Chapter Six

3.8K 134 6
                                    

NAPANGIWI si Khaki habang inililibot ang paningin sa sala ng bahay ni Luka. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan iyon dahil wala ang elyen na iyon para guluhin siya. Puno ng anime paraphernalia at figures ang malawak na sala. Sa halip na mga vase, action figures na iba’t iba ang size ang maayos na naka-display roon.
May mga naka-frame na anime illustrations sa dingding. Sa tingin niya ay si Luka mismo ang gumawa ng mga iyon dahil ayon kay Tita Marga, comic artist daw ang dalaga.
May mobile suit din doon ng Magic Knight Rayearth. Not that he knew them. Binasa lang niya ang mga label na nasa ibaba ng bawat action figures.
Makikitambay siya sa bahay na iyon sa loob ng pitong araw. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya para iwan niya nang isang linggo ang kompanya para lang tulungan si Luka na bumalik sa dati. Marahil dahil sa kuryosidad. Gusto niyang matuklasan ang misteryo sa likod ng pagiging weirdo nito.
Natigilan siya nang may kung anong tila pumitik sa sentido niya. “Aw,” daing niya habang hinihilot ang kanyang ulo. Alam niyang hindi normal ang temperatura niya pero binabale-wala lang niya dahil kaya pa naman niya.
“Naku, Sir! Ako na ho ang gagawa niyan!”
Gumagawa siya ng sandwich no’n sa kusina nang datnan siya ni Mayang, kasambahay ni Luka. Ipinakilala ito ng huli sa kanya kanina, pati na rin ang yaya nito mula pagkabata na si Aling Nena.
Ngumiti siya nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. “'Wag mo kong ala-alahanin. Madali lang naman itong ginagawa ko.”
“Pero bisita ho kayo ni Senorita, Sir.”
Mas pinaganda niya ang kanyang ngiti. “‘Khaki’ na lang ang itawag mo sa’kin.”
Namula ang mukha nito. “P-pero –”
“Puwede mo ba kong samahan sa kuwarto ni Luka? Dadalhin ko sa kanya 'tong merienda na ginawa ko para sa kanya,” nakangiting sansala niya sa sinasabi nito. Tinaas pa niya ang hawak niyang tray kung saan nakalagay ang sandwich at isang baso ng orange juice.
Kiming tumango na lang ito. “O-o sige ho.”
Habang naglalakad ay hindi niya napigilang simpleng mapangiti sa reaksyon ni Mayang. Ayaw niyang magtunog-mayabang pero halata naman na isang ngiti lang niya ay natataranta na ang dalaga. Tinatamaan siguro ito ng charm niya.
Hah! Hindi pa naman pala kumukupas ang charm ko sa mga babae. Ibig sabihin, walang mali sa’kin. Ang elyen na 'yon ang may problema.
May kakaibang ingay din siyang naririnig mula sa labas. Mukhang may kalakasan ang ulan. Uuwi na siya pagkatapos niyang ihatid kay Luka ang merienda nito.
“Heto ho ang kuwarto ni Senorita,” imporma ni Mayang sa kanya nang huminto sila sa tapat ng isang pinto.
Tumango siya. “Salamat. Sige na, ako nang bahala dito.”
Nang umalis na si Mayang ay saka niya kinatok ang pinto ni Luka. Medyo natagalan bago bumukas ang kuwarto. Inaasahan na niya ang galit na dalaga subalit sa halip ay isang tila natatarantang Luka ang sumalubong sa kanya.
“Khaki? May kailangan ka ba?” tila distracted na tanong nito habang palingun-lingon sa loob ng kuwarto nito.
“Anong problema, Luka?”
Umiling lang ito, pagkatapos ay dumako ang tingin sa hawak niyang tray. “Hindi ako nagugutom. Ikaw na lang ang kumain niyan,” anito sa malamig na tinig.
Akmang isasara na nito ang pinto pero naging maagap siya at naiharang niya ang katawan niya kaya nakapasok siya sa kuwarto nito. Pero natapunan naman ng juice ang puti niyang polo.
“Look at what you’ve done to my polo,” reklamo niya saka binaba ang tray sa ibabaw ng cabinet – sa tabi ng isang hilera ng iba’t ibang kulay ng wigs. Napabuntong-hininga siya. “Luka, you’re one certified elyen girl.”
Luka hissed. “Don’t make yourself at home too much, Khaki. Ayoko ng maingay at pakialamero kaya lumabas ka ng kuwarto ko.”
Napangiti siya. She looked so cute when she was mad. Sa liit nitong babae, sa tingin ba nito ay matatakot siya nito kahit nakikita niya sa mga mata nito na gusto na siya nitong sapakin? Sigurado siyang hawakan niya lang ito sa ulo, hindi na aabot ang kamao nito sa mukha niya.
“What’s wrong, elyen girl? Bakit mukhang may problema ka?” naaaliw na tanong niya.
She glared at him. “It’s none of your business.”
Nagkibit-balikat siya. Pagkatapos ay walang permisong dumapa sa kama nito. He inhaled the sweet scent coming from the pillows. They smelled like her.
