Chapter Eight

3.2K 124 6
                                    

UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Khaki. Ilang ulit pa siyang napakurap nang ang sumalubong sa kanya ay ang magandang mukha ni Luka. Mahimbing ang pagkakatulog nito. Lalo itong gumanda dahil sa payapa nitong anyo. Napansin din niyang hindi ito naka-wig. Mas bagay sa mukha nito ang natural nitong itim na buhok.
Pumasok nga pala siya sa kuwarto ni Luka kagabi dahil mas komportable siya sa kama nito kaysa sa guest room. Alam niyang nagtalo sila pero hindi na niya gaanong maalala kung paano niya ito mapapayag na matulog siya sa tabi nito. Masakit na masakit kasi ang ulo niya no’n.
Napasinghap naman siya nang mapansing nakayakap siya sa baywang nito at gano’n din ito sa kanya. Naka-unan pa ang ulo nito sa isa niyang braso. Mabilis na tumingin siya pababa sa kanyang katawan. Pareho silang fully-clothed ni Luka.
Kala ko pa naman… ah, nevermind.
He gently poked her cheek. “Elyen ka talaga, Luka. Elyen,” bulong niya sa sarili.
Umungol si Luka at bahagyang kumunot ang noo marahil dahil sa ginawa niya. At sa kanyang pagkagulat, sumiksik sa kanya ang dalaga at mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.
He froze. Magkalapat ang mga dibdib nila at muntik na siyang mabaliw sa sensasyong hatid niyon sa buo niyang katawan. Idagdag pa na gustung-gusto niya ang matamis nitong amoy.
Calm down, stupid hormones!
“L-Luka, my heart is not yet ready for this,” paungol na wika niya.
That was when Luka slowly opened her eyes – her beautiful dark eyes. Ilang segundo itong napatitig sa kanya na tila ba kinikilala siya. Marahil ay iniisip din nito kung paano sila napunta sa gano’ng posisyon.
Nang akmang ibubuka na nito ang bibig upang marahil tumili o maaari ring sigawan siya ay inunahan na niya ito. Sumigaw siya at lumayo rito. Hinila pa niya ang comforter at tinakip iyon sa katawan niya para mas epektibo ang pag-arte niya.
“Anong ginawa mo sa’kin, Luka?” gulat na tanong niya rito sa eksaheradong paraan. “Panagutan mo ang ginawa mong pananamantala sa kahinaan ko!”
Binato siya nito ng unan. “Ang kapal talaga ng mukha mo. Sinong mananamantala sa kiting-kiti na gaya mo?”
“You didn’t really take advantage of me while I was sick?”
“Of course not! Why would I do that?”
Pumalataktak siya. “Sinayang mo ang pagkakataon. Alam mo bang maraming babae ang nag-aasam na maangkin ang katawan ko? Manghinayang ka, Luka. Manghinayang ka.”
“Ang yabang mo talaga. Tanga lang ang magkakainteres sa katawan ng kiti-kiting tulad mo.”
Okay, his ego was bruised. Tinapik-tapik niya ang solido niyang tiyan. “Luka, bawiin mo ang pagkumpara mo sa katawan ko sa kiti-kiti. Humingi ka ng tawad sa abs ko.”
Mariing pinikit ni Luka ang mga mata nito upang marahil kalmahin ang sarili. Ang talim ng tingin nito sa kanya nang magmulat ito ng mga mata. “Get out of my room!”
Ngumisi siya. Namumula ang mukha nito dala marahil ng matinding iritasyon sa kanya. Ang cute-cute tuloy nitong tingnan. Lalo tuloy niyang naisipang asarin ito. Dahan-dahan niyang itinaas ang T-shirt niya. “Gusto mong ipakita ko sa’yo ang abs ko para bawiin mo 'yong sinabi mo?”
Hinawakan nito ang lampshade sa bedside table at inamba iyon sa kanya.
Mabilis siyang tumayo habang naka-ekis ang mga braso niya bilang depensa. “Masakit 'yan, Luka.”
“Get out!”
Paatras siyang naglakad habang naka-ekis pa rin ang mga braso dahil hindi pa rin binababa ni Luka ang lampshade habang sinusundan siya nito ng masamang tingin. Napangiti siya. Kahit bagong gising ito, ang ganda-ganda pa rin nito.
Paglabas niya ay may naalala siya. Binuksan niya uli ang pinto at sumilip sa loob ng kuwarto. Nakatayo na si Luka at binitawan na rin nito ang lampshade.
“What?” angil nito.
Ngumisi siya. “Nakalimutan ko kasing batiin ka. Good morning!” masiglang wika niya. “I had a great night because of you.”
He closed the door when she threw the lampshade at him. Natawa na lang siya nang marinig ang pagkabasag niyon. Muntikan na siya ro’n.
Pero habang pababa siya ng hagdan ay naging seryoso siya.
Damn! Luka is every inch of a woman! And I need a fucking cold shower!

My One And Only Elyen Girl (Completed)Where stories live. Discover now