Nakatingin ako sa mga mata nya ng sabihin nya iyon. Alam kong maganda ako pero, kakaiba ang epekto ng sinabi nya sa akin. Talagang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. And that scares me.

Ayoko na ulit maramdaman 'yung ganito, God.

Itong pakiramdam na ito. Ito 'yung pakiramdam na naramdaman ko ng makilala ko ang gagong si Sydd. And I really do hate this feeling. Anong susunod na gagawin ko ngayon? Should I just be quiet at itulak na lang sya gaya ng dapat na plano ko bago nya ako pakiligin?

Pakiligin? What the hell?

"Alam kong kinilig ka sa sinabi ko pero totoo 'yon," nabalik ako sa aking diwa ng muli syang magsalita. "Hindi ba tamang huwag ka nalang muling umiyak sa parehong dahilan?"

I stared at his face. Shet malagket! Those eyes are making my heart beats faster! Ano ba talagang mayroon sa lalaking ito at ganito nalang ka-apektado ang puso ko kahit ngayon ko lamang sya nakilala. Ni wala pang isang oras ko syang nakilala pero grabe na agad ang epekto nya sa akin.

"A-Ang kapal ng mukha nito, bumaba ka na nga! Naiinis na talaga ko sa'yo. Just mind your own business okay? Atsaka isa pa, hindi ka dapat nangingielam kung nagpapakatanga pa rin ako hanggang ngayon dahil naman kita kilala in the very first place. You're out of my business. Get lost!"

Nagtaka ako ng hawakan nya ang balikat ko bago pa ako makaupo ng maayos. Ano na naman bang balak nya sa ngayon? Nakatitig sya sa akin with his orbs habang ineeksamina ang buong mukha ko na mas lalong nagpabilis pa lalo sa aking puso. Pwede tumigil muna sya sa pagtibok ng mabilis? Naloloka na ako! Para akong mawawalan ng hininga!

"You're my business from now on, kaya hindi ko hahayaang masaktan ka ulit ng Sydd na 'yon, understand Mrs Frenierre?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko, but hell! Those words... feeling ko napaka-ganda ko talaga dahil sa sinabi nya. Just who the hell is this guy? Bakit napaka-misteryoso nya para sa akin?

"Kinilig ka na naman, ano?"

Inambahan ko sya ng sapak ng magising muli ako at mabalik sa aking diwa. Grabe, ibang-iba ang ugali nya kay Sydd at mas nakakainis 'yung ugali nya. Seryoso. Inirapan ko. Sya bago tinulak ng malakas. Naiinis na ako sa kakulitan nya at sa mga nonsense na pinagsasabi nya kanina. I was like, ew.

"Just go! Lumabas ka na at huwag na huwag ka nang makielam sa buhay ko, okay? Get lost now!"

Nag-iba ang aura nya ng marinig nya ang mga katagang sinambit ko. Napahawak ako sa aking labi ng ma-realize ko ang masasakit na mga salitang binato ko sakanya sa kabila ng tulong na ginawa nya sa akin kanina. Stupid, demonica! Kung ano-ano na namang sinasabi mo ngayon!

"I-I didn't mean those... Sadyang wala langa ko sa mood para makipag-lokohan ngayon—"

"So, you're saying na kalokohan lang 'to? Na lahat ng ginawa ko kalokohan? Really, Demonica?"

Napatikom ako ng bibig ng putulin nya ang sinabi ko. Gusto ko syang tanungin kung bakit at anong pumasok sa utak nya at pag-laruan ako, kami nina Sydd kanina. Ano ba talagang plano ng isang 'to.

"Okay, sasabihin ko na sa'yo ang rason."

Lumiwanag ang mukha ko ng sabihin nya na 'yon. Mabuti naman. Hindi ko talaga hilig ang mangapa ng mga pangyayari. Gusto ko agad malaman ang lahat sa lalong madaling panahon. Pero ang rason kung bakit nagloko si Sydd noon? Nah, sinong gustong makarinig ng kasinungalingan? Tell me, papatayin ko.

"I'll get straight to the point," bumuga sya ng malalim na hininga bago muling nagsalita ng ikinabigla ko. "I'm an assassin."

Napaawang ang dila ko sa sinabi nya at napahawak ng mahigpit sa manibela. Assassin? Isa syang assassin? To think na sya ang pinaka-tahimik sa paaralan namin noon, ay hindi kataka-taka na may tinatago syang sekreto. Those eyes, imposibleng wala. Pero ang maging assassin? Unexpected as hell.

Captivated by her, Demonica.Where stories live. Discover now