Way to Your Heart

546 12 7
                                    

Way to Your Heart

Hansel's POV

Nagpalinga-linga ako. Pasaway talaga itong si Cynthia, nawala na naman. Nasa CR na naman ba? Delikado yun. Baka madehydrate sya. Siguro dapat umuwi na kami. Nakaalis narin naman sila Jammy at Jordan.

Patayo na ako nang matanaw ko si Cynthia kasama yung si Errol. Papunta sila dun sa rose garden. Napataas yung kilay ko. Mukhang may something sa dalawang yun. Oh my! Magkaka-lovelyf na si little sis, mauunahan pa yata ako.

Napagpasyahan kong bumalik nalang sa upuan ko. Nakakahiya naman kung sususundan ko sila dun diba. Senenyasan ko yung waiter na may dalang tray ng iced tea na lumapit. Humingi ako ng isa.

Maya-maya, nakita kong palapit na naman sa pwesto ko si Chad. Parang gusto ko tuloy pagsisihan na umupo ako ulit.

Napasimangot tuloy ako nang maalala ko yung sinabi nya. Shrimp...Shrimp... I taste like shimp...Umiwas ako ng tingin.

"Is it really hard for you to smile kapag ako ang kaharap mo?" sabi nya nang makalapit sakin.

"What do you want this time?" I asked impatiently. Nakulo na naman yung dugo ko. Nakakahi-blood itong isang ito! Bigla syang ngumiti. The type of smile na kikiligin ang sinumang babae except me dahil lahat ng smile na manggagaling sa kanya, ang dating sakin nang-aasar.

"Hindi mo ako makukuha sa pangiti-ngiti mong yan. Kaya pwede ba!" sabi ko sabay tayo. Pupuntahan ko na lang si Cynthia. Pakiramdam ko kasi nakaakyat na sa toktok ko yung mga kilay ko. Saka na ang lovelyf nya, kailangan na naming umuwi. Binilisan ko yung lakad ko makalayo lang kay Chad. Hindi ko rin maintindihan yung lalaking yun. Lagi ko na ngang sinusungitan, hindi parin madala-dala, lapit parin ng lapit.

"Saan ka ba pupunta?"

"Ay Siomai!" muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Hindi ako pwedeng magkamali. Kanina pa sya pasulpot-sulpot sa tabi ko na parang kabute kaya kilala ko na ang boses nya. His baritone voice...deep and husky...parang bedroom voice lang.

Bedroom voice? I shook my head. Saan nanggaling yung ideyang yun? Erase! Erase! Erase! Huminga ako ng malalim bago ko sya hinarap. "Patience..patience..."bulong ko.

"Ikaw na naman?" He was standing few steps away from me. May hawak syang rose na sa palagay ko ay pinitas nya dito sa garden. Wala talagang magawa!

"Yeah," casual nyang sagot "baka mamiss mo ako eh." Then he winked. Napataas yung kilay ko doon. Nagpapacute ba sya!? I put my hands on my waist and asked. "Ano ba talagang kailangan mo?"

Ngumiti sya. Inilabas nya mula sa bulsa yung garter at saka winagayway sa harap ko.

Oh no! Wag nyang sabihin dahil yun sa kalokohang trip to Los Balles.

"Hindi ako interesado." bigla kong sabi saka pinagpatuloy yung paglalakad.

Ang ganda talaga dito. Alam nyo ba na ang rose garden ng Los Balles ay parang maze? It's so fascinating kung paano nila naisipan na maglagay ng ganito. May tatlong daanan patungo sa taniman ng mga roses, the red arc, white arc and yellow arc. Most probably, the arc represents the rose garden na papasukan mo and once you passed the entrance, it won't be easy for you to see kung saan ka talaga pupunta because the place was sorrounded by a wall and the only choice left was either you go left or right. Hindi ko alam kung saan nagpunta sila Cynthia pero naattract ako sa white roses kaya naman dun ako sa white arc tumuloy. Hindi naman siguro ako mawawala. Sana... Naitanong ko itong maze kay Jammy kanina. Sabi nya lahat daw ng Los Balles, may ganito. One of the attractions ng hotel. No wonder sikat ito sa bansa.

"Oh, common. Hindi ka pupunta?" pangungulit nya sakin. Nakasunod parin pala sya.

Kasi naman! Bakit kasi hindi na lang nya isinuot sakin yung garter kanina!? Kailangan pang sa Palawan gawin yun.   Weird talaga. Pasaway rin kasi yung bagong kasal. Sabi nila they don't want to be coventional kaya naman hindi ginawa yung part na yun kanina. They want it to be special kaya the moment na makarating yung nakasalo ng bouquet at garter sa resort, doon nila gagawin yung part ng ceremony.

What the heck?

Kalokohan!?

Sila lang talaga ang nakaisip nun! Very unique!

Hmmn..pero come to think of it, Palawan is a very romantic place. Ang ganda ng sand..Perfect ang beach..Relaxing pa ang ambiance..  

Perfect na...Almost...Almost lang...kasi naman the place is perfect for couples at hindi sa tulad namin ni Chad. Pag nagkataon, world war 3 na yun!

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mahati sa dalawa yung daraanan. Saan ba ako pupunta? Nagpalinhga-linga ako.

"Go Left."

Nilingon ko sya saka tinaasan ng kilay. "How could you be so sure?"

"Alam ko lang." he answered confidently.

"Talaga lang ha."

"Yup." nakingising sagot nya. I just rolled my eyes in return then walked on the other way. "I'll prove you wrong!" bulong ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakasunod parin sya sa akin. Nagpaling-linga ako. Wala paring Cynthia. Baka sa kabilang arc yun pumunta. Naman! Pero hindi ako babalik. Pagtatawanan lang ako ni Chad at hinding hindi ko yun hahayaan.

Nahati na naman sa dalawa yung way. Left or right? Maze nga talaga!

"Left" sya ulit. I put my hands on my waist saka ko sya hinarap.

"Bakit ba ang dami mong alam?" nanghahamon na tanong ko.

"Kung ayaw mong maniwala, then go right." simpleng sagot nya.

"Yeah, I'll go right!"confident na sagot ko sa kanya. Malakas yung kutob ko na yun talaga yung tamang way.

"Sure?" amused natanong nya.

"Wanna bet?" taas noong hamon ko.

Tumawa sya ng nakakaloko. "Call!" sang-ayon nya."But once I'm right, sasama ka sakin sa Palawan. How's that?"

Nag-isip ako. Yung lang pala. Hindi ako ipapahiya ng instinct ko and I'm sure na I should keep right. "At kung tama ako, hinding hindi mo na ako guguluhin?"

Nag-isip sya sandali at saka seryosong tumitingin sa kin. "Fine."

"Wag kang susunod." singhal ko sa kanya sabay talikod at tulad kanina kumanan ako at mas binilisan ko yung lakad ko.

Hindi ko naman akalain...

na dead end yun...Kainis!

Narinig ko na lang yung halakhak ni Chad mula sa likuran na ikinalingon ko.

"See you in Palawan." pang-aasar nya sakin.

******************************************************

Thanks for reading..

Comment po?

Vote?

-kenshin_kst

Cross RoadsWhere stories live. Discover now