Chapter Twenty

2.7K 97 4
                                    

MASAYA SI KHAKI habang pinagmamasdan si Luka. Kasalukuyan itong pumipirma ng mga comic books kasama ang iba pang artist na katulad nito sa isang mall bilang bahagi ng book signing event ng Crackers Comics na pag-aari nito. Naroon din ang mga magulang ng dalaga bilang suporta.
Dumako ang tingin niya sa bungkos ng pulang mga rosas na dala niya. Binili na niya ang mga iyon sa pagkakataong iyon pero siya pa rin ang personal na pumili sa bawat rosas. Napangiti siya nang maramdaman siyang mga “panggulo” sa tiyan niya. Kinikilig siya.
Tinakpan niya ng mga rosas ang mukha niya upang hindi siya makita ni Luka habang naglalakad siya palapit dito. Dalawang binatilyo na lang ang nasa harap niya na nagpapapirma sa dalaga. Pero ang totoo niyan, gusto niyang takpan ang pagba-blush niya.
Ngayong inamin na rin niya kay Luka na mahal niya ito, hindi na niya iyon magawang itago iyon. At lalong hindi niya mapigilan ang paggawa ng mga bagay na magpapakita at magpapatunay ng pagmamahal na 'yon. He was so in love with her. Nagpapasalamat siya na mukhang boto naman sa kanya ang mga magulang nito.
“Khaki, anong kalokohan na naman 'yan?” Narinig niyang tila iritadong tanong ni Luka.
Binaba niya ang mga bulaklak. Hindi niya napigilan ang paglapad ng ngiti niya nang makita ang mukha nito. Ang ganda talaga nito kahit naka-orange wig ito. “Hello, Luka! Nandito ako para magpa-autograph sa’yo.”
She rolled her eyes. Tinanggap nito ang mga bulaklak at pinatong iyon sa mesa nito. “So, nasaan na 'yong papapirmahan mo sa’kin?”
Natigilan siya. No’n lang niya naisip na hindi pa pala siya nakakabili ng comic books nito! Mas inuna pa kasi niya ang pagpapa-pogi, at naubos din ang oras niya kakapili ng bulaklak para rito. Naroon kasi siya para manligaw at magpa-cute.
Tumikhim siya. “Bibili ako –” Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang itaas ni Luka ang kamay nito.
“Umalis ka na d’yan. Marami pang nakapila sa likod mo,” anito sa malamig na tinig.
Sinasabi na nga ba niya’t iiwasan na naman siya nito. Pagkatapos kasi ng eksena nila sa ospital, napansin niyang tila iniiwasan na siya nito. Marahil ay may kinalaman iyon sa pagtatapat niya rito ng pag-ibig. Nasusubok talaga ang kadakilaan niya pagdating dito.
“Eh di dito na lang sa shirt ko. Puti naman ito.” Itim kasi ang coat niya kaya 'yong V-neck shirt na lang sa ilalim niyon ang in-offer niya.
Bumuntong-hininga si Luka saka tumayo. Pagkatapos ay pinirmahan nito ang shirt niya sa bandang dibdib.
Napahalakhak siya. “Oh, Luka. That tickles!” aniya sa pagitan ng pagtawa. Nakikiliti naman kasi talaga siya sa stroke ng sulat nito. Narinig niyang nagtawanan ang mga nakarinig sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang pagtawa niya ng malakas. Pero panaka-naka ay may kumakawala pa ring ngisi sa mga labi niya.
Kumunot ang noo ni Luka nang matapos itong pumirma. “That’s a silly face.”
Napangiti siya. Kahit kasi sinusungitan siya nito, nakikita naman niyang kumikislap ang mga mata nito na tila ba naaaliw ito sa kanya. “This is my second favorite face.”
Tumaas ang kilay nito. “What’s your first then?”
He broke into a wide smile. “Yours.”
Napasinghap si Luka. Binuka nito ang bibig nito pero agad din iyong sinara. Pagkatapos ay namula ang buong mukha nito.
So cute!
Akmang pipisilin niya ang pisngi nito nang may kung sinong tumawag sa kanya. Nang lumingon siya sa pinanggalingan ng boses, isang mariin na halik ang sumalubong sa kanyang mga labi.
“Khaki, I missed you!”
Napakurap siya habang pinagmamasdan ang dalaga na nakayakap na sa baywang niya ngayon. “Monica? Paano mo nalamang nandito ako?”
Lumabi ito. “Pinsan ko ang event organizer nitong book signing na 'to. Sinabi niya sa’kin na nakita ka raw niya rito kaya pinuntahan kita. Kailan ka pa nahilig sa comics?”
Kinakabahang sinulyapan niya si Luka. Mukhang nabigla ito sa nakita nitong paghalik ni Monica sa kanya. Nang tila makabawi ay tinapunan siya nito ng masamang tingin. “Luka, magpapaliwanag ako.”
“Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo. Ang gusto ko, umalis na kayo rito. Nakakaistorbo kayo sa pila,” ani Luka sa malamig na boses.
“Pero –”
“Kung makapagsungit ka, akala mo naman kung sino kang sikat. Hello? Bagsak na kaya ang industriya ng comics,” nang-iinsultong wika ni Monica habang nakataas ang kilay kay Luka.
“Monica,” saway niya rito. Nang magpatuloy pa rin ito sa pagsasalita ng masama kay Luka na halatang napipikon na ay hinila na niya ito palayo ng event. “Monica, you shouldn’t have talked to Luka that way,” naiinis na wika niya rito habang naglalakad sila palabas ng mall.
“Bakit? 'Yong weirdo ba na 'yon ang pinalit mo sa’kin?” galit na tanong nito.
Argh. This is hard. “Monica, hindi naman totoong naging tayo. You knew right from the start that I only agreed to be your pretend boyfriend so you wouldn’t be embarrassed by our friends. It’s been two weeks since then. Okay na iyon. Hindi na sila magtatanong kung sasabihin mong naghiwalay na tayo.” Alang-alang sa pagkakaibigan nila, hindi niya iyon natanggi sa mga kaibigan nila para protektahan ang pride nito.
“Khaki, do you have a girlfriend now?” tanong ni Monica mayamaya. He saw a devious glint in her eyes. “Ang usapan natin, ‘maghihiwalay’ lang tayo kapag may bago ka nang girlfriend. Remember?”
He wanted to strangle this woman. Malakas ang loob nitong magsalita nang ganoon dahil alam nitong hindi niya makakayang ipahiya ito sa mga kaibigan nila.
“Khaki, alam mo namang nasa US pa lang tayo, gusto na kita. Ano ba’ng mali sa 'kin at hindi mo 'ko magustuhan?” dagdag nito.
Monica was pretty and she obviously came from a wealthy family. Pero habang nakatingin siya rito, biglang lumitaw sa imahe niya ang mukha ni Luka.
Yeah. Luka and her wigs.
Ito lang yata ang babaeng kilala niya na maganda pa rin kahit may suot na makulay na wig.
Luka phone home! Luka phone home! I already miss you.
“Khaki,” untag sa kanya ni Monica.
Tiningnan niya ito. “Monica, I do have a girlfriend now.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Really now? Well, if that’s the case, why don’t you bring her to my party? Kapag nadala mo siya roon, doon pa lang ako maniniwala sa iyo. And, Khaki, hangga’t hindi mo naipapakita sa aking may girlfriend ka na talaga, hinding-hindi ako hihiwalay sa 'yo.”
Witch!

My One And Only Elyen Girl (Completed)Where stories live. Discover now