyon kaya pinili kong magtulog tulogan na lang.

Tumigili siya sandali at narinig ko ang pagbuntong hininga niya, muli kong narinig ang mga yabag at nagulat na lang ako ng gumalaw ang comforter ko.

"Alleah......." malambing na saad nito kasabay ng paghaplos niya sa pingi ko.

Nagtindigan ang balahibo ko ng maramdaman ko iyon, tila ba'y nakuryente ako sa sandalimg dumapo ang balat niya sa balat ko. Isama mo pa ang napakalambing nitong tinig. Na akala moy isa akong sanggol na nilalambing niya.

" I badly misses you..... I want to embrace you pero napaka ilap mo.... I want to comfort you pero hindi mo ko pinahihintulutan...." gusto kong umiyak sa mga sinasabi niya. Gusto ko siyang yakapinat sabihing miss ko na rin siya, pero mas pinili kong magpatay malisya.

patuloy lang sa paghaplos sa aking pisngi si Zeus hanggang sa makarinig ako ngahinang pagsimhot at paghikbi.

bahagyang kumunot ang noo ko, sana ay hindi niya mapansin pero nagtataka ako. Umiiyak ba siya?

" when will you open your eyes for me? kaylan mo ba ako makikita?" dagdag pa niya, narinig ko kung paano mag crack ang boses niya dahil sa pag-iyak niya. Yes, he is crying at naguguluhan ako. hindi ko siya maintindihan, ako ba ang dahilan ng pag-iyak niya? Ano bang pinagsasabi niya?

" kaylan mo ba ako makikita bilang isang lalaki? hindi isang Zeus na bestfriend mo kundi isang Zeus Alexander Laxus." gusto ko siyang hawakan at yakapin, naawa na ako sa kanya pero naguguluhan pa din ako sa sinasabi niya.

Imumulat ko na sana ang mga mata ko ng bigla siyang magsalita, nahulog ang puso ko ngarinig ko ang mga katagang kanyang binitawan, mga katagang siyang nagpasaya sa puso ko.

" nababaliw na ko, nakakabaliw ka Alleah.... kasi hindi ko alam. hindi ko napigilan... nagising na lang ako isang umaga... mahal na mahal na pala kita "

Fragments Of Forever [On Going]Where stories live. Discover now