Chapter 48

1.4K 39 3
                                    


Lory Pov!

"Nasaan ba tayo?" tiningnan ko lang siya. "Ano ba?"

"Sumunod ka na lang." walang lingon.lingin siyang lumabas sa kotse pero ng naramdaman niya na hindi ako sumunod tiningnan niya ulit ako. "Gusto mo bang bawiin ko o hindi?"

"Oo na, ito na lalabas na." lumabas na ako sa kotse at napalingon.lingon sa paligid. Ang laki kasi ng bahay na nasa harapan ko na parang mansion na sa laki at mahahalata na pinagplanohan ang bahay. Kahit malaki rin ang bahay namin at maganda iba pa rin tong nakikita ko ngayon. Mula sa desinsyo at mga kagamitan halata ring pinaggastusan ito ng malaki.

"Walang balak ang parents ko na ibenta to kaya huwag mo ng pangarapin." bwisit talaga itong isa. Inirapan ko siya pero siya naman dumiretso na sa loob kaya sumunod na lang ako.

Kahit ipagbili ito sakin ng mura hindi ko to bibilhin. Sigurado kasi akong nandito kaluluwa niya at ayoko naman ng masyadong malaking bahay.

Mas lalong namangha ako ng makita ko ang loob ng bahay. Hindi ko na madiscribe sa sobrang ganda at sa sobrang gara. Nagkalat rin ang mga maid na isa.isang bumabati samin kaya tudo ngiti naman ako pero itong loko parang warang naririnig.

"Ngumiti ka naman nga sa kanila." inirapan niya lang ako. "Sama talaga ng ugali mo!"

Halos hindi na ako pumikit sa ganda na nakikita ko kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng hindi tinitingnan ang nilalakaran ko kaya may nabunggo ako.

"Aray!"

"Para namang nasaktan ka."

"Bwisit ka talaga ikaw na nga itong may kasalanan. Magsorry ka na nga lang."

"Ako pa talaga? Ikaw tong bumunggo sakin." magsasalita pa sana ako pero pinigilan niya ako at inilagay ang kamay ko sa kaliwa niyang braso.

"Anong palabas naman to?"

"Pwede bang manahimik ka na lang muna."

Kagaya ng sabi niya nanahimik din ako at nakisabay sa kanya sa paglalakad. Pumasok kami sa isang pinto at halos tumakbo ako palabas ng pinto na yun pagkakita ko kung sino ang mga nakangiting nakatingin sakin.

Anong ibig sabihin nito?

"Good Evening everyone. I want you to meet my fiancee, Lory Briones, Lory meet my family." napakapit ako sa braso niya ng mahigpit dahil tumaas ang kaba ng dibdib ko habang isa.isa kong tinitingnan ang kanilang mga mukha pero parang lumakas ang kaba ko ng makita ko kung sino ang nasa kaliwang bahagi ng mesa na puno ng mga nakahain na pagkain. Siya yung lalaki na muntik ko ng mabatukan ng bumisita ito sa kompanya.

Isa.isa silang tumayo at lumapit sakin pwera sa isang lalaki na may edad na pero nawala ang atensyon ko nito sa kanya dahil sinalubong na nila ako.

"Nice to meet you hija." niyakap ako ng babae na sopistkadang tingnan at nakibeso sakin.

"Ako rin po." napangiti na lang ako ng pilit.

"Good to see you again." niyakap niya rin ako pero parang tumayo ang mga balahibo ko ng sabihin niya yun. Ibig sabihin naaalala niya pa yung unang beses kaming nagkita? Bakit pa ba kasi ako dinala dito ng bwisit na to eh! Ngiti na lang ang sagot ko sa kanya. Kagaya ng sakin niyakap rin ni Xander ang mga magulang niya pero may tumikhim at kung sino? Yung isang matandang lalaki na nakaupo lang sa pinakadulo ng mesa habang nagpupunas ng bibig.

"Grandpa." lolo niya? Base sa nakikita ko puro pa ang lolo niya na parang Spańol ang itsura at mukhang kagaya rin ni Xander. Suplado. "Miss you lolo." niyakap to ni Xander at palihim akong sinenyasan na lumapit dito kaya kahit labag sa kalooban ko na sundin siya lumapit pa rin ako pero ang problema hindi ko alam kung paano ako magbibigay galang sa kanya. Alam ko na ngayon kung saan nagmana ang pagiging suplada ni Xander pero paano ko nga siya igegreet?

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon