E I G H T

117 5 1
                                    

Chapter 8

( Why Jarrix, why )



Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay finals na namin. Masyado akong naging busy this week dahil sa mga requirements at mga projects, pero nakakaya ko naman kasi andyan naman sina Lianne at Olivio pati na din Zeus. Pero kasabay din ng paglipas ng mga oras at panahon ay ang hindi na niya pagpaparamdam sa 'kin. Ngumingiti ako at tumatawa kapag nandyan sila pero pag ako na ang nag-iisa... hindi ko maiwasang umiyak na naman. Kasi sa bawat oras at panahon na lumipas ay mas lalo pang tumibay ang relasyon ni Sav at Jarrix at ang nararamdaman ko sa kanya....

Sa bawat araw na nakakasalamuha ko sila ay mas lalo akong nalulugmok at nasasaktan, pero hindi ko alam... kung bakit mas lalo pa akong umaasa sa posiblidad na maari akong mahalin ulit ni Jarrix ng dahil sa isang pagkakataon lang na iyon. Umasa ulit ang puso ko na sana... na sana... totoo ang mga sinabi niya sa akin na ako pa rin. Na nami-miss niya ko, na mahal niya 'ko. Oo, disperada na kung disperada. Pero anong magagawa ko? mahal ko siya. Mahal na mahal.

Kaya nagpapasalamat ako kay Zeus dahil andyan siya lagi sa tabi ko, sa tuwing kaylangan ko ng karamay ay andiyan siya lagi. Isang tawag ko lang sa kanya ay pupuntahan niya na agad ako. Napatigil niya na din ako sa panloloko ko ng mga lalaki through flirting them, pero lage naman nila akong ginugulo, minsan nagdadala ng flowers sa classroom, minsan naman bigla na lang akong hihilahin tapos magtatapat sa akin. Nilalapitan ako ng mga lalaki kahit na alam nilang tumigil na ako sa laro. Kaya laging napapaaway si Zeus eh, sa tuwing may nakikita kasi siyang may ibang lalaking humahawak, o di kaya madaplisan lang kahit kaunti ang balat ko sa balat nila ay nagagalit na agad siya and he end up beating all those pathetic men, ayaw na yaw niyang may nakakahawak sa aking ibang lalaki aside from him and Olivio. Ayaw na ayaw niya akong nakikitang nasasaktan kapag nakakasalibong namin sila, kaya gumagawa siya ng paraan para hindi kami magkakita kita. He was a bestfriend material na kapag nawala talagang manghihinayang ka. Nahihiya na nga ako sa kanya dahil alam kung may iba pa siyang kaylangan intindihin kaysa sa akin pero kinaylangan niya iyong iwan para lamang may karamay ako. Minsan napapa isip na lang ako.

Paano kung siya ang mas una kong nakilala kaysa kay Jarrix? Mamahalin ko rin ba siya ng kagaya ng pagmamahal ko kay Jarrix? Paano kong kung mas nauna kaysa kay Jarrix, magugustuhan ko ba siya? magiging kami ba?

Sana pala siya muna ang una kaysa Jarrix. Baka pagnagkaganon, baka masaya ako ngayon.

Hindi sana ito nangyayari sa akin....

Mapait na lamang akong napapangiti sa tuwing sumasagi iyan sa aking isipan.

Sa mga panahong lumipas ay mas lalo pa kaming naging malapit ni Zeus, halos hindi na kami mapaghiwalay ni Zeus sa subrang close naming dalawa, naging malaking parte siya ng buhay ko... ngayon. At masaya ako 'don dahil hindi ko na masyadonh naiisip si Jarrix. Madami ding nag-aakala na may something kami ni Zeus. Natatawa na lang kami, kapag napag-usapan kaming dalawa. He is my bestfriend, my boy bestfriend.

"Excited na talaga akong matapos ang sem na ito! makakapaglagalag na tayo!" tili ni Lianne, tumango lang ako at tumili din si Olivio.

next week summer na kaya excited na ako, mag o-out of the town kasi kami nila mama at invited si Lianne at Olivio, syempre mga kaibigan ko sila. Pinag-iisipan ko nga din nga kung yayayain ko ba si Zeus? kasi ang sabi ni mama mag ca-camping kami kaya kaylangan marami daw kami, she invited her friends at ibang mga ka business partner nila sa business ni papa, kaya ako naghahanap ng pweding imbitahan dahil yon ang sinabi ni mama, syempre dapat yong mga kaibigan ko lang ang iimbitahan ko kasi ayaw ko ng kakilala lang. Who knows baka magka problema pa doon pag niyaya ko sila ng hindi ko alam ang mga ugali. I don't want to be blame.

Fragments Of Forever [On Going]Where stories live. Discover now