Chapter 24

1.8K 44 1
                                    


Lory pov!

"Umuwi ka na James. We don't need you here."

Ang sama talaga ng taong ito. Problema niya? Ang talim ng titig nito kay James.

"Yes sir." yumuko ito at lumabas na.

Tinapik ni Jake ang balikat niya at may binulong dito. Anong problema ba ng mga ito?

"Mauna na kami Lory." umiling.iling pa ng ulo si Jake at umakbay ito kay Andrew at sabay na itong lumabas si Xander naman pumasok sa office niya kaya sumunod ako.

"Kunin mo na ang gamit mo. Aalis na tayo." may kinuha lang ito sa desk niya at iniwan ulit ako.

"Ano na naman ba ang problema niya? Kanina ang lakas mangtrip."

Kinuha ko na rin ang bag ko at sumunod sa kanya. Naabutan ko siya na nakaharap sa elevator. Sinulyapan niya lang ako at pumasok na ito sa loob. Ano pa ba ang magagawa ko? Pumasok na rin ako at nagsimula ng yumanig ang elevator buti na lang tinuruan ako kanina ni James kung paano labanan ang takot ko kaya pumikit ako at sunod.sunod ang buntong hininga ko para hindi ako matakot hanggang sa naramdaman ko na lumapag na kami at bumukas na ito pero pinagpawisan pa rin ako. Himala ata hindi niya ako inasar ngayon.

Parang wala siyang kasama kung makapaglakad ng matulin. Pumasok na siya sa kotse ni hindi man lang nga ako pinagbuksan ng pinto.

Hayy naku...Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya?

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse at ako kanina pa ako nagpipigil na hindi magsalita tungkol sa pananahimik niya pero ngayon hindi ko na kaya.

"Where's my phone?" ang hilig talaga nitong manghimasok. Kanina na hindi ako nagsalita hindi rin siya nagsalita tapos ngayon na magsasalita na ako saka naman nagsalita.  Binigay ko ang hinihingi niya.

"Ohh."

"Pinakelaman mo?"

"Bakit ba ang hilig mong mangbintang? Hindi ko yan pinakialaman noh!"

"Mabuti naman."

"Bakit may tinatago ka? May tinatago ka no!" pinaikutan niya lang ako ng mata.

"Ayos lang kung hindi mo sabihin alam ko naman kung ano ang tinatago mo. Nakita ko kanina. Ikaw ha!" halos mamudmod ang nguso ko sa unaghan ng kotse niya ng bigla siyang prumeno.

"Aray ko ha!"

"Anong nakita mo!" namumula ang mukha niya sa galit pero bakit parang hindi ako natatakot? Mas natatawa pa ako sa itsura niya kaya...

"AHAHAHAAHAHAHA." napapahawak na ako sa tiyan sa kakatawa. "Wohhh!" bigla akong napalunok ng makita ko ang sobrang galit sa mata niya.

"Bullshit!" napapikit ako ng paluin niya ng malakas ang manibela. "Do you think I'm kidding Lory?"

"I'm sorry si..sir. Ang totoo...hindi ko naman talaga pinakialaman ang phone mo kasi sabi ni sir James kanina magagalit ka daw pagpinakialaman ko ang phone mo."

"James? Who's James for you?" bakit ganon ang tanong niya?

"May problema ka ba kay sir James?" ibinalik niya ang tingin sa unahan na parang may nasabi siyang mali. Sinimulan niya ulit magmaneho.

"Bakit may dapat ba akong problemahin sa lalaking yun?" tanong niya din sakin pero hindi man lang ako tiningnan.

"Eh bakit mo naman sinabihan ang tao kanina ng ganon?"

"Who do you think you are to question me on how I should treat my employee? Why are you with him?"

"Kaibigan ko siya at.. teka lang bakit parang iba ata ang pinapalabas mo sir?" Kung makaasta naman siya daig niya pa ang nobyo ko. "Wala naman ata yun sa regulations ng company." bakit parang ang init ng ulo niya? Bakit ba sa akin niya ibinubuntong ang galit niya?

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon