N I N E

116 5 0
                                    

Alam kong matagal akong nakapag update and I'm afraid na masyadong sabaw ang update ko ngayon, kaya pasensya na. Siningit ko lang ang UD ngayon, semi-finals namin eh at busy ako sa v-ball practice namin. Kaya sana maintindihan niyo. Salamat!

------------

Chapter 9

( Kami lang )




Pagak akong napatawa kaya natahimik ang lahat at napatingin sa 'kin, maging ang dalawang taong bumasag at dumurog sa puso ko noon at ngayon ay napatingin sa 'kin.

Oo, alam kong mukha na akong baliw sa paningin nila but who cares?! masyado lang akong nagandahan sa acting skills niya. Dalang dala ako! kinilig pa nga ako ng tudo eh! bwesit!

Nang matapos akong tumawa ay nagpahid ako ng kunting luha. Oo, luha, napaiyak ako sa subrang tawa ko.

tinignan ko ang lahat, tinaas ang kilay at matalim na tinitigan ang lahat ng pares ng mga matang ngayo'y nakatitig sa 'kin.

ngumiti ako ng malademonyo sabay ikot ng dalawang mata ko.

"what?" mataray na tanong ko, agad naman silang nag iwas ng tingin lahat at bumalik sa ginagawa nila. Pero nanatiling nakatitig sa akin ang hayop na Jarrix na ito habang si Savana naman ay may ngiting wagi sa labi.

Napa smirk ako.

lumapit si Sav sa amin at nakapameywang na humarap.

"bakit? inggit ka?" mataray na tanong nito.

kumunot ang noo ko anong pinaglalaban ng isang to?

"inggit? hindi ba't ikaw lang ang best awardee pagdating sa salitang 'inggit'?" pabalang na tanong ko, nakita ko ang pag ismid niya.

"kahit kaylan hindi ako maiingit sa tulad mo!" matapang na sagot nito, tumayo ako at lumapit sa kanya na may nanlilisik na mata, kita ko kung paano siya umatras at mapalunok.

A little smirk form into my lips.

"talaga? bukod pala sa pagiging inggitera mo ay sinungaling ka rin. I wonder.. kung ilang talent pa ng ka plastikan ang kaya mong gawin! hindi ako na inform diyan sa talent mo, BEST FRIEND!" diing sabi ko, kita ko kung paano mamula ang kanyang mata at mukha sa kahihiyan.

"what the hell Vivian?!! san mo nakuha ang nga kalukuhang yan?! ha?! kung maka asta ka kala mo kung sinong santa!" Tinaasan ko lang siya ng kilay at flinip ang buhok ko sa mismong mukha niya.

"pasensya na BES.... hindi kasi marunong magsinungaling at mainggit ang mga tulad kong na UNA, SANTA at NATURAL NA MAGANDA" eksaheradang sabi ko at umupo na.

natawa ako, ng mismong sa harap namin nalalag ang panga niya at bumuka ang bibig niyang parang tanga.

May lumapit naman sa aking isang hottie. Well, hindi na ko nabigla don, kasi sanay na ko.

Ngumiti ito ng makalapit siya sa akin, inilahad niya sa akin ang dala niyang bulaklak. Inabot ko naman iyon at sinadya kong isagi sa pagmumukha ni Savana ang bulaklak para lang ipamukha ko sa kanya na hindi kawalan ang boyfriend niyang walang paninindigan.

"Vivian, I'm Deter Bros Loron, I'm here to confess to you" sabi nito kaya nagsitilian na naman ang mga babaeng kaklase namin.

ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kanya.

"I like you since the first time I saw you Vivian, I need you and I want you. So please... let me show you how I like you" sdiretsong sabi niya, wearing all the confidence in his face.

Fragments Of Forever [On Going]Where stories live. Discover now