T W O

164 3 2
                                    

Chapter 2

( Can I have A lunch with you )

"hayaan mo siya Savana, ang mahalaga ikaw ang mahal ko simula noon hanggang ngayon"

mapakla akong tumawa sa sinabi niya habang nakataas ang kanang kilay ko.

simula noon hanggang ngayon?

siguro kung hindi ako nasasaktan sa nakikita ko sa kanila ngayon, kikiligin na siguro ako, pero hindi. Paano niya nasasabing simula noon pa niya mahal si Savana? kung ganon ay noong hindi pa kami ay mahal na niya si Savana?

"ha! malaking kalukohan!" sabi ko sa sarili ko, na siyang nakapagpatigil sa tawanan ni Lianne At Olivio

"nong drama mo diyan besh?" tanong sa akin ni Lianne.

umiling lang ako at tumanaw ulit sa labas.

nagkibit balikat na lang si Olivio at tinap na lang ni Lianne ang balikat ko.

napabuntong hininga ako.

umalis na si John ng luhaan matapos ko siyang ipahiya kanina.

Flashback.

matapos ko siyang halikan ay isang malaking ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

Tinignan niya ko diretso sa aking mga mata na may pagmamahal.

Nakaramdam ako ng guilt sa gagawin ko pero wala akog paki alam!

mas nangigibabaw ang nararamdaman kong galit kaysa sa konsyensya ko!

si Carlo John Ford, isang sikat na volleyball star player ng grupo nila. Siya ang captain ball at talagang masasabi kong napakagaling niya sa laro niya. Ilang ulit na din siyang nabibigyan ng award dahil sa galing niya sa volleyball. Gwapo siya, medyo chinito na mestizo. Matangkad at magandang katawan. Pang model ang itsura at hubog ng kanyang katawan.



Sa tatlong linggo naming pagsasama ay inaamin kong nakaramdam ako ng konting saya, hindi siya boring kasama at talagang gumagawa siya ng paraan para hindi ako ma bore sa kanya, mabait siya, gentleman at caring.  Hindi na masamang mahalin. Pero hindi ko siya kayang mahalin.

lumuhod siya kaya naman nagtiliang muli ang mga babaeng kaklase ko.

narinig ko naman ang moral support ng kanyang barkada sa gagawin niya. Napangisi ako.

Heto na ang main show.

Kita ko ang kaba sa kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Ngumiti ako na akala mo ay naiinlove din ako sa kanya pero pwe!

" Vivi... can you be... my girlfriend?" utal utal na tanong niya.

ngumiti ako dito ng pagkatamis tamis at hinawakan ang pisngi nito. pumikit naman ito na tila dinaramdam ang init ng kamay ko.

ng muli niyang buksan ang kanyang mata ay don ko na din binigay ang sagot na gusto niyang makuha.

"no"

isang simpleng sagot na nakapagpabgsak sa kanyang luha.

isang simpleng sagot na nakapagpabasag ng kanya puso.

isang simpleng sagot na paulit ulit ko narinig galing sa kanya. at patuloy na sinasaktan ako.

patakbo siyang umalis habang sapo ang kanyang mukha. marahil ay tinatakpan ang kanyang mukha dahil sa hiya. kasama naman niya ang mga kaibigan niyang masamang nakatingin sa akin.


Fragments Of Forever [On Going]Where stories live. Discover now