Chapter 56

1.3K 31 3
                                    

This chapter is for my friend reenavillacampa. Thank you for reading this story at sa pagpupumilit na magupdate na ako. Godbless Miss Reena.

Xander pov!

Dali.dali kong isinuot ang bathrobe ng marinig kong sumigaw si Lory sa kwarto. Lumapit ako sa kanya at tiningnan kung ano ang nangyari sa kanya at nakahinga ako ng maluwag ng makita kung natutulog pa siya.

"Akala ko napano na."

Baka nananaginip lang. Aalis na sana ako ng mapansin kung lumuluha siya at parang hirap na hirap siyang humihinga habang pinagpapawisan. Ang aga pa pero pinagpapawisan siya. Binabangunot ba siya?

"Lory, Lory wake up." inalog.alog ko ang balikat niya pero hindi pa rin siya nagigising.

"Hindi! Hindi!" nilakasan ko ang pag.alog sa kanya ng sumigaw ulit siya.

"Lory."

Pero wala pa rin kaya mas lalo kung nilakasan ang pag.alog sa kanya at mukhang gumana naman dahil huminga siya ng malalim pero hindi pa rin siya dumidilat kaya hinawakan ko ang balikat niya.

"Lory wake up now."

"Hindi! MIKE!" sigaw niya at bumangon siya at buong lakas akong sinampal pero parang namanhid ako hindi dahil sa sampal kundi sa pangalan na binaggit niya at sa sunod niyang sinabi. "Huwag mo akong iiwan Mike please.. Mahal na mahal kita..Pinapatawad na kita huwag mo akong iiwan please, please."

Napahinga na lang ako ng malalim. She still love him?

"Bullshit!"

"Huwag mo akong iiwan please."
sabi niya ulit. Ano bang meron sa Mike na yun? Masyado niya naman ata niyang mahal yun at kahit sa pananginip iniiwan na siya nakikiusap pa rin siyang huwag iwan. Kahit masama ang loob ko sa mga pinagsasabi niya hindi ko matiis na panuorin lang siya habang binabangunot.

"Lory." muli ko siyang inalog pero hindi pa rin siya nagigising kaya mas lalo kong nilakasan ang pagising ko sa kanya. Tinapik.tapik ko ang mukha niya. "Wake up Lory." nagulat na lang ako ng bigla siyang umupo mula sa pagkakahiga at buong higpit akong niyakap habang umiiyak pa rin.

"Huwag mo akong iiwan please. Hindi ko kayang mawala ka sakin." hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya pero hindi ko maikakaila na hindi yun para sakin dahil ang nilalaman pa rin ng puso niya ay ang lalaking nanakit sa kanya. Bakit ba kasi hindi niya na lang kalimutan ang taong yun?

"Stop crying now Lory." niyakap ko na rin siya pero bigla naman siyang bumitaw.

"Xander?" parang nabigla siya na ako ang nakita niyang yakap niya. "Pasensiya na nanaginip kasi ako ng masama." mabuti nga na napanaginipan niya na iniiwan siya ni Mike para naman matauhan na siya.

"Maligo ka na."  yun na lang ang nasabi ko.

Tumayo na siya at kinuha ang towel niya at pumasok na sa banyo kaya nagbihis na ako para paglabas niya bababa na ako at siya naman ang magbibihis. Kinuha ko na ang bag ko at coat para bumaba na. Sa baba ko na lang siya hihintayin.

************

Sinagot ko ang tumutunog na telepono.

"Yes?"

"Sir hinihintay na daw po kayo Mr. Chan."

"Yes. Okay. I'll be there in ten minutes."

Binaba ko na ang telepono at tiningnan ko si Lory. Parang hindi na naman maipinta ang mukha niya. Bakit ba kasi kailangan niya pang isipin yun eh. Nakakainis!

"Lory." tawag ko sa kanya pero parang wala siyang narinig. "Lory." nilakasan ko ang pagtawag sa kanya. Para naman siyang natauhan. Buti naman lumingon na siya. Baka kasi batuhin ko na siya kapag hindi pa siya lumingon.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon