CHAPTER 1

8.1K 141 15
                                    

"Dito na lang 'to," Hinihingal kong sambit kay Miko at inibaba na namin sa isang sulok ang malaking bag na pinag-usungan namin.

Naglilipat kami ngayon sa bago naming relokasyon. Binawi na kasi ng may-ari ng lupa ang lupang pinahiram sa amin kaya no choice kami kundi lumipat dito sa bago naming bahay na hindi pa tapos. Sa katunayan, pinapanday pa rin ito ni Tatay.

"Hay, salamat!" Napabuntong-hininga ako.

"O, Ate, tapos na. Pwede na akong umalis,"

"Anong tapos ka diyan. Hindi pa ha,"

"Ay! Ikaw na lang ang magbuhat niyong natira,"

"Anong ako lang! Tutulungan mo ako 'oy, hanggang matapos tayo,"

"Ikaw na lang. Kaya mo na 'yan," At tumalikod na itong kapatid ko.

"At saan ka pupunta? Tapusin muna natin 'to bago ka umalis. Sige ka, isusumbong kita kay Nanay," Awtomatikong napapihit siya at napakamot na lang sa ulo. Takot kasi kay Nanay.

"Oo na, Ate. Huwag mo lang akong isumbong kay Nanay,"

"Takot ka din naman pala kay Nanay, eh," Natatawa-tawang tugon ko.

"Syempre. Ayoko kayang mapalo. Masakit,"

"Buti alam mo,"

Pagkatapos naming ipasok ang lahat ng mga gamit namin ay rumitrit agad paalis si Miko. Ang laog talaga.

Magtatanghalian na pero 'yong magaling kong kapatid ay hindi pa rin umuuwi.

"Loisa, saan ba nagpunta 'yong kapatid mo? Magtatanghalian na ay wala pa," Tanong ni Nanay habang nagluluto ng ulam.

"Hindi ko nga alam, 'Nay. Hindi naman nagsabi sa akin kung saan pupunta," Tugon ko habang hinahanda ang aming hapag-kainan.

"Hay naku! Hanapin mo na nga at kakain na tayo,"

"Sige po, 'Nay. Tatapusin ko lang ito,"

Habang naglalakad ako ay tumitingin sa akin ang mga tao dito. Nahihiya tuloy ako. Hindi kasi ako sanay na maging center of attraction. Or should I say, center of attention? Hindi ko kasi alam kung alin diyan sa dalawa. Sabagay, bago ako sa paningin nila at tsaka may mata kaya sila kaya obvious na titingin talaga sila sa akin. Pero seryoso, natural na ang pagiging mahiyain ko. Ewan ko ba pero ayokong ako ang sentro ng tingin. Feeling ko kasi sa tingin pa lang nila, may panghuhusga na.

Sa aking paglalakad ay may nadaanan akong computer shop. Bigla kong naalala na mahilig mag-DOTA si Miko kaya posibleng nandito siya. Pumasok ako doon at tama nga ako, nandito siya. Agad ko siyang nakita na busy sa paglalaro ng DOTA.

Bigla kong naisip na pag-trip-an ang kapatid ko. Tinabunan ko lang naman ang kanyang mata. Siguradong hindi siya mananalo. Ang bait kong kapatid 'no?

"Sino 'to?" Tanong niya habang nakatabon ang kamay ko sa mata niya.

Hindi ako sumagot dahil malalaman niya agad na ako iyon.

Pilit niyang inaalis ang pagkakatabon ng kamay ko pero hinigpitan ko pa para hindi niya maalis.

"Sino ba 'to!?" Hindi pa rin ako sumagot. Alam kong naiinis na siya. Ang sarap talaga nitong asarin.

Pigil na pigil ang tawa ko para hindi niya ako mahulaan.

"Ano ba! Alisin mo na 'yang kamay mo kundi susuntukin kita!" Inis na talaga itong kapatid ko.

Finally, I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon