Chapter Twenty-Seven

2.9K 100 6
                                    

HINDI mapakali si Luka sa kanyang kuwarto. Ilang araw nang hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang si Khaki sa kanya pagkatapos nitong magtapat. She wanted to see him. Pero ano naman ang sasabihin niya rito kapag nagkita sila?
Sa ilang araw na hindi nila pagkikita, sinimulan na niya ang pag-aayos sa relasyon niya sa mga tao sa paligid niya. In fact, nag-set na siya ng thanksgiving party para sa mga empleyado niya dahil naging matagumpay ang pagre-release nila ng comics nila.
Gayunman, hindi pa rin siya lubusang masaya. May kulang. At alam niya kung sino 'yon.
Mariing pumikit siya. “Khaki phone home! Khaki phone home! Come on! I want to see you!”
Mayamaya ay isang tunog ng gitara ang bumasag sa katahimikan ng gabi at sa kanyang pakikipag-“telepathy” kay Khaki.
“Luka!”
Bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang malakas na boses ni Khaki. Bago pa siya makapag-isip, natagpuan na niya ang sarili niyang nakadungaw sa labas ng bintana.
Khaki, who looked dashing and handsome and sexy in the dark, looked up at her while he played the guitar!
Ngumiti ito. “Listen, Luka. I’ve found a song that perfectly explains how I feel for you.” Then, he began to play the guitar again and started singing. “It took one look and forever laid out in front of you. One smile, then I died. Only to be revived by you. There I was. Thought I had everything figured out. That goes to show there’s too much i know. 'Bout the way life plays out...”
Hindi man tunog-pro, maganda sa pandinig ang boses nito. Tumatagos sa puso niya ang mensahe ng kanta dahil ramdam niya ang emosyon doon habang kinakanta nito iyon.
“I take one step away. Then I find myself coming back to you. My one and only, one and only you. Now I know. That I know not a thing at all. Except the fact that I am yours and that you are mine. If you told me that this wouldn’t be easy. And, oh. I’m not one to complain.”
Habang pinapakinggan niya ang pagkanta nito, unti-unti na ring nagiging mas malinaw sa kanya kung ano ang nararamdaman niya para dito.
She was in love with him. Pumasok ito sa buhay niya nang walang pahintulot. In the process ay minahal niya ito nang hindi niya alam kung kailan o paano nagsimula gayong isang pakialamerong kiti-kiti lang ang tingin niya rito. Basta ang alam lang niya, ibinalik nito ang kulay sa mundo niya at pinasaya siya nito nang hindi nito nalalaman.
At na-realize niya na wala siyang dapat ikatakot. Dahil sa pagmamahal at debosyong nakikita niya sa mga mata ni Khaki, napanatag siya na hindi ito mawawala sa kanya. Na hindi nitong kayanin ang lahat para makasama siya. And she should do the same.
Natauhan siya nang huminto sa pagtugtog ng gitara at pagkanta si Khaki.
“Luka, this song... this is exactly how I feel about you! No’ng unang beses pa lang tayong nagkita, naramdaman ko nang espesyal ka dahil isa kang babaeng elyen!” biro nito. “Hindi ko alam kung bakit pero hindi kita matanggal sa isip ko. Naramdaman ko na lang na kailangan kitang makita uli. Kaya nga nakipagsabwatan ako kay Tita Marga at sa mommy mo para mapalapit ako sa 'yo. I swore to make you fall for me, elyen girl! Pero ang nangyari, I just found myself falling in love with you instead—hard and fast! No’ng banggitin ka pa lang ni Tita Marga sa 'kin, tumanggi na 'kong makipagkita sa 'yo pero napilit din niya ako sa huli.
“No’ng tinanong niya 'ko kung kumusta ang naging date natin, ang sabi ko, ayoko na. Pero wala ring nangyari sa pag-ayaw ko dahil kinabukasan lang, namalayan ko na ang sarili kong nasa tapat ng bahay mo.
“Sa maniwala ka man o sa hindi, ilang beses ko nang tinangkang lumayo sa 'yo dahil sa ilang beses na pagtataboy mo sa akin. Pero katulad nga ng sabi sa kinanta ko, ‘I find myself coming back to you’! Again and again! At nang ngumiti ka... damn! Sumuko na ang puso ko.”
She was speechless. Masaya siyang marinig ang tunay na nararamdaman nito para sa kanya. Lalo lang niyang napatunayan na hindi siya nagkamali sa pagpili ng lalaking muling pagbubuksan ng kanyang puso. Humugot siya ng malalim na hininga para ipagtapat dito ang nararamdaman niya nang magsalita uli ito.
“I’ll give you space for now, Luka.”
Kumunot ang noo niya. “What?”
“Space. 'Yong tirahan n’yo ng mga kalahi mo,” biro nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Ngingisi-ngising nag-“peace” sign lang ito. “Seriously, pansamantala muna kitang patatahimikin. Hindi muna kita guguluhin. Alam kong marami ka pang dapat gawin sa pag-aayos mo ng relasyon mo sa mga tao sa paligid mo. Bibigyan kita ng oras para mag-isip muna. At sana, maisip mo na hindi ako mawawala sa’yo. Trust me, Luka.”
Umiling siya. “Hindi mo na 'ko kailangang bigyan ng time dahil may sagot na 'ko—”
Tinakpan nito ang mga tainga. “I don’t want to hear your answer right now. Pag-isipan mo munang mabuti. Kaya mo 'yan! Nandito lang ako. I’ll wait for you. I love you, Luka!” He blew her a kiss before running away.
Naiwan siyang napatanga na lang habang pinapanood itong tumakbo. A smile spread across her face while shaking her head gently. “Sira talaga. I was about to say ‘I love him, too.’”
But thank you, Khaki. Salamat sa pagbibigay sa 'kin ng panahon para ayusin ko ang sarili ko, at ayusin ang relasyon ko sa mga tao sa paligid ko. And thank you for loving me.

My One And Only Elyen Girl (Completed)Where stories live. Discover now