Chapter Twenty-Six

3K 87 6
                                    

“KHAKI’S here?” nakakunot-noong tanong ni Luka kay Mayang.
“Opo. Ipinapasabi po niya na puntahan n’yo siya sa rooftop.”
“O, sige. Salamat.”
Iniwan niya ang kanyang late dinner at umakyat sa rooftop. Kinakabahan siya. Ngayon lang sila magkikita ni Khaki matapos ang isang linggo mula ng maaksidente ito. Nabalitaan niyang nakalabas na ito ng ospital no’ng isang araw, pero hindi niya akalaing pupuntahan siya nito.
Ang totoo niyan, nagpunta siya sa ospital nang gabing maaksidente si Khaki. Pero nang makita niya itong duguan habang sinusugod sa emergency room ay nilamon siya ng takot. Naalala kasi niya bigla ang nangyari kay Daniel.
She was too afraid the same thing would happen to Khaki, and that she would feel the pain of losing a loved one again. Sabihin mang duwag siya pero ayaw na niyang maranasan ang lahat ng 'yon.
Pagdating niya sa rooftop at nagulat siya sa nakita niya—firecrackers!
Lumiwanag ang buong rooftop dahil sa tatlong malalaking fountain na kasalukuyang nagpapakitang-gilas sa pagkislap. Nakatayo si Khaki sa harap ng mga iyon habang may hawak na dalawang malaking luses sa magkabilang kamay habang napapaligiran ng malilikot na watusi sticks.
Hindi niya napigilang matawa nang mahina nang makita ang hitsura nito. Halatang natatakot ito pero sa kung anong kadahilanan ay pilit nitong pinaglalabanan ang takot na iyon.
“D-don’t laugh, elyen girl!” singhal nito sa kanya. So, natatakot nga ito.
She just laughed harder. She didn’t know she could still laugh this hard even after forcing herself to stay away from Khaki!
Halos sabay-sabay namatay ang liwanag ng tatlong malaking fountain. Nauna lang ang  maiingay na watusi at ang mga luses na hawak ni Khaki. Halatang na-relieve ito pagkatapos niyon.
“I thought you weren’t afraid of firecrackers?”
“Shut up. Can’t you see? Mamatay-matay ako sa takot dito dahil sa phobia ko, pero ginawa ko pa rin para lang makita kitang masaya, 'tapos, pagtatawanan mo lang ako?” Nilagpasan siya nito. Pasalampak na umupo ito sa sofa. “Ungrateful elyen.”
Ang totoo ay sobrang na-appreciate niya ang ginawa nito. Her heart swelled. Subalit agad niya sinupil ang nararamdaman niya. Hindi 'yon nararapat dahil nagdesisyon na siyang umiwas. Ayaw na niya itong paasahin gayong tila hindi pa siya handang sumabak uli sa isang relasyon.
Umupo siya sa tabi nito. “Bakit nagdala ka pa ng firecrackers at fireworks dito?”
He glared at her. “You’re welcome, Luka.”
Ngumiti siya kahit alam niyang may bahid iyon ng kalungkutan. “Thank you, Khaki.”
Ngumiti na ito at masuyong hinaplos ang buhok niya. “Good girl. That’s exactly what I wanted to see.”
May kung anong mainit na bagay na humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. The warmth that she was starting to get used to. Kumuha siya ng isang luses sa kahon na nakapatong sa coffee table.
Nagtaka siya. Hindi niya inaasahan ang pagiging kalmado nito. Inaasahan na kasi niyang magagalit ito sa kanya dahil hindi niya ito dinalaw sa ospital. Pinoprotektahan lang ba nito ang damdamin niya? O baka naman sadyang ayaw lang nitong magtalo pa sila?
Oh, Khaki… why are you so good to me?
Bumuntong-hininga siya. Lumuhod siya sa sofa at ipinatong ang mga siko sa ibabaw ng katawan niyon habang sinisindihan ang luses gamit ang lighter na iniabot ni Khaki sa kanya. Iyon ang klase ng luses na nagbubuga ng iba’t ibang kulay ng liwanag.
Nilingon niya si Khaki. He was watching her intently, making her feel awkward. “O? Bakit ayaw mo nang magpaputok? Luses lang naman 'to.”
He looked at her long and hard. Mayamaya ay kumilos na ito para kumuha ng luses. Ginaya nito ang posisyon niya. Tahimik lang nilang pinanood ang paglipad ng makukulay na apoy mula sa mga luses nila. Ilang sandali silang walang imikan hanggang sa basagin ni Khaki ang katahimikan.
“Hindi pa tapos ang surprise ko para sa 'yo, Luka.”
She turned to him. “Meron pa?”
Ngumiti ito. He pointed his finger at the sky. “Smile, Luka.”
Sinundan niya ang itinuro nito. Then suddenly, the dark night became vivid with colorful fireworks!
“Khaki! Ginugulantang mo ang mga kapitbahay ko!”
Dahil sa lakas ng putok ng fireworks, kailangan nilang lakasan ang mga boses nila para magkarinigan sila.
Tumawa ito. “Nah. I got everyone’s permission! Sa katunayan nga, inaabangan ng lahat ang simpleng fireworks display na 'yan na inihanda ko para sa 'yo.”
Lumobo ang kanyang puso. “Khaki, why are you doing this?”
Kumunot ang noo nito. She even caught a glimpse of disappointment in his eyes. “You don’t like it?”
Mabilis siyang umiling. “Nagustuhan ko, siyempre.” Nakangiting binalingan uli niya ang fireworks. “Daniel would have loved this.”
Tumikhim ito. “Pasensiya ka na kung itatanong ko 'to... Do you still love Daniel?”
Ngumiti siya. “He’ll always be in my heart.”
Bumuntong-hininga ito. “No, that’s not what I meant.  Siya pa rin ba ang nagmamay-ari sa puso mo?”
Kinapa niya ang kanyang damdamin. Oo, espesyal pa rin si Daniel sa kanya dahil ito ang unang lalaking minahal niya. Alam niyang kahit ano ang mangyari, hindi ito mawawalan ng espasyo sa kanyang puso.
Pero hindi na tumitibok ang puso niya para kay Daniel katulad noon. Marahil ay nailibing na ng panahon ang pagmamahal niya para sa binata. Hindi niya matanggap noon sa sarili niya na naglaho ang pag-ibig niya para dito kaya itinali niya ang sarili niya sa pangako niya rito para makabawi.
Pero nang palayain na niya ang sarili niya sa tulong na rin ng “senyales” na hiningi niya, naging malinaw na sa kanya na wala na ang pag-ibig niya para kay Daniel, at maluwag niyang natanggap iyon.
Mapait na ngumiti siya. “Hindi na. Ang sama ko, 'no? Nangako ako noon sa kanya na mamahalin ko siya habang-buhay. Pero ngayon...”
“Luka, hindi ka masama kung naglaho man ang pag-ibig na nararamdaman mo para kay Daniel noon. May karapatan kang muling magmahal.”
Napatingin siya rito. Mukhang alam na niya kung saan patungo ang usapang iyon. “Khaki...”
Nakangiting humarap ito sa kanya. “Alam mo ba kung anong pinagkaiba namin ni Jose Rizal?”
Kumunot ang noo niya. “Ano?”
“Siya, tinamaan sa likod ng baralin. Ako, tinamaan sa’yo,” nakangising wika nito. Pero hindi nawala ang sinseridad at determinasyon sa mga mata nito. “I love you, Luka.”
Napasinghap siya. Parang nakulong sila sa sarili nilang mundo. Walang makukulay at maiingay na fireworks sa kalangitan, at tila nawalan ng hangin ang paligid dahil biglang nahirapan siyang huminga. Everything around them ceased to exist, only she and Khaki existed.
“Noong una, curious lang ako sa 'yo. Pero habang tumatagal, unti-unting nahulog ang loob ko sa 'yo. Para na nga akong tanga dahil madalas, pilit kitang kinakausap through telepathy kapag sobrang gusto kitang makita. I couldn’t get you out of my mind. Ngayon lang nangyari sa 'kin 'to,” pagtatapat nito. Marahang hinawakan siya nito sa mga balikat. “Mahal kita, Luka. Mahal na mahal! Naririnig mo ba 'ko?”
Tinitigan lang niya ito sa mahabang sandali. Kapagkuwan ay nagsalita siya, tila may malaking bara sa lalamunan niya. “Khaki, umuwi ka na. At kalimutan mo na rin ang pagmamahal na 'yan.”
Tinangka niyang umalis na pero pinigilan siya ni Khaki sa braso. “Luka, what’s wrong? Bakit mo ba ko iniiwasan? Okay naman tayo, 'di ba? May nagawa ba kong mali? Sabihin mo lang. Pangako, aayusin ko kung ano man ang nagawa o nasabi kong hindi mo nagustuhan,” pakiusap nito sa tila desperadong boses.
Umiling-iling siya. “No, Khaki. Wala ka namang nagawang masama.”
“Then, why are you avoiding me? Ni hindi mo man lang ako dinalaw sa ospital,” may bahid ng paghihinanakit sa boses nito.
Oh. So he’s mad about that. “Galit ka ba sa’kin dahil hindi kita pinuntahan sa ospital? I’m sorry about that.”
Umiling ito. His face softened. “Hindi ako galit dahil lang hindi mo ko pinuntahan. Nag-aalala lang ako dahil hindi kita ma-contact. Hindi ako napapakali kapag hindi ko alam kung anong ginagawa mo o kung nasaan ka.”
Bigla siyang napahikbi. “Stop being so nice to me, Khaki. Baka hindi ko na kayanin kapag wala ka.”
Ngumiti ito, subalit bahagyang nakakunot ang noo. “Hindi ko maintindihan. Bakit ka naman nag-aalala, eh hindi naman ako mawawala?”
Umiling siya. “Y-you almost died in that accident, Khaki. I was there when you were being brought to the emergency room. Nang makita kitang puno ng dugo, bigla kong naalala si Daniel dahil gano’n din ang nangyari sa kanya. I thought you were going to leave me, too. Natakot ako ng husto, Khaki. Ayoko nang maranasan uli 'yon. Paano kung bigla mo rin akong iwan? Natatakot ako na baka ang lahat ng taong minamahal ko ay nakatakda talagang iwan ako.
Now that you made me feel how to love and be loved in return again, natatakot na kong mapag-isa uli. Kaya siguro ngayon pa lang, dapat ko nang sanayin ang sarili ko na wala ka –”
“Para hindi ka na masaktan kapag nawala ako gaya ng pagkawala ni Daniel?” galit na sansala ni Khaki sa mga sinasabi niya. “Well, that’s bullshit!”
Napapiksi siya. Ngayon lang niya ito nakitang nagalit ng gano’n.
“Iyon ba ang kinakatakot mo? Ang mamatay din ako gaya ni Daniel at iwan kita? Kalokohan ang ipangako sa’yo na hindi ako mamamatay. Pero Luka, magtiwala ka naman sa’kin! Kung kinakailangan kong kalabanin si Kamatayan araw-araw, gagawin ko makasama ka lang! Kahit anong mangyari, gagapang at gagapang ako pabalik sa’yo. Kahit ibaon pa nila ako sa lupa, babangon pa rin ako para ipagluto ka ng makakain!”
“Khaki…”
Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat. “'Wag kang matakot, Luka. Walang nakakaalam kung gaano katagal tayo mabubuhay. Pero isa lang ang sigurado ko: gusto kong lubusin ang araw-araw na minamahal at nakakasama ka. Hindi ba puwede na himbis na ang pagkawala ko agad ang isipin mo ay 'yong ngayon na magkasama tayo muna ang pahalagahan mo? 'Yon ang mahalaga, Luka. 'Yon lang ang isipin mo.”
Tinitigan lang niya ito sa mahabang sandali. Kapagkuwan ay nagsalita siya sa basag na boses. “Khaki, I don’t know what to say. I’m sorry.” She walked out on him.
Again.

My One And Only Elyen Girl (Completed)Where stories live. Discover now