Chapter Twenty-Three

2.7K 103 7
                                    

HUMINGA nang malalim si Khaki. Buong gabi na nakalingkis sa braso niya si Monica habang kinakaladkad siya sa bawat sulok ng malawak na hardin ng mansiyon ng pamilya nito. Inuulan tuloy sila ng tukso ng mga kaibigan nila.
“Monica, would you please let go of my arm? Hindi naman ako tatakas, eh,” naiiritang sabi niya rito.
Lumabi ito at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa braso niya. “You’re still my boyfriend, Khaki.”
Niluwagan niya ang kurbatang suot. “Monica, hindi na 'ko natutuwa sa ginagawa mo. May girlfriend man ako o wala, tapos na ang pagpapanggap ko bilang boyfriend mo.” Marahas na inalis niya ang kamay nito sa braso niya na halatang ikinagulat nito.
Bumakas ang hinanakit sa mukha nito. “Khaki,  you’ve changed. Hindi ka naman dating ganyan. You’ve always been nice and gentle to all women. Paano mo 'ko nagagawang saktan nang ganito ngayon?”
Bumuga siya ng hangin. “There’s only one girl on my mind now kaya wala na 'kong pakialam sa 'yo, o sa kahit sinong babae.”
Iyon ang unang pagkakataon na nagbitiw siya ng masakit na salita sa isang babae. Pero kailangan niya iyong gawin para matauhan ito. Ginagamit na ni Monica ang pagiging gentleman niya para mapaikot siya nito sa palad nito. And he wasn’t a toy, damn it!
Monica scoffed. “Yeah, right. So, where is she now?”
“Who knows?” Napangiti siya at tumingala sa mabituing kalangitan. “Maybe in outer space. With her kind.”
Luka was probably alone in the rooftop, watching some sappy anime series, and crying her eyes out.
Elyen girl...Why the hell can’t I get you out of my mind? Your eyes, your smile, your laugh, your quirkiness. Everything.
Pumikit siya at inilagay ang kanyang dalawang daliri sa kanyang noo. He concentrated so hard.
Luka phone home! Luka phone home! Can you hear me? I want to see you badly.
“Khaki! Niloloko mo ba 'ko?”
Napadilat siya nang sumigaw si Monica. Tiningnan niya ito. “Nandiyan ka pa pala,” matabang na sabi niya.
Namula ang mukha nito sa sobrang galit. “You’re doing this because you want to get rid of me, right? Well, sorry ka na lang, Khaki. But I won’t let you go! Akin ka lang!”
“Monica, hin—”
“Khaki.”
Sabay silang napalingon ni Monica sa tumawag sa kanya.
It was Luka! She was gracefully walking towards him like a model—confident and with her head held high. And, God, she was so beautiful tonight! Hindi ito nakasuot ng wig. Her long, raven hair framed her small heart-shaped face. She looked like a walking doll in her pink tube dress and high stilleto shoes.
Huminto sa harap niya si Luka. She looked up at him under those thick eyelashes of hers. His nostrils caught her familiar sweet scent. It took him all that he had to not pull her close to him and kiss her senseless right then and there. Mabibingi na yata siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. She was driving him crazy.
Napangiti siya. “Hey, Luka. Do we have a psychic connection now? Parang narinig mo yata na tinatawag kita.”
Marahan itong tumango. “Yeah. Paulit-ulit ka. ‘Luka phone home. Luka phone home.’ Nakakarindi kaya pinuntahan na kita.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Alam niyang nagbibiro lang ito pero nakakagulat na tugma ang iniisip nito sa isinisigaw ng isip niya kanina lang. Hindi na niya napigilan ang sarili niya.
Hinawakan niya ito sa kamay at hinila palapit sa kanya hanggang sa masubsob ito sa kanyang dibdib. He wrapped his arms around her tightly. The feel of her small, soft body against him was bliss. Isinubsob niya ang mukha niya sa buhok nito.
“Luka, I wanted to see you badly. I’m glad you came,” bulong niya malapit sa tainga nito.
“Khaki! Who’s that girl?” galit na tanong ni Monica.
Naramdaman niya ang mga kamay ni Luka sa kanyang dibdib. And damn, it felt so good. Marahan siya nitong itinulak at hinarap nito si Monica. Hindi siya lumayo rito, umakbay siya rito. He felt her stiffen, but then she relaxed.
“Good evening,” bati ni Luka kay Monica. “You’re Monica, right? I’m Luka, Khaki’s girlfriend. Hello and good-bye. I’m taking my boyfriend with me now.”
Boyfriend. Ah, it sounds good.
Pagak na tumawa si Monica. “Just because you introduced yourself as his girlfriend doesn’t mean I’ll believe you easily. Malay ko ba kung nagpapanggap lang kayo?”
“Well, gusto mo bang maghalikan kami sa harap mo para patunayang boyfriend ko talaga si Khaki gaya ng napapanood sa mga Koreanovela?”
Maang na napatingin siya kay Luka. Mukha itong seryoso, pero alam naman niyang sinasakyan lang nito si Monica. Hindi niya alam kung bakit nadismaya siya.
Humalukipkip si Monica at ngumisi. “Sure. Go ahead.”
“What do you want to see? Smack or French kiss?” tanong ni Luka.
Suminghap nang malakas si Monica at ang ilang bisita na nakikinig pala sa usapan nila. Napatingin siya kay Luka. If she was serious this time, he’d be freaking happy.
“You’re so gross! Gagawin mo 'yon dito sa harap ng lahat ng tao?” nanggagalaiti na tanong ni Monica.
“Bakit hindi? We’re a couple and this is a free country.” Hinarap siya ni Luka at hinila ang kanyang kurbata dahilan para bumaba ang mukha niya rito. “To hell with everyone.”
His heartbeat skyrocketed. It wouldn’t be his first kiss. But this was the first time he had anticipated a kiss from a woman. Oh, her eyes were really beautiful, yet they looked dangerous. It was as if she was warning him not to get carried away.
Nagtitili si Monica. “Stop it! Stop it! I don’t want to see it!” Then she walked out.
Binitiwan agad siya ni Luka. Okay, the show was over. Damn. Bakit hindi na lang natuloy?
“Let’s go, Khaki.” Nauna nang maglakad si Luka sa kanya.
Habang nakasunod dito, nakita niyang sinusundan ng tingin si Luka ng kalalakihan doon. He felt irritated by the way they looked at her. He suddenly felt so possessive of her. Hinubad niya ang overcoat niya at ipinatong sa balikat nito.
Nilingon siya nito. “Thanks.”
Tumango lang siya. Masama pa rin kasi ang loob niya sa hindi natuloy na paghahalikan nila. “Luka, ang damot mo naman sa kiss. Pa –” Natigilan siya nang maramdaman ang mainit at malambot nitong mga labi sa pisngi niya. Gulat na nilingon niya ito. “Luka?”
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. She was blushing. “May sinasabi ka?”
Napangiti siya. “Gusto mo ba kong patayin, Luka?”
Nagtatakang nilingon siya nito. “Ha?”
“Gusto mo ba kong patayin sa kilig?” nakangising tanong niya rito.
Lalong namula ang mukha nito. “Ewan ko sa’yo!” Binilisan nito ang lakad nito.
He walked by her side. Hinawakan niya ang kamay nito. “Paano ka nga pala nakapunta rito?” naisipan niyang itanong dito. Lihim siyang napangiti dahil hindi nito binawi ang kamay nito.
“Pinuntahan ako ni Tita Marga sa bahay. Apparently, pinadalhan siya ni Monica ng invitation. Pinapunta niya 'ko bilang proxy niya.”
Sumimangot siya. “So you only came here because Tita Marga asked you.”
“No.”
Kumunot ang noo niya.
Ngumiti ito nang matipid. “Nakalimutan mo na? You said, ‘Luka phone home. Luka phone home.’”
He laughed out loud. Napatingin sa kanya ang lahat ng bisitang naroon. Ngumiti lang siya sa mga ito at kumaway.
“Hey everyone, listen! This woman is my one and only elyen girl!” deklara niya sa malakas na boses.
Luka kicked his shin. Hard. But it was worth it.

My One And Only Elyen Girl (Completed)Where stories live. Discover now