F O U R T E E N

113 1 0
                                    

Chapter 14

( Sana nga.. )





Nasa buhanginan na kaming lahat while ate Jaira is talking about the rules and regulations, about sa mga activities na gagawin namin at kung paano kami makaka survive sa islang ito by the help of our partners.

Katabi ko ngayon si Jarrix dahil kaylangan by pair kami kapag kaharap namin si ate Jaira.

"so for now, you will build your tent, but not with your partners na, according to your friends na kasi ayaw kong may mapahamak, sa mga mag jowa naman, HIWALAY kayo ng tent para safe" sabi nito, pumalakpak ang mga singles at nag ismidan, nag irapan, nag mura at nagreklamo ang mga lovers kasama na don ang malanding si Savana, while Jarrix was still in his usual composure.

"how can we assure kung SAFE nga ang mga bf's namin? well infact may isang AHAS dito na anytime pweding gapangin ang mga bf's namin!" walang hiyang tanong nito kay ate Jaira, natahimik ang lahat at tumingin sa direksyon ko.

BWESIT! as in, BWESIT!!!

nagsimula na ang mga bulong bulongan ng lahat maliban sa mga kaibigan ko at ng katabi ko. Mariin aking napakagat labi to maintain my temper.

Isang hirit mo na lang Savana! papatulan na talaga kita!

"ate gurl! wag masyadong paranoid?! okay?!" sabi ni ate Jaira sabay irap dito.

simpleng pumameywang lang si Savana sa harap nito, napailing ako.

wala talagang modo ang babaeng to!

"panong hindi ako mapaparanoid?! e malingat lang ako sa iba, ginagapang na niya ang boyfriend ko!" sigaw nito.

"as if naman kaagaw agaw yang boyfriend mong hilaw" matabang na saad ko.

"miss ho-u-are! pwedi MANAHIMIK KA?!!! kanina ka pa! kung ayaw mong pabalikin kita sa kung saan ka man nanggaling! e total wala naman sa listahan sa profile ko yang mukha mo! kung maka gawa ka ng eksena sagad?!! ka irita ka miss! matuto kang lumugar!" ma awtoridad na sigaw ni ate Jaira sa kanya. Halata ang inis sa boses ni ate. Sasagot pa sana siya ng pigilan siya ng katabi niyang babae.

"hay! nakakastress! anyway, sige na go to your friends and bulid a tent! and by the way, 2-3 persons lang ang dapat nasa iisang tent okay?!" sigaw niya. Tumango ang lahat ang nagsimula ng maglakad papuntang mga kaibigan namin, pupunta na sana ako kina Lianne, Olivio at Zeus dahil nakapagtipon na sila ng bigla na naman akong hawakan ng katabi ko.

Bored ko itong nilingon.

"bakit?"

"tayo ang dapat na magkasama sa iisang tent" sagot nito, agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at marahas na binawi ang braso kong hinawakan niya.

"nababaliw ka na ba?!!" sigaw ko

nag smirk lang siya at inilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa.

"Oo, nababaliw ako! kaya dapat tayo ang magkasama sa iisang tent, hindi si Lianne, si Olivio at lalong lalong hindi si Zeus! ako lang! ako lang dapat Vivian! ako lang!" diing saad nito, pinanliitan ko siya ng mata.

"ano bang pinagsasabi mo?! hindi mo hawak ang buhay ko! kaya wag mo kong didiktahan kung sino ang dapat na makasama ko?!! don ka sa girlfriend mo!" sigaw ko rin sa kanya, kita ko ang paghinga niya ng malalim.

"sige! hahayaan kitang pumunta don sa mga kaibigan mo pero....." sabi nito at humakbang papalapit sa akin, humakbang din ako paatras para makalayo sa kanya.

"J-jarrix! a-ano... tumigil ka!" kinakabahang banta ko. Ngumisi lang siya. Kinilabutan ako sa pamamaraan ng pag ngisi niya.

"a-anong ngisi y-yan ha?!" sigaw ko. Pero para siyang bingi na walang naririnig at nagpatuloy sa paghakbang palapit sa akin.

hanggang sa naramdaman kong bumangga ako sa isang matigas na bagay, napahawak ako don. Tumigil na din si Jarrix sa paglapit sa akin, pero tengna! ang lapit lapit niya!

ramdam na ramdam ko ang mabilis na paghinga niya kasabay nito ang mabilis na tibok ng puso ko, nakakasuffocate, nakakapanghina! lalong lalo na kung ganito siya kalapit sa 'kin! ang sarap niyang hawakan, yakapin! subrang namiss ko ang ganitong eksena.

nilapit niya ng dahan dahan ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako, gusto kong alalahanin ang mga araw na ganito siya kalapit sa akin. Iyong lumalapit ang mukha niya palapit sa mukha ko para mahalikan ako.

hanggang sa maramdaman ko na lang ang mainit niyang hininga sa tenga ko, napakagat labi ako dahil sa kiliting nadama ko.

"Hahayaan ko sa ngayon na pumunta ka sa kanya... pero sisiguraduhin kong sa akin pa din ang bagsak mo" saad nito na nagpabukas ng mata ko dahil sa gulat. Akala ko ang gwapong mukha niya ang makikita ko pero ang tumatakbo niyang likod ang nasilayan ko.

agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa subrang bilis ng tibok nito. Subrang bilis na halos lumabas na ito sa dibdib ko. Shit! ano naman ng ibig sabihin niya don?

Ayokong mag assume pero....

Hindi ko mapigilan ang sarili ko lalong lalo na ang puso kong umasa sa mga sinabi niya, na baka nga....

na baka mahal niya parin ako hanggang ngayon.

isang ngiti ang kumawala sa aking labi, ang... ang sarap sa pakiramdam na gusto niya kong mapunta sa kanya sa kahuli hulihan, kahit na sa ngayon... ay si Savana pa ang girlfriend niya. Wala akong paki! ng dahil sa sinabi niya nabuhay muli ang pag-asa sa puso ko na baka sa susunod na araw, buwan o taon. Ako at ako lang ang mamahalin niya hanggang sa huli.

Na sana nga... ako lang hanggang huli.



-Coperlingy

Fragments Of Forever [On Going]Where stories live. Discover now