Chapter Thirteen

3K 116 9
                                    

KHAKI groaned in pain. Masakit pa rin ang ulo niyang nauntog sa glass sliding door. Damn. Kasalanan iyon ni Luka.
Nang makita niya ito kanina sa rooftop, naganyak siyang lapitan ito. Nakaluhod ito sa sofa at may hawak na nakasinding luses na nagbibigay ng kakaibang liwanag sa maganda nitong mukha.
Her long, bright yellow wig framed her small, pretty face. And as the light from the firecracker she was holding flickered, she looked with sparkling eyes, at the firecracker she was holding as if it was the most beautiful thing in the world. She looked so serene yet sad at the same time. Parang hindi ito ang masungit na babaeng elyen na kilala niya.
Tila may kung anong naantig sa kanyang puso. Natagpuan na lang niya ang sariling tahimik na lumalapit dito. Then he had the urge to run his fingers through her hair. Pero nagulat na nga lang siya nang hagisan siya nito ng watusi.
Nang dumilat siya, nakita niyang may hawak uli itong luses na may sindi. Malayo ang tingin nito kaya hindi nito napansin na gising na siya. Hinintay niyang mamatay ang luses bago niya ipinamalay na gising na siya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “O, gising ka na pala. Takot ka ba sa mga paputok?”
“Hindi ako takot, ayoko lang sa mga iyon.” Napailing siya. “Pati pala ang mga trip mo sa buhay, weird.”
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Bakit nandito ka pa?”
Bumangon siya at umupo sa tabi nito. “Wala lang.” 'Just hoping I’d see you smile again.
Pauwi na talaga siya kanina. Gusto lang sana niya itong makita bago siya umalis.  He couldn’t forget her smile. It was a ghost of a smile—it was gone as soon as it appeared—but damn, it was still a smile. Aaminin niya, gusto niyang makitang parati itong nakangiti. Dahil bukod sa bagay rito ang ngumiti, gumagaan din ang kalooban niya kapag nakikita niya ang ngiti nito.
Now, where did that come from?
Ah, he needed a distraction. Her sweet scent wasn’t helping at all. Kumunot ang noo niya. There was something wrong with her scent now. Noon lang niya napansin ang bote ng alak sa coffee table. “Bakit umiinom ka?”
“Gusto mo 'kong samahang uminom? Kumuha ka ng baso sa 'baba,” tanong nito sa halip na sagutin siya.
“No, thanks. Ayokong uminom. Anyway, kung may problema ka, puwede mo namang i-share sa 'kin.”
“Si L kasi, eh...”
“Si L? Sino 'yon?”
“Wala ka nga palang alam sa anime.”
Sumandal siya sa headrest habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Kaunti lang ang mga bituin sa langit nang mga sandaling iyon. “Ano ba’ng meron sa anime boys na wala sa mga tunay na lalaki?”
“They don’t die.”
“What do you mean?”
“Ang mga anime boys, malalakas. Powerful. Hindi sila namamatay. O kahit mamatay man sila, parating may spell na puwedeng bumuhay uli sa kanila. O puwede ring gumamit sila ng time machine na magbibigay sa kanila ng chance na baguhin ang nakaraan. Saka puwedeng mapanood nang paulit-ulit ang episodes kung saan buhay sila.”
“That’s stupid. They don’t exist in the real world. Bakit hindi mo subukang makipagkilala sa mga totoong lalaki at malay mo? May makatagpo ka na hihigit pa sa mga anime mo.”
“It’s no use.”
“Hindi mo pa naman sinusubukan—”
“Nakilala ko na ang lalaking hihigit pa sa mga anime ko.”
Natigilan siya. So, para dito, wala nang makahihigit pa sa kung sino man ang lalaking iyon na tinutukoy nito. Hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon. Tuloy ay parang gusto niyang tunggain ang bote ng alak na naroon.
Tumikhim siya. “Kung nakilala mo na pala ang lalaking tatalo sa mga anime mo, bakit ikinukulong mo pa rin ang sarili mo sa two-D world?”
Ilang sandaling hindi ito kumibo bago nagsalita. “Because he’s gone.”
“The two of you broke up?”
“He died.”
Natigilan siya.
Tumayo ito at tumingala sa madilim na kalangitan. “Daniel was the best. Para sa akin, walang lalaking makapapantay sa kanya sa mundong ito. And since wala na siya, mas mabuting ikulong ko na lang ang sarili ko sa ibang dimensiyon.”
Tumayo na siya. Nagtatagis ang mga bagang niya kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamay. “You mean to say, huminto ang mundo mo dahil sa pagkamatay ng lalaking mahal mo?”
“He’s my world.”
“You’re using him as an excuse to make yourself miserable?”
Binalingan siya nito. Punong-puno ng hinanakit ang mga mata nito. “Ano’ng karapatan mo para sabihin sa 'kin 'yan? May limitasyon ang pagiging pakialamero, Khaki! Wala kang alam tungkol sa buhay ko kaya wala kang karapatan na husgahan ako. Bawiin mo ang sinabi mo!”
“Siguro nga wala akong alam sa buhay mo, pero alam ko kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal sa buhay. At lalong alam ko kung ano ang pakiramdam ng maiwan,” punong-puno ng pait na sabi niya.
Dahil sa mga nalaman niya tungkol sa nakaraan ni Luka, bumangon ang masasakit at mapapait na alaala ng kanyang sariling nakaraan kasabay ng pananariwa ng sugat sa kanyang puso.
“You’re being unfair, Luka. Hindi lang sa sarili mo, kundi maging sa mga taong nag-aalala para sa 'yo. Lalo na sa mga magulang mo.”
Kitang-kita niya ang pagkislap ng matinding galit sa mga mata nito. “Ano naman ang alam mo –”
Hindi na niya hinayaang makatapos ito sa sinasabi. Niyakap niya ito nang mahigpit. Sa sobrang higpit ay hindi ito makawala sa kabila ng pagpupumiglas nito. Ang sabi ng Tita Marga niya, kung alam niyang makakasakit ang sasabihin niya sa isang tao, yakapin lang niya ito nang mahigpit para hindi ito makawala kapag nagwala ito.
“When my father and my older sister died, my mom shut herself in her own world. Hindi niya nakayanan ang pagkawala ni Daddy at ni Ate. Nakalimutan niyang may isang anak pa siya.” Nanakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. “Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Kailangan ko si Mommy pero hinayaan niya ang sarili niyang malunod sa sarili niyang kalungkutan. I was really angry at her that time. She was so selfish. Hindi ba ako sapat na rason para gustuhin niyang magpatuloy sa buhay? Akala ko, isang araw, magigising din siya at mare-realize niya na narito pa ako. But one year later, she died because of depression.
“You know what? You’re doing the exact thing my mom did. Oo, nasaktan ka sa pagkawala ng lalaking mahal mo, pero huwag mong lunurin ang sarili mo sa kalungkutan. Nasasaktan mo na ang mga taong nagmamahal sa 'yo. You’re still alive, pero parang unti-unti ka na ring nawawala sa kanila. Alam ko ang pakiramdam dahil iyon ang naramdaman ko habang pinapanood ko si Mommy na unti-unting pinapatay ng kalungkutan.
“Pasensiya ka na sa pakikialam ko. I just can’t stand by and watch you do the same thing my mom did nang hindi man lang kita natutulungan. And I don’t want anyone to experience the same pain I went through.”
Hindi sumagot si Luka. But he felt her relax in his embrace. Mayamaya lang, naramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito. He held her tighter. She was crying.
So was he.

My One And Only Elyen Girl (Completed)Where stories live. Discover now