Chapter 37:❤️Getting Stronger Relationship

Start from the beginning
                                    

Ano kaya kung pumayag ako sa gusto ni Kath? Pero napagisip-isip ko siguro magagwa ko lang ang bagay na yun para hindi na masaktan si Julia kung umabot sa kasukdulan na halos itaboy siya ni DJ para sa career niya kahit mahal niya si Julia baka dun lang ako papayag sa gusto ni Kath na mangyari na malaghiwalay silang dalawa.

Pagkatapos kong gawin ang parte ko dito. Kinumutan ko na si Julia at hinalikan siya sa noo. Umuwi na ako sa amin at pihadong bukas masusuntok ko nanaman yang si DJ.

-Daniel Padilla Point of View-

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kaiisip kay Julia. Oo inaamin ko seloso ako kaya hindi ko mapigil na magselos kaya nung nagtanong sa akin si Kiray yun ang sinagot ko napansin ko na parang nasaktan si Julia pero gumanti lang naman ako. Oo si Quen nga ang dahilan kaya kami nagka-usap ulit after a week dahil sa issue pero kailangan ba nilang magsama? Hindi ba kailangan ng kaunting distansiya man lang?

Tinatawagan ko si Julia kagabi hindi naman niya sinasagot siguro dahil nalasing siya kagabi. Naiwan pa nga niya yung award niya sa may Mini Bar kaya ito hawak-hawak ko ngayon at hindi ko alam kung paano ko ibabalik sa kanya.

"Bakit nasa iyo yung award ni Julia?" Tanong naman ni Kath na katabi ko lang.

"Nung nasa Mini Bar siguro siya nung nalasing siya naiwan niya dun kasi pumasok pa ako sa loob"

"Napansin ko galit siya sa iyo kagabi"

"Nakakainis rin kasi si Julia eh alam niya na ngang may relasyon kami sumasama pa siya kay Quen alam naman niya na seloso ako pero go lang siya ng go kapag niyayaya siya ni Quen"

"Eh baka naman may gusto rin siya kay Quen?"

"Hindi, sinabi niya sa akin na kaibigan niya lang si Quen pero kahit ganun pa man nagseselos pa rin ako sa tuwing nakikita ko sila na magkasama kaya kagabi gumanti lang ako"

"DJ!" Bigla namang pumasok sa tent si Quen.

"Oh bakit?" Maangas kong tanong sa kanya.

"Ano nanamang ginawa mo kay Julia at nalasing siya ng ganun ah?" Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Napatayo naman si Kath.

"Hindi ko alam siguro nagselos siya kay Kath. Eh ikaw bakit kasama mo siya ha?"

"Sinasamahan ko siya dahil wala ka pa DJ. Alam mo kung bakit din siya nagselos? Dahil hindi mo man lang masabi sa iba ang relasyon niyo dahil diyan sa leche mong career na pinagkakaingat-ingatan mo. Ako kahit na sikat ako at kung papayag lang siya sa pag-ibig sa inaalok ko sa kanya kayang-kaya ko siya ipagmalaki di katulad mo!"

"Ano ba! Tama na nga yan!" Sigaw naman ni Kath sa aming dalawa at pumagitna sa amin.

"Ikaw! Ikaw Kath! Ikaw ang isa sa dahilan kung bakit hindi masabi-sabi ni DJ ang tunay na relasyon nila ni Julia eh! Dahil diyan sa LoveTeam ninyo!"

"Anong nangyayari dito? Bakit nakakarinig ako ng sigawan?" Pumasok naman sa loob si Direk.

"Uhm.....Wala po Direk pinapraktis lang po namin yung lines naming tatlo" Si Kath na ang sumagot para sa aming dalawa ni Quen.

"Ganun ba? Kung namemorize niyo na tayo na sa labas ng makapag-taping na tayo"

Tumango na lang kaming tatlo.

"Alam mo DJ hindi ka tunay na nagmamahal dahil kung mahal mo talaga si Julia kayang-kaya mo siyang ipagmalaki.....Kahit na sino.....Kahit kanino....."

Lumabas na si Quen sa may tent at sumunod na kaming lumabas. Na-speecheless ako sa sinabi ni Quen. Nasasabi niya lang yan dahil wala siya sa posisyon ko mahirap pagsabayin ang career at love lalo na't sikat na sikat kami ni Kath at makagawa lang kami ng isang pagkakamali masisira agad kami sa mga tao.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now