Napangiti siya. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin ang problema mo. Kaya kung ayaw mong tabihan kita sa pagtulog, magsalita ka na.”
Okay, that sounded wrong. Pero wala na siyang pakialam. Ang bango at ang lambot kasi ng kama nito – parang si Luka. Nabawasan ang sakit ng ulo niya habang nakadapa siya sa kama.
Narinig niyang malakas na bumuga ng hangin si Luka. “Nahulog ko kasi 'yong singsing ko. I wanted to look for it but the rain is heavy outside.”
Bumangon siya at lumingon sa nakabukas na bintana ng kuwarto. Umaanggi nga ang ulan sa loob ng kuwarto at pumapasok din ang malakas at malamig na simoy ng hangin. “Nilalaro mo ba ang singsing na 'yon malapit sa bintana?”
Hindi ito sumagot. But he could imagine her sitting in the windowsill while playing with her ring. Weird.
“Bukas mo na lang hanapin 'yon. Malakas ang ulan, eh,” wika niya.
Nanatili itong nakasimangot at nakatitig sa labas ng bintana. Pero nakita niya ang matinding pag-aalala sa mga mata nito. And that bothered him to no end.
“Nakita mo ba kung saan banda puwedeng nahulog 'yong singsing?” Nagulat siya sa sarili niya kaya tinakpan niya ng kamay niya ang bibig niya.
No, no, no, no Khaki! Pigilan mo ang sarili mo!
Nilingon siya ni Luka. Bakas ang pagtataka sa mukha nito pero sumagot pa rin ito. “Sa tingin ko, nahulog 'yon malapit sa mga tanim kong rosas. 'Yon kasi ang nasa ibaba.”
While looking at her sad eyes, his heart almost went out to her. “I’ll look for it.”
Bago pa rumehistro ang mga salitang iyon sa isip niya ay lumabas na 'yon sa bibig niya.
What the hell, Khaki!
Gusto tuloy niyang sapakin ang sarili niya. Naiinis na tumayo siya at lumabas ng kuwarto ni Luka. Tutal naman ay nasabi na niya, gagawin na niya. Hahanapin na niya ang lintik na singsing sa kasagsagan ng malakas na ulan!
Dahil may isang salita ang mga lalaking maginoo.
Bumuga siya ng hangin nang pagbukas pa lang niya ng pinto ay nabasa na agad siya sa lakas ng ulan. Halos manginig na rin siya sa sobrang lamig. Pasugod na sana siya sa ulan nang may kung sinong humawak sa kanyang braso. Nalingunan niya si Luka, pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa maliit at malambot nitong kamay na nakahawak sa braso niya.
Hindi niya alam kung bakit tila ang init na hatid ng palad ng dalaga ay dumiretso sa buong katawan niya. Bigla-bigla ay nawala ang lahat ng pagkaasar niya. Naikuyom niya ang kamay niya. Kung hindi niya gagawin 'yon, baka bigla niyang mayakap si Luka. Sapakin pa siya nito.
“Halata namang napipilitan ka lang kaya ako na lang ang maghahanap ng singsing ko, I’m not even asking you to look for it,” sabi ni Luka sa malamig na tinig.
Napahiya siya. Totoo naman kasing hindi naman siya nito pinilit na hanapin ang singsing nito pero siya pa itong may ganang magpakita ng iritasyon. Ang totoo niyan, ang ikinaiinis niya ang kakayahan ni Luka na pasunurin siya nang wala naman ito ginagawa.
He slowly reached out to touch her face. Bahagya itong napapiksi pero hindi naman ito umiwas, o nagbanta man lang na uupakan siya. Masuyong hinaplos niya ang malamig nitong mga pisngi.
“I’m sorry for my behavior, Luka,” he said gently to her. “I’ll find the ring for you. Gagawin ko 'yon dahil gusto ko at hindi dahil napipilitan ako.”
He smiled his killer smile. But instead of going gaga over him, she just gave him a blank look. Natawa na lang siya ng marahan. Hindi ito si Luka kung maaakit niya ito sa isang ngiti lang. Nang wala na siyang makuhang reaksyon mula rito ay sumugod na siya sa ulan at nagtungo sa hilera ng mga pulang rosas.
Basang-basa na agad siya at napuputikan na rin ang mga sapatos niya. Ang lagkit-lagkit ng pakiramdam niya. He hated being dirty but for Luka, kahit putik ang kinakapa niya para lang mahanap ang singsing nito ay wala na siyang pakialam.
Hindi niya alam kung gaano na siyang nakatagal nakayuko nang may malakas na puwersang nagtulak sa kanya para lingunin si Luka. Nakatayo pa rin ito malapit sa pinto. Blangko pa rin ang mukha nito subalit may napansin siyang pagbabago sa mga mata nito. Her eyes grew gentle.
No’n naging malinaw sa kanya kung bakit niya ginagawa 'yon para kay Luka: he wanted to see her smile.

My One And Only Elyen Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon