Chapter Four

4.2K 141 5
                                    

PAGKATAPOS maligo ay nagbihis si Luka ng long-sleeved shirt with black and gray stripes, maong shorts and black knee-length socks. Then, she stood in front of the array of different colored wigs. Sa araw na iyon ay nagdesisyon siyang isuot ang red at wavy na wig.
Nang makontento sa suot niya, hinarap niya ang kanyang computer at nagsimulang magbasa ng manga online. Natigilan siya nang mahagip ng tingin niya ang light-brown na buhok ng figurine ni Lightmula sa anime manga na Death Note na nakapatong sa ibabaw ng table. Kakulay niyon ang mga mata ni Khaki Villazar.
Napahawak siya sa kanyang braso na hinawakan nito nang nagdaang gabi. It was as if the warmth of his hand still lingered there.
Iyon ang unang pagkakataong may lalaking naglakas-loob na hawakan siya sa loob mahabang panahon. Parati kasi siyang nakakulong sa kanyang bahay at wala rin siyang kaibigang lalaki.
Umiling siya. Hindi niya kailangan ang sinuman. Kontento na siya sa enjoyment na ibinibigay sa kanya ng panonood ng anime, pagbabasa ng manga, at pag-attend sa cosplay conventions. Para sa kanya ay walang masama sa lifestyle niya dahil konektado iyon sa trabaho niya bilang comic artist. Successful ang kanyang Crackers Comics na ipina-publish ng Ink and Paper Publishing, ang pag-aaring kompanya ng kanyang pamilya. Hindi sa pagmamayabang pero dahil sa Crackers Comics niya ay muling nabuhay ang industriya ng comics sa bansa.
So there was nothing wrong with the way she was living. Nakatulong pa nga siya sa ekonomiya ng Pilipinas at sa mga kababayan niyang talented artist na mahasa ang kanilang talento.
“No. You’re just escaping from reality.”
Napadiin ang pagpindot niya sa mouse nang maalala ang sinabing iyon ni Khaki. Ano ang karapatan nitong sabihin iyon sa kanya? Did he see right through her? Imposible! Walang lalaki ang puwedeng makabasa agad sa kanya sa unang beses pa lang nilang pagkikita. Isa lang itong hamak na pakialamerong...kiti-kiti!
Narinig niya ang tunog ng doorbell. Napaungol siya. Malamang na ang mama niya iyon. Tiyak na kukulitin siya nito kung ano ang nangyari sa date niya.
Mabigat ang mga paang lumabas siya ng kanyang kuwarto para pagbuksan ng pinto ang kanyang ina. Nagulat siya nang sa halip na ang ina niya ang mabungaran ay si Khaki ang nakita niya.
Pero agad din siyang nakabawi. Kinunutan niya ito ng noo. Nakakunot din ang noo nito at titig na titig sa wig niya.
“So it’s red today, huh?” anito sa kanya. Kapagkuwan ay iniabot nito sa kanya ang isang bungkos ng bulaklak. “Good afternoon,” nakangiting bati nito.
Akmang pagsasarhan niya ito ng pinto pero maagap na naiharang nito ang katawan kaya nakapasok ito sa bahay niya.
“Is that how you welcome your visitors?” reklamo nito.
Sumimangot siya. “Yes, but only unwanted visitors,” pasaring niya rito.
“Yeah, right. As if you’d welcome anyone here,” ganti nito.
Tiningnan niya ito nang masama. “Ano’ng ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw sa 'yo ang sinabi ko kagabi na hindi ako interesado sa 'yo?”
He waved his hand dismissively. “Whatever.” Pagkatapos ay nagtungo ito sa kanyang sala at parang haring umupo sa mahabang sofa. “Come here. Let’s talk.”
She gritted her teeth. “Sino ka para utusan ako sa sarili kong pamamahay?”
“A piece of advice: do something about that snooty attitude of yours,” anito.
“And you should stop sticking your nose into other people’s business,” ganti niya.
“Well, sorry to disappoint you, but your business is my business from now on.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Ipinatong niya ang mga bulaklak sa coffee table, bago tumayo siya sa harap nito at pinamaywangan ito. “Ano’ng pinagsasasabi mo?”
“So, hindi pa sinasabi sa 'yo ng mommy mo.” Nagde-kuwatro ito at humalukipkip. “Isang linggo mong makikita itong guwapong mukhang ito sa pamamahay mo. Pero siyempre, sa gabi ay uuwi ako sa bahay ko.”
“Ano?!” gulantang na tanong niya.
“At hindi ka puwedeng magreklamo,” nakangising dagdag nito.
Nagprotesta ang kalooban niya. Kung ang sarili nga niyang mga magulang ay hindi niya magawang patuluyin sa kanyang bahay nang isang buong araw, ang pakialamerong lamok na ito pa kaya?
“No way,” she said through gritted teeth.
“Yes way,” sagot nito.
Parang may pumitik sa magkabilang sentido niya dahil sa sinabi nito. “Kapag hindi ka pa umalis dito sa bahay ko, masasaktan ka talaga,” banta niya.
“Ows? Ano’ng gagawin mo?” paghahamon nito sa kanya.
Tuluyan nang napatid ang pasensiya niya. Nagmartsa siya pabalik sa kuwarto niya. Kinuha niya ang improvised sword na gawa sa kahoy na minsan na niyang ginamit na props sa cosplay. Iniumang niya iyon kay Khaki.
“This is your last chance, Mr. Villazar. Aalis ka o mapipilitan akong saktan ka?”
“May pagkabayolente ka talaga, elyen girl,” nakangising sabi nito.
Kumunot ang noo niya. “What did you just call me?”
“Elyen girl. You know? Alien, the creatures from outer space. 'Yong mga kalahi mo.”
Akmang hahatawin niya ito ng kahoy na espada nang maagap na nahawakan nito iyon.
“You’re really not cute,” iiling-iling na sabi nito.
Sinubukan niyang bawiin ang espada mula sa pagkakahawak nito pero walang nangyari. Masyado itong malakas kompara sa kanya. “Let go!” utos niya rito.
“And what? Hayaan kang pingasan na naman ang kaguwapuhan ko?”
Walang kahirap-hirap na nakuha nito mula sa kanya ang kahoy na espada. Nawalan siya ng balanse dahil sa bigla nitong paghila niyon kaya napasubsob siya sa dibdib nito. Nasamyo niya ang pabango nito nang ipulupot nito ang mga braso sa kanyang baywang. She could feel the warmth emanating from his strong body. The warmth she had been secretly longing to feel, the same warmth she had been afraid to feel once again.
Bakit hindi niya magawang lumayo rito? Bakit sa halip na magalit at magwala siya dahil sa paghawak nito sa kanya nang walang permiso, ay tumahimik lang siya?
O baka naman kaya siya nagkakaganoon ngayon ay dahil ngayon lang uli siya napalapit nang ganoon sa isang lalaki? But whatever the reason was, this nosy man’s warmth had a calming effect on her system.
“Luka, careful,” sabi ni Khaki sa kanya. May bahid ng pag-aalala sa boses nito.
Nabalik siya sa huwisyo nang magsalita ito. Itinulak niya ito nang ubod-lakas dahilan para mapaupo uli ito sa sofa. Dinampot niya sa sahig ang espada na nabitawan nito. Hahatawin na sana niya ito nang may magsalita.
“Luka, what are you doing?”
She turned to the owner of the high-pitched voice. “Mommy.”

My One And Only Elyen Girl (Completed)Where stories live. Discover now