Chapter Ten

3.1K 115 6
                                    

“THAT elyen girl!” naiinis na bulalas ni Khaki habang nanggigigil na pinupunasan ng basahan ang glass window sa second floor. Nakatuntong siya sa steel foldable ladder. “Nagpakahirap akong magluto ng breakfast para sa kanya, ni hindi man lang tinapunan ng sulyap ang niluto ko. Ngayon ay pinaglinis pa ako ng mga bintanang ito,” himutok niya.
Nag-spray siya ng tubig sa bintana at saka iyon muling pinunasan. “What’s with the snooty attitude? She’s not cute at all!
Kung normal na babae lang si Luka, malamang isang ngiti pa lang niya, nahulog na ang loob nito sa kanya. This was so frustrating!
Biglang may humawi ng kurtina mula sa loob. It was Luka. Ewan niya pero habang hinahawi nito ang kurtina ay parang bumagal ang pagkilos nito kaya nasundan niya ang bawat galaw nito.
He watched her intently, from the way she brushed her green locks away from her face elegantly up to the way she raised a delicate eyebrow at him in inquiry. Then she leaned closer and pouted her lips.
Tila may kung anong bumangga sa kanyang dibdib. Hahalikan ba siya nito kahit may nakapagitan sa kanila na salaming bintana? That was crazy! And not to mention corny. Yet, as he stared back into her dark eyes, he found himself closing his eyes and leaning towards the glass window. Hindi niya alam kung ilang segundong nakalapat ang kanyang mga labi sa malamig na salamin bago siya nakarinig ng katok mula sa loob.
When he opened his eyes, he was greeted by Luka’s impassive face, but her eyes were twinkling in amusement. Then it hit him. Nagmukha siyang tanga sa harap nito! Lalo na nang mabasa niya ang nakasulat sa salaming bintana.
Stupid.
Napagkamalan niyang hahalikan siya nito nang lumapit ito sa bintana para bugahan iyon ng hangin nang makapagsulat ito gamit ang daliri nito.
Sumenyas si Luka na nababaliw na siya.
“Aba, talagang ginagalit mo 'ko, ha!” Binugahan niya ng hangin ang salamin at siya naman ang nagsulat.
Elyen!
Humalukipkip ito at umiling. Then she mouthed, “stupid.”
Nang tingnan niya ang isinulat niya, na-realize niya na hindi nito mababasa iyon dahil pabaligtad ang magiging basa nito roon. Magsusulat sana uli siya nang bigla siya nitong talikuran at layasan.
He gritted his teeth. “Nakakaasar ka talaga, Luka Mercado! You really are an alien!” Mabilis siyang bumaba ng hagdan. “Ayoko na! Suko na 'ko!”
Paalis na siya nang mapadaan siya sa mga tanim na pulang rosas sa hardin. Napahinto siya. Luka’s impassive face suddenly flashed in his mind.
“Para siyang rosas. Maganda pero matinik,” sambit niya. Pahilang pumitas siya ng isang tangkay, dahilan para masugatan siya. “Argh! Damn!” Nakita niya ang gunting sa damuhan. Kinuha niya iyon para putulin ang tangkay sa puno. Pagkatapos ay pumasok uli siya sa loob ng bahay.
“Salamat sa paglilinis ng mga bintana ko sa second floor,” bungad sa kanya ni Luka. Komportableng nakaupo ito sa mahabang sofa sa sala habang nanonood ng DVD.
Kumunot ang noo niya nang makitang anime ang palabas. Umupo siya sa tabi nito. Umisod ito sa pinakadulo ng sofa.
Naiinis na binalingan niya ito. “Why do you act as if I’ve got some contagious disease?”
Hindi siya nito pinansin. Sa halip ay nanatiling nakapokus ang mga mata sa harap ng TV habang umiinom ng juice.
Iniabot niya ang isang tangkay ng rosas dito. “Here. For you.”
Nakakunot-noong tiningnan siya nito. “Bakit mo 'yan pinitas sa garden ko?”
Hindi rin niya alam kung bakit. Basta nang makita niya iyon, basta na lang niya naisipang pitasin iyon para ibigay rito.
“'Ayan tuloy, nasugatan ka,” dugtong nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Tila may nahimigan din siyang pag-aalala sa boses nito. Tinawag nito si Aling Nena para kunin ang medicine kit.
Nang ibigay rito ni Aling Nena ang medicine kit, iniabot nito iyon sa kanya. “Gamutin mo na 'yang sugat mo,” anito  at saka muling itinutok ang mga mata sa pinapanood.
Napasimangot siya. Paano niya naisip na nag-aalala ito sa kanya? Mukhang atas lang ng kagandahang-asal kaya sinabi nitong gamutin niya ang sugat niya. Padabog na binuksan niya ang medicine kit at sinimulang gamutin ang sugat niya. Nahirapan siyang ilagay ang Band-Aid sa daliri niya gamit ang isang kamay.
Hindi man lang yata alam ng babaeng ito kung paano mag-alaga ng isang lalaki. Akala ko naman, siya ang mag-aasikaso sa sugat ko! Hindi ba uso 'yon sa “2D world” niya? Hindi ba niya nakikitang nahihirapan na ako—
Nagulat siya nang may maliit at malambot na kamay na humawak sa kamay niyang may sugat. Pagkatapos ay kinuha nito ang Band-Aid sa isang kamay niya at ito na ang naglagay niyon sa sugat niya. He looked up at Luka in surprise. Tahimik na tahimik ito at nakatutok ang buong konsentrasyon sa pag-aasikaso sa sugat niya.
How could she still look so pretty even when she was wearing that ridiculous green wig? And her small but delicate-looking hand... God, it was so soft and warm it was as if her touch was leaving a burning sensation on his body. It made his blood rush.
Stupid hormones!
“Sa susunod kasi, 'wag kang padalos-dalos ng kilos para hindi ka nadidisgrasya,” iiling-iling na sermon nito sa kanya pagkatapos. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Khaki boy.” Then, she went back to her seat without turning to him again.
Hindi agad siya nakahuma. Tama ba ang narinig niyang sinabi nito?
“Luka, did you just call me ‘Khaki boy’?”

My One And Only Elyen Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon