The Dinner

375 10 4
                                    

The Dinner

Hansel's POV

Mula nang lumabas si Chad ng kwarto ko hanggang ngayon na oras na ng dinner, hindi pa sya nagpakita sakin.No choice tuloy kundi ako lang yung bababa para kumain.

Napaka-inconsiderate!

Alam naman nya na kaming dalawa lang yung magkakilala dito pero nasaan sya?

Tumawag ako kanina para yayain syang sumabay sakin magdinner pero walang nasagot ng phone.

Akalain nyong after thirty minutes of debate kung tatawagan ko sya o hindi, di ko naman pala sya makakausap. Kaya ang ginawa ko, pinuntahan ko na lang sya sa kwarto nya.

Oo.

Effort ang tawag dun kasi somehow I feel guilty sa mga sinabi ko sa kanya.

Maybe...

Kasi..

I don't mean it all...

Nakailang buzz na ako at katok pero walang nagbubukas ng pinto.Panay nga yung tingin sakin nung mga dumadaan na crew ng hotel.

Wala yata sya? O "tulog" rin?Ano kayang nangyari dun?

I was about to knock again nang may magsalita mula sa likuran ko. "Ineng, wala tao dyan." I saw a middle aged woman na may dalang mga bed covers. She smiled at me politely.

"Nakita ko syang lumabas kanina, Ineng."patuloy nya. "Aba'y napakabait na bata." tapos tumingin sya sa kawalan na nakangiti parin.

Napaisip tuloy ako? Si Chad ba ang tinutukoy nya?

"At ang gwapo."

Eh? Manang naman, crush nyo?

"Tinulungan nya ako kaninang buhatin yung mga dalahin ko. Talaga namang napakabait. Kung ibang guests yan, hindi ako papansinin pero ang batang yun, nakuha pa akong tulungan." Dagdag na kwento ni Manang.

Oo na Chad, mabait ka na. Ako na ang bad. Nakukonsensya na ako.

"Naalala ko tuloy yung anak ko. Halos magkaedad sila." Tumigil sya sa pagsasalita na para bang may naalala. "Napansin ko nga kanina na malungkot sya kaya tinanong ko."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Manang. "Bakit raw po? Ano pong sinabi?" interesadong tanong ko.

Bakit ba? oo na Guilty na kung guilty!

Medyo parang nagtataka naman si Manang sakin pero sumagot parin.

"Hindi naman nya sinabi. Basta nabanggit nya lang na may mga bagay na imposibleng mangyari."

Imposible...

Imposible...

Imposible ko nga ba syang magustuhan?

Imposible...

Imposible na hindi..

Pagkuwan ay umiling si Manang. "Ineng, mauna na akong bumaba ha at may gagawin pa pala ako." paalam nya na tinanguan ko naman.

Naiwan akong nakatingin sa pinto ng kwarto ni Chad.

Malungkot sya dahil sa sinabi ko?

Hindi ko alam..

Marami namang imposible sa mundo.. Hindi lang yung sinabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga ako. Parang nawalan na ako ng gana na bumaba. Sa kwarto na lang ako magdi-dinner.

Halos kakasara ko palang ng pinto nang tumunog yung buzzer. Agad ko naman tiningnan kung sino yun.

"Good evening, Ma'am. Delivery po for Mrs. Hansel Mendrez."sabi nya sakin. Saglit akong natigilan.

Iyon nga pala yung pangalan ko sa VIP certificate. Mr.s Hansel Mendrez.. Mendrez.. Apelyido ni Chad.

"Ma'am?"

"Ah-- Oo. Good evening pero hindi naman ako nagpadeliver ng kahit na ano." Iling ko nang matauhan.

"Yes , Ma'am. Pinadeliver po ito ni Mr. Chad Mendrez."

Si Chad...

Akala ko nakalimutan na nya ako. Hindi naman pala.

Ngumiti ako saka pinatuloy yung crew. Matapos namang mailagay yung mga pagakain ay umalis na rin sya agad.

Napansin ko naman yung isang tangkay ng long stemmed rose na may naka-attached na note. Kinuha ko yun saka binasa.

"Hansel,

Sorry if I can't dine with you tonight. I got something to do.

Take care while I'm not around--Chad."

Napangiti ako kahit papano. Hindi naman pala sya galit sakin eh.

kahit mag-isa, magana kong inubos yung nakahain.

Chad's POV

IMPOSIBLE..

Imposible nya akong magustuhan.. Sa kanya mismo nanggaling yun.

Sinensyasan ko ulit yung bartender para bigyan pa ako ng whiskey.

Walang pakealaman.

I need this. Atleast tonight.

Ang sakit.. Ang sakit sakit... Tinanggihan ako ni Hansel.

Tinanggihan nya ako.

Pero hindi naman ako galit sa kanya. Sa katunayan pinadalhan ko pa sya ng dinner. Ayoko namang gumala-gala syang mag-isa dito sa isla. Baka kung ano pang mangyari sa kanya.

Shit lang!

Kahit ang sakit ng dibdib ko hindi ko parin maalis sa sarili ko na mag-alala sa kanya.

Dammit!

I love her!

Pero ayaw naman nya sakin!

Nang mailapag nung bartender yung baso ay agad ko yung inubos. Bottoms up! "Isa pa?"

"Sir, lasing na yata kayo.." sabi nya sakin.

Umiling ako. "Hindi pa, pampamanhid lang." sagot ko sabya turo sa tapat ng dibdib ko. Bahagya naman syang natawa.

"Ganun po ba, sige po, try nyo itong black whishka namin." nagsalin sya ng tatlong inumin sa baso saka inilapag sa harap ko. "Effective yan sir." patuloy nya.

Ngumisi ako. "Thanks bro!" Nag-salute naman sya saka nagserve sa iba pang customers.

"Hi Honey."Napalingon ako sa nagsalita. Nakangiti sya sakin. Sino naman kaya ito? Hindi ako sumagot at hinarap ulit yung baso. I took a sip.

Shit!

Ang tapang nga. Buti hindi ko ni-straight.

*************

Cross RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon