O N E

260 5 0
                                    

Chapter 1

( Binago mo ko! )

Nandito kami sa tambayan namin ni Lianne while chatting habang vacant pa namin.

"alam mo, itigil mo na kaya yan?" bored na saad niya sa akin.

agad akong umiling at ngumiti ng mapait.

"ayoko, gusto kong maranasan din nila ang naranasan ko, hindi madaling maiwan at maluko, hindi madaling lumuha at masaktan ng paulit ulit dahil naging tanga ka sa isang taong minahal mo" mapait na saad ko sa kanya habang inaalala ang mga panahong lumuluha pa ako.

"alam ko, napagdaanan ko din naman yan, pero subra na kasi Vivian... hindi na siya healthy para sayo"

"alam ko kung ano ng ginagawa ko Lianne, alam ko kung anong healthy para sa akin o kung ano ang hindi"

sarkastiko naman siyang tumawa.

"haha oh talaga? congrats ah?! pero ito tanong ko, masaya ka ba?"

agad naman akong napahinto sa tanong niya.

Masaya ba ko? naranasan ko na bang tumawa, ngumiti ulit at hindi maging cold sa harap ng mga tao? kasi ang isasagot ko malaking HINDI.

oo masaya ako sa ginagawa kong panloloko sa mga lalaking nabiBihag ng alindog ko pero hindi ko maramdaman yong tunay na saya dahil alam kong nag hihigante lang ako sa kanila, sa kanya.

oo natutuwa ako sa tuwing naiiwan kong luhaan ang mga lalaking nagiging laruan ko, pero hindi ko magawang tumawa ng malakas at ipagsigawan sa buong mundo kung gano ako kasaya dahil hindi naman totoo.

oo, hindi ako masaya dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa pang iiwan niya sa akin at ang pagpapakatanga ko sa kanya. Nasasaktan pa din ako dahil sa tuwing nakikita ko siyang masaya sa iba, naiingit ako dahil hindi ko magawang sumaya kagaya ng ginagawa niya dahil may nararamdaman pa din ako sa kanya.

Oo hindi ako masaya dahil alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa din siya at putang inang puso to!!! nasasaktan pa din ito sa tuwing nakikita ko kung paano siya ngumiti at tumawa sa piling niya habang ako nakatanaw lang sa kanila samalayo at pilit na nanggagamit para bumalik siya sa akin.

ang tanga diba? Oo ang tanga tanga ni Vivian Alleah Sereño na pilit nagpapa ka playgirl para lang may magamit at mapaglaruan na lalaki para man lang maipaghigante ang sarili sa ginawa ng ex boyfriend kong iniwan, pinaiyak at niloko ako.

"ano? di ka nakasagot? kasi tama ako?"

umiwas lang ako ng tingin sa kanya.

"late na tayo" malamig na saad ko sa kanya, nag kibit balikat lang siya at nauna nang lumakad sa akin.

napabuntong hininga na lang ako at agad na sumunod sa kanya.

pagkadating namin sa tapat ng pintuan ng classroom namin.

rinig na rinig ang malakas na ingay na nanggagaling sa loob ng classroom namin.

rinig ko ang pagrereklamo ni Lianne kasabay nito ang pagbukas niya ng pinto.

agad tumahimik ang lahat at tumitig sa akin na tila gulat sila na makita ako na andito sa harapan nila.

agad kumunot ang noo ko sa reaksyon nila.

bakit?

tsaka ko lang naramdaman ang mahigpit na paghawak sa akin ni Lianne sa aking kamay, tinignan ko siya at doon ko nakita ang kinakabahang ekspresyon niya habang nakatitig sa unahan, agad kong sinundan kong saan siya nakatingin at doon ko nakita ang masayang mukha ng dalawang taong minsan kong minahal, misan kung pinagkatiwalaan pero ngayon ay ang siyang dahilan kung bakit ako lubos na nasasaktan.

"Vivian...." rinig kong bulong sa akin ni Lianne, pero nanatili akong nakatitig sa kanilang dalawa.

ramdam ko ang mainit na likidong nagbabadyang bumagsak sa sulok ng aking mata, ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod at ang pagsikip ng puso ko.

Ganito ba ang gusto niyong ipakita sa akin? ganito ba Jarrix? kaylangan mo ba talagang ipamukha sa akin na mas masaya at mas sumaya ka sa piling niya? na mas mahal mo ang bestfriend ko kaysa sa aking una mong minahal?

humungot ako ng lakas at bumuntog hininga, pinilit kong i-compose ang sarili ko.

Hindi nila pweding makitang lumuha ako dahil lang sa nakita ko ang magaling kong ex na kalandian ang mabuti kong bestfriend.

I need to be strong ang cold in front of them, they need to see me that I don't care at all, na hindi malaking kawalan sa akin ang dalawang taksil na iyon.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at agad na naglakad papunta sa upuan ko.

agad namang sumunod sa akin si Lianne at nanatili lamang siyang tahimik sa tabi ko.

"ang lakas ng loob nilang ipakita sa mundo ang kalandian nilang dalawa. tss! no wonder why Jarrix left me for Savana." iiling iling na saad ko kay Lianne, alam kong madami ang nakarinig sa sinabi ko at malamang narinig din ni Savana ang sinabi ko kung gayon ay natigil sila pagkakagatang dalawa.

I may sound like a jealous bitch ex but I don't care! masyado akong vocal ngayon at gusto kong ipamukha kay Savana na isa lang siyang malaking gutom na sawa na binigyan ko ng makakaing daga.

I heard Lianne's exaggerated laugh.

"yeah right, kasi naman. Wild pala ang gusto ayaw sa Maria Clara, exotic masyado!" malakas na sigaw nito sabay flip ng mahabang buhok niya.

kami na siguro ang mga magagandang antagonist sa lovestory'ng binubuo ng dalawa, nakakatawa!

nakita ko ang pagtayo ni Savana na may napaka pulang mukha dahil sa galit, akma siyang susugod sa amin pero agad naman itong umupo ng pigilan siya ni Jarrix.

napasmirk na lang ako sa ginawa ni Jarrix.

Ganyan ka ba katakot na ipamukha ko sayo ang panlolokong ginawa niyo ng ahas na iyan?

Nakita ko ang pag irap ni Savana sa akin, nagkibit balikat na lang ako at tumingin sa labas ng bintana na katabi ng inuupuan ko, habang si Lianne naman ay nakikipag kwentuhan kay Olivio a.k.a Olive ang baklang kaibigan namin.

pero agad din akong napatingin kay Jarrix ng marinig ko ang sinabi niya na siyang nakapagpadurog muli sa aking puso.

"hayaan mo siya Savana, ang mahalaga ikaw ang mahal ko simula noon hanggang ngayon"

hindi ko na lanh iyon pinansin at tinignan ang isang lalaking papalapit sa akin, si John isa sa mga ka fling ko. May dala siyang chocolate, at flowers.

Ngumiti ako dito at walang pagdadalawang isip na hinalikan ito sa labi.

tumili ang iba dahil sa kilig at narinig ko din ang mga kanchaw ng mga kaibigan ni John sa kanya ramdam ko din ang pares ng matang pamilyar sa sistema ko ang mainit na nakatitig sa amin.

Gusto kong ipakita sayo na ibang iba na ang Vivian na kilala mo. Binago mo ko, binago mo ko!


-copperlingy

Fragments Of Forever [On Going]Where stories live. Discover now