Chapter 8

2.3K 53 2
                                    


Lory pov!

Hindi ko alam kung anong pakulo ni sir James pero sumama pa rin ako sa kanya.

"Saan po tayo pupunta? Nakapirma na ako ng kontrata di ba?" tanong ko pagkalabas ng office ni... ano nga pangalan niya? Bahala siya sa buhay niya.

"Sumunod ka na lang." kinindatan niya ako. Punyeta ang gwapo niya talaga.

"Yes sir."

"Follow me."

Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta pero nagtaka ako ng papunta siya sa hagdan at hindi sa elevator.

"Sir baki-?"

"Hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko ito pero gusto kong gawin to maybe because I can see my cousin in you."

Nagsimula na kaming bumaba gamit ang hagdan. Ang swerte naman ng pinsan niya.

"You think so?"

"Ha?"

"You said that my cousin is lucky."

Nasabi ko pala yun?

"Ah oo sir."

Sabay na kaming humahakbang pababa dahil hinihintay niya ako kahit ang bagal kong maglakad dahil nga sa nakaheels ako.

"Magkakilala pala kayo ni Sir Xander?"

"HINDI!"

Nagsalubong ang kilay niya sa reaksyon ko.

"Relax I'm just asking. Akala ko ba magkakilala kayo?"

"HINDI NGA!"

"Okay, okay. Realx lang. Eh bakit parang kilala ka niya? Hindi mo ba alam na swerte ka kapag pinansin ka ni sir Xander."

"Hindi naman yon nakakapagtaka." mukha siyang terror kahit hindi ko pa naman siya kilala masyado.

"What is it again?"

"Wa-wala sabi ko ba-bakit naman?"

"Wala. Malalaman mo rin yan." tumango.tango na lang ako. "Isang floor na lang." sabi niya. Hindi na siya nagsalita hanggang makarating kami sa ground floor kaya hindi na rin ako nagsalita.

Paglabas namin parang may nahagip ang mata ko na nagpalakas ng tibok ng puso ko pero naglalakad pa rin ako habang nasa malayo ang mata ko.

"Mike?"

Boggzzz.

"Pwet ng Demonyo!" sambit ko ng tumama ang mukha ko sa likod ni sir James na nakalagay ang index finger sa bibig niya para patahimikin ako. Tumigil pala siya sa paglalakad. Napakagat labi na lang ako habang hinihintay na matapos ang tawag niya sa phone.

"Nasa ground floor na po kami sir. Naiwan ko po kasi ang gamit ko sa guard at nandoon po ang contract."

Sa nakikita kong reaksyon niya masasabi ko na hindi maganda ang pinag.uusapan nila. Teka tungkol sa contract? Hindi ako nagkakamali ang asungot na yun ang kausap niya. Tumalikod siya sakin habang nasa baywang ang isa niyang kamay.

Ano kayang pinag.uusapan nila?

"Yes sir." pagkasabi niya noon binaba niya na ang phone at nilagay ito sa bulsa at humarap sakin na blanko ang mukha. "Pababa na sila." isang malalim na hininga ang pinakawalan niya.

May kinalaman kaya ito sakin?

"Sir may problema po ba?"

"Nothing."

Kahit hindi niya aminin alam kong kabaliktaran ang sinabi niya. Ano kayang sinabi ng lintik na yun kay sir James.

"Nandito na sila." matamlay niyang sabi. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at isang masamang elemento ang nakita ko na niluwa ng bwisit na elevator na yun. "Sir." nakayukong sabi ni James. Napataas ang kilay ko sa kanya. Ganito ba talaga ang ugali niya?

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon