Chapter 13

1.9K 45 2
                                    

Lory pov!

Alas tres na at nangangalahati na ako ni hindi nga ako tumayo simula kanina. Napaunat.unat ako dahil nangangalay na ang katawan ko. Okay na siguro ang ganito na marami akong ginagawa dahil wala akong oras na maalala si Mike nakakasawa na rin kasi ang umiyak pero kapag naaalala ko siya parang gustong.gusto ko yun na gawin.

"Ano ba yan sabi ko na nga ba hindi ako magpapahinga para hindi ko siya naalala."

Umayos ako ng upo para ipagpatuloy ang ginagawa ko sakto naman na may pumasok.

"Lory."

Secretary lang pala ni Xander. Lumapit siya na may dala.dalang papel. Mukhang hindi ko gusto ang pagtawag niya sa pangalan ko dahil nasesense ko na ang mangyayari.

"Bakit po?"

"Pinapahabol nga pala ito ni Sir Xander dahil kailangan niya talaga to bukas. Ayos lang ba sayo?"

Sinasabi ko na nga ba. Tama ako di ba? Walang hiya talagang Xander yun. Anong akala niya sakin robot na hindi napapagod?

"Oo naman. Ayos lang at maaga pa naman. Akin na." kinuha ko na ito sa kanya. Mukhang aabutin ako dito ng magdamag.

"Pasensiya na Lory hindi kita matutulungan may pinapagawa din kasi sakin si sir kaya kailangan ko ng umalis."

"Ayos lang po. Kayang.kaya ko ito."

"Pano alis na ako. Maiwan na kita."

"Sige po. Ingat po kayo." ngumiti lang siya at umalis na.

"Bwisit ka Xander! Paano kaya ako makakaganti sayo?" luminga.linga ako sa loob ng office niya para humanap ng gamit niya na pwede kong sirain para makaganti sa kanya. "Alam ko."

Kinuha ko ang picture na nasa frame. Tamang.tama whole body. Tinaggal ko ito sa lalagyan at sinimulan ko ng ibahin ang suot niyang damit sa pamamagitan ng magaling kong kamay at pen niya. Simple lang naman ang ginawa ko pinalitan ko lang naman ng long gown ang damit niya with long hair.

"Ayan maganda ka na. Bagay na bagay sayo." infairness ang ganda niya kapag ganito ang ayos niya pero hindi pwede dahil mapapagkamalan siyang menopause na kapag babae siya dahil ang sungit niya daig niya pa ang naglilihi!

Binalik ko na ito sa frame pero hindi ko ito pinatayo ulit. Wala akong balak na iwan ito dito. Uusok ang ilong niya panigurado. Isinantabi ko muna ito at pinagpatuloy ulit ang trabaho ko.

**************

Xander pov!

"Punta muna ako ng c.r." tumayo si Thea at umalis. Halata naman na iniiwasan niya si Andrew dahil sinusubukan siyang kausapin nito.

"Sundan mo na."

"Nakakasawa na pare. Ayoko na. Kung ayaw niya akong kausapin edi huwag. Siya na nga itong minamahal siya pa ang galit!"
tinungga niya lahat ng laman ng baso niya. Kanina nagkayayaan at dito kami napunta sa bar na madalas naming puntahan noon ng hindi pa sila umaalis ng bansa.

Para hindi kayo nakabitin sa ire ikikwento ko sainyo ang nangyari sa dalawa pero tinatamad ako kaya sa ibang chapter na lang.

"Hanep pare hapit na hapit yung babae kanina." biglang pumagitna si Jake samin at inakbayan kami. Kakabalik niya pa lang nga dahil kapag nakakita ng maganda at sexy aalis at bigla na lang nawawala. Tiningnan lang namin siya. "Anong problema niyo? Nasaan si Thea?" kinuha niya ang bote at deritsong tinungga ang alak.

"Pumunta ng c.r. Ikaw bakit ngayon ka lang bumalik?"

"Nothing I just spent my time with spicy girls here."

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon