S I X T E E N

104 2 0
                                    

Chapter 16

( Happier with her )

Nakapalibot na kami ngayon sa apoy na nanggaling sa kahoy na kanina pa sinindihan nila. Natapos na din kaming maghapunan at hanggang ngayon hindi ko pa din nakikita si Zeus.

Binalikan ko naman siya sa tent pero wala naman siya don, halos nilibot ko na din itong isla pero hindi ko naman siya mahanap (syempre don lang sa hindi masukal na part ako naghanap) baka kasi mawala ako.

katabi ko ngayon si Jarrix dahil by partner ang seating arrangement, nasa tapat namin si Savana na kanina pa masamang nakatingin sa amin, na hindi ko naman pinapansin. Nasa kaliwa ko si Lianne na katabi ang partner nito, si Olivio naman. Ayon! maharot sa kaparehas niya.

Nasa gitna ng bon fire si ate Jaira habang nakatayo at may pinagsasabi na hindi ko naman pinagtutuonan ng pansin.

Ginagala ko kasi ang mata ko aa buong paligid, hoping to see Zeus pero wala e.

Bigla ko namang naramdaman ang kamay ng katabi ko na humawak sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Diretsyo lang siyang nakatingin sa unahan na tila walang ginagawang kababalaghan. Pero itong puso ko tila sinasapian na ng masamang ispirito dahil sa subrang paghuhurumintado nito.

"sinong hinahanap mo?" mahinang tanong nito, habang hawak hawak pa din ang kamay ko sa ilalim ng bulsa sa malaking jacket niya. Oo nakajacket siya ng malaki at ganon din ako kaya di mahahalata na hinahawakan niya ang kamay ko.

Lihim akong napangiti sa ginawa niya. Katulad noon hanggang ngayon, napapangiti pa rin niya ko sa simpleng ginagawa niya. Ang sarap dahil muli ko na namang nararamdaman ang mga pakiramdam na yon noon. Ang sarap sa pakiramdam, nakakaginhawa.

"hey, Vivian. Tinatanong kita, sinong hinahanap mo?" iritang tanong nito sa akin kaya gulat akong nagsalita.

"h-ha? ano.. si uhmm Z-zeus..." nagdadalawang isip kong sagot, kita ko kung pano kumunot bigla ang noo niya pagkatapos ay dahan dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko hanggang sa tuluyan na niya itong bitawan. At tumayo at naglakad papunta kay Savana.

Napakagat labi ako ng makaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Shit! akala ko tatagal kami sa ganoong posisyon, pero nagkamali ako. Panandaliang kasiyahan lang pala iyon.

Ang sakit! ang sakit sakit na sa subrang sakit parang kahit kaylan pwedi na kong sumabog sa subrang sakit.

Pero hindi ko magawa-gawa dahil may pinanghahawakan ako. Pinanghahawakn ko ang mga sinabi niya sa akin kanina, na hanggang sa kahulihulihan sa kanya pa rin ako babagsak.

Nagsimula na kaming magsaya, Oo party ito dahil daw safe kaming nakarating sa isla at ito ang kauna unahang ang mga anak ng magkabusiness partners ang malayang nagkakasama. May ibang nagsasayawan na sa gitna at meron ding naggigitara, may kumakanta at hindi mawawala ang mag ka-ibigan na naglalampungan sa gilid.

"Vivian! halika! sayaw tayo!" aya sa akin ni Lianne, ngumiti at umiling lang ako dito kaya tumango lang siya at hinigit ang kapareha niya. Si Calev the camera man. Himala nga at wala itong dalang camera, baka kasi inaway ni Lianne at natauhan, ahaha. Napangiti ako kung paano ngumiti si Lianne sa tuwing napapapayag niya ang kanyang kapareha sa bawat gusto niya. Si Lianne kasi yong tipo ng tao na subra kang kukulitin hanggang sa makuha niya ang gusto niya sayo, pero iba si Lianne sa akin, dahil alam niya ang salitang 'limitasyon' at 'respeto' isa sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya.

Nakita ko din kong pano landiin ni Olivio ang kapareha nitong tila nababanas na sa kanya. Si Krieos Dela Veda isang anak ng may ari ng malaki at sikat na firm sa bansa. Sikat siya at sa lahat ng anak ng mga kabusiness partners nila mama siya lang ang kilala ko. Dahil minsan ko na siyang nakasama sa isang party.

Fragments Of Forever [On Going]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن