Chapter 7

2.3K 49 2
                                    

Alexander pov!

Kanina ko pa sila hinihintay pero hindi pa sila dumadating. Kanina ko pa rin pinag.iisipan kong paano ko siya masosorpresa pero wala akong maisip na paraan kaya kinuha ko na lang ang research tungkol sa investor na imemeet ko mamaya. Lumipat ako sa couch na nasa office ko din at sinimulang basahin ang tungkol kay Mr. Chalinger.

Nasa kalagitnaan na ako ng may kumatok at pinapasok ko na ito without looking kung sino man ang pumasok. Pagkapasok pa lang nila naamoy ko na kaagad ang pinakaayaw kong amoy.

"What the! Di ba nagpalabas na ako ng memo na walang sinuman ang pwedeng gumamit ng pabango ba yan!" iniangat ko ng konti ang ulo ko. Nananadya ata ang babaeng to! "At ano ang sapatos na yan!" napangisi ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"IKAW!"

Tumayo ako at nginisian siya na mas lalong nagpalaki ng mata niya.

"Yes. Nice to see you again."

"Magkakilala kayo?" tanong ni Delcrus. palipat.lipat ang tingin ni James samin. James ang pangalan ni Delcrus but since nasa kompanya kami I need to be formal kaya sa surname ko siya tinatawag.

"Yes exactly. You can leave now."

Tumango lang siya at tiningnan muna si Lory bago lumabas na nakakunot pa rin ang mukha.

"Si-sir." nauutal siya ibig sabihin naalala niya ang ginawa niya sakin. "I want to say sorry tungkol sa nangyari noong isang araw. Marami lang talaga akong iniisip noon. Pasensiya na po talaga." kagat labi niyang sabi.

"I don't need your explanation. Be ready. We will leave later." kinuha ko ang mga papel na binabasa ko at iniwan siya sa office ko para tawagan si Robert. May appointment ako ngayon with Mr. Chalinger.

"May kailangan po ba sir?"

"Ah yes. I want you to call Robert and tell him that I need him in my office in 10 minutes okay?"

"Yes sir."

"Thank you."

Iniwan ko na siya at bumalik sa office ko. Nakaupo na siya sa sofa habang nakatingin sa cellphone niya. Bakit kaya parang ang lungkot.lungkot nito? Ano kayang problema niya? Palagi na lang kasing namamaga ang mata niya sa tuwing nakikita ko siya. Bwisit! Bakit ko ba siya inaalala?

Sinadya kong lakasan ang mga yapak ko para makuha ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo. Mabilis niyang tinago ang hawak niya sa bag at... nagpunas siya ng luha?
Hindi pwede to. Kailangan ko siya mamaya.

"Why are you crying?" dumiretso ako sa desk ko at umupo sa swivel chair ko.

"Nothing sir."

"Miss Briones una sa lahat ayoko sa taong sinungaling at ayoko rin ng tao na dinadala ang problema sa trabaho kaya kung ano man ang iniiyakan mo wala akong pakialam. Naiintindihan mo ba?"
sa totoo lang parang nakokonsensiya ako sa mga sinabi ko pero nasabi ko na kaya wala ng bawian. Tiningnan ko siya ng matalim.

"Sorry sir."

"Good. Next time I don't want to see you crying. Fix yourself and we will leave in five minutes."

"Yes sir."

Kinuha ko ang binabasa ko kanina at pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng impormasyon tungkol kay Mr. Chalinger at meron na akong idea kung paano ko madedeal ang contract.

May kumatok sa pinto pero hindi na ako nag.abalang tingnan para ipakita sa babae na ito na hindi ako basta.basta lang na tao dahil astig kung ganon ang reaksyon ko yung parang snob lang. Hayy, ano ba itong iniisip ko? Si Robert lang naman ang inaasahan kong darating kaya hindi ko na siya titingnan.

"Yes Robert. Kanina pa kita hinihintay."

"Ehem. Excuse me sir."

Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang boses ni James. Lintik sira ang pagpapakaastig ko.

"Bakit?"

"Nakalimutan ko po kasi sir na..Ehem.. na papirmahin si Miss Briones ng kontrata."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit kailan talaga si James. Napatingin ako kay Lory na parang nagtataka din habang nakatingin kay James na parang nagpapahiwatig na makisakay sa kanya. Problema ng dalawang ito? Binalik ko ulit ang tingin ko kay Lory na pilit na ngumiti sakin.

"Okay. Bilisan niyo lang dahil aalis kami mamaya."

"Yes sir. Miss Briones let's go?"

Tumayo naman kaagd si Lory at agad lumabas ng office ko. Aba hindi man lang sakin nagpaalam?

"Lagot ka talaga sakin!" napatagilid ako ng ulo. Para kasing may mali.

"Sir."

Napatingin ako sa pinto ng biglang pumasok si Robert sa office ko ng hindi man lang kumatok. Ano pa bang aasahan ko sa kanya?

"Baka gusto mong kumatok?" pang.iinsulto ko sa kanya.

"Huwag na po sir nakapasok na ako. Next time na lang."

Tiningnan ko na lang siya ng masama. Baliw talaga ang isang to.

"Bakit ngayon ka lang? Nakaalis na tuloy sila."

"Sino?"

"Wala. Bakit ngayon ka lang kasi?"

"Natraffic ako. May pupuntahan ba tayo sir?"

"Ipapatawag ba kita kung wala. Halika na nga." tumayo na ako at inilagay ang mga papers sa bag na tungkol sa mga kliyente ko at mga kailangan ko para mamaya at lumabas na ng office.

"Sir aalis lang pala tayo bakit pinaakyat niyo pa po ako?"

"Nagrereklamo ka ba?" sumakay na kami sa elevator at pinindot ito sa third floor button.

"Hindi po sir ang sinasabi ko lang naman ay pwede mo ko naman po kayong hintayin na lang sa baba."

"Alam mo kung bakit kita pinaakyat para ipadala ang gamit ko."

Binigay ko ito sa kanya at sakto namang bumukas ang elevator at ayan na naman sila... Isa.isang bumabati ang nga nadadaanan kong empleyado at sumasakit na ang tainga ko sa kanila. Kagaya ng palagi kong ginagawa hindi ko sila pinansin. Dumiretso na ako sa office ni James.

"Good Morning sir." isa pa to.

"Where is James?" tanong ko sa secretary niya na namumula. Problema niya?

"Si-sir.. ahm wala po dito." napasimangot ako sa sagot niya. Saan kaya pumunta ang dalawang yun.

"Where is he? Where did he go?"

"I-I don't know sir."

Hayy naku! Paano siya naging secretary kung hindi niya alam kung nasaan ang boss niya. Nakakawalang ganang kausap.

"Okay. I want your resignation tomorrow." tinalikuran ko na siya.

"Sir Zander kailangan niyo ba talagang gawin yun?" tanong ni Robert.

"May mali ba sa sinabi ko? Gusto mo ikaw ang sisantehin ko?"

"Wala po sir. Nagtatanong lang po."

"Wala naman pala. Sa susunod huwag ka ng magtatanong." iniwan ko na siya at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko para tawagan si James. Isang ring pa lang sinagot niya na ang tawag ko.

"Hello sir."

"Where are you?"

"Nasa ground floor na po kami sir. Naiwan ko po kasi ang gamit ko sa guard at nandoon po yung contract."

Hindi kapanipaniwala. Magsisinungaling na lang hindi pa ginalingan.

"Let's talk about that later James."

Akala niya bibilhin ko ang pagsisingungaling niya? Ilang beses ko na yang ginawa kapag may pinapagawa si dad sakin na hindi ko gusto para makatakas.

"Yes sir."

Hindi na ako sumagot. Binaba ko na ang tawag at binalik ito sa bulsa ko.

"Let's go Robert."


------------------------
Huwag po kayong magalit kay Zander.

Hanggang sa susunod pong chapters. Maraming salamat po.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon