Just Next Door

438 8 1
                                    

Just next Door

Hansel's POV

Mabuti na lang at magkaiba kami ng kwarto. Hindi ko yata sya kayang harapin ngayon dahil panay parin ang dagundong ng dibdib ko dahil sa kaba. Matapos yung moment namin kanina, parang nanlalambot parin yung mga tuhod ko. Ang weird ko na!

Bakit may ganung feeling!?

Seriously! Of all the people, bakit kay Chad pa!?

Ini-lock ko yung pinto saka sumandal doon. Saglit akong pumikit saka inalala kung anong mga nangyari.

"Bati na tayo..." bulong nya. Hindi ko maintindihan kung bakit nawala yung inis ko sa mga sinabi nyang iyon. Kanina halos hindi ko sya pansinin dahil sa pambabalewala nya sa effort kong mag-ayos. Tapos simpleng "bati na tayo." ay nawala na yung inis ko.

"Please.." patuloy nya habang nakatitig sakin. Para naman akong nabato-balani na nakipagtitigan rin sa kanya. Sincerity--- iyan ang nakita ko. Siguro iyon ang dahilan kung bakit di na ako galit.

"Hansel..." patuloy nya. Sa mga oras na yun, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo at sya lang nakikita ko. He's staring at me intently na para bang ako lang rin ang tanging nakikita nya. Slowly, he moved his head closer to mine hanggang sa magkadikit yung forehead namin, still not breaking the eye contact.

"Y-yes?"nauutal na sagot ko.Hindi mo naman ako masisisi. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, makapag-isip ka pa kaya ng deretso. He didn't answer. He just closed his eyes with contentment. And so I did the same. Sa sobrang tahimik parang naririnig ko na yung heart beat ko.

Naalarma ako bigla. It's impossible! Hindi naman siguro ako in---

Hindi! Imposible yun!

I opened my eyes only to find out na nakatitig syang muli sakin. I can't define the emotion lingering on his eyes nor can't explain kung ano ang nangyayari sa aming dalawa. He moved more closer and when his lips was just an inch towards mine, I stepped back.

Suddenly the magical moment was gone. Saka lang namin narealized na kami na lang ang tao doon. Umalis na sila.

Para makaiwas sa awkward moment na yun, mabilis akong nagpaalam sa kanya."P--pupunta na ako sa hotel."nauutal na sabi ko saka walang lingon-likod na naglakad palayo.

*End of flashback*

Nalilito pa ako sa ngayon. Tiyak, paggising ko, makakapag-isip na rin ako ng maayos. I shook my head at pabagsak na nahiga sa kama. Sa ganoong posisyon, unti-unti akong hinila ng antok.

Chad's POV

Tinanaw ko lang sya kanina habang nagmamadali syang lumayo. Napaisip tuloy ako. Masyado ba akong mabilis kaya natakot sya sakin ng ganun?

"Stupid Chad!" naasar na inuntog ko yung sarili ko sa pinto ng suite sa pagbabakasakaling maging malinaw ang takbo ng isip ko. Hansel is a type of girl na hindi dapat minamadali. Maling- mali yung ginawa ko. I should give her more time to like me, and if possible, to love me back. Nakapaghintay nga ako ng labindalawang taon para lang makalapit sa kanya. Kakayanin ko pa sigurong maghintay kahit madagdagan pa yung ng taon, mga taon o kahit matagalan.

Alam ko nasa kabilang kwarto lang sya pero hindi ko muna sya guguluhin. Kailangan nya rin ng pahinga dahil tiyak na pagod sya sa byahe. Ako? Pagod rin ako pero ayaw ko munang matulog. Lumapit ako sa pinto patungong veranda at saka binuksan iyon.

Talagang maganda ang lugar. Mula dito ay tanaw ko ang dagat at ang puting buhangin nito. Maswerte talaga kami ni Hansel na sa amin binigay ang royal suites.Mukhang kailangan ko talagang pasalamatan si Jordan kapag nakabalik na sya mula sa honeymoon nila sa Paris.

Kanina nakausap ko ulit si Gerone. Sabi nya, kaunti palang raw ang naka-book na guest ngayong araw at bukas pa ang dating ng mga ito kaya naman kaunti lamang ang nakikita kong gumagalang guests ng hotel. Mayroon raw kasing gaganapin na photoshoot para sa isang lotion commercial. Well, hindi naman ako magtataka kung bakit napili nila itong lugar bilang location dahil sadya namang maganda ang Los Balles. Naisip ko nga, kung ikakasal ako, gusto ng beach wedding. Gusto ko dito mismo.

Napangiti ako sa naisip ko. Kailan kaya yun? Pumayag naman kaya sya kung sakaling alukin ko sya?

Para akong sira, alam ko. Hindi pa nga ako nakakapanligaw, kasal agad. Hindi pa nga kami nagkakasundo sa mga bagay bagay, paano mangyayari yun?

Bumuntong hininga ako saka nilingon yung katabing veranda.

Si Hansel...

She seems so near and yet so far. If she only knew what I really feel.

Hansel's POV

Nagising ako nang nanlalagkit ang pawis sa katawan. Paano, nakalimutan kong buksan yung aircon bago ako matulog. Sinulyapan ko yung orasan sa estante, pasado alas dose na pala.

Mahigit isang oras na rin akong tulog. Tanghali na pala kaya nakakaramdam na ako ng gutom. Bababa na lang siguro ako para kumain. Wala naman akong balak magkulong dito sa kwarto. Hangga't maaari gusto kong sulitin ang bakasyon ko at kalimutan ang trabaho.

Mabilis akong bumangon para magtungo sa banyo at maligo. Nakita ko yung maleta ko pero hindi ko muna yun pinakialaman. Mamaya na lang dahil, naiinitan na talaga ako.

>> see next chap

Cross RoadsWhere stories live. Discover now