Chapter 20

1.9K 50 4
                                    

Hindi pa rin naaayos ang kotse ko kaya sumabay ulit ako kina dad. Bumaba na ako at hinintay sila na makaalis. Tatalikod na sana ako ng biglang may kotse matulin na papunta sa kinatatayuan ko at bumusina pero tumigil sa harapan ko.

"Papatayin mo ba ako?" pinalo ko ng bag ko ang bintana ng kotse niya. Binuksan niya ang bintana at hulaan niyo kung sino ang may.ari ng lintik na kotse. Sino pa ba kundi si Mr. Buenidicto! Ang aga.aga binubwisit na naman ang araw ko!

"You better watch out next time."
ngumisi na naman siya at muling sinara ang bintana.

"Bwisit ka talaga!" hinabol ko ang kotse niya kahit alam ko naman na hindi ko na siya mahahabol kaya tumigil na ako. Hihintayin ko na lang siya sa loob.

"Good Morning mam." bati sakin ng guard na araw.araw niyang ginagawa.

"Good Morning kuya." nilampasan ko na siya. Napalingon.lingon ako sa paligid para makapaghigante sa kanya pero iba ang nakita ko.

"Sir James." ngumiti siya pagkakita sakin. Ang gwapo niya talaga.

"Lory bakit hindi ka pa umakyat?"

"May hinihintay lang ako."

"New friend?" ngumiti siya na parang may malisya. Ang gwapo, gwapo niya talaga.

"Opposite."

"Sino?" umayos siya ng tayo habang lampas ang tingin sakin. "Good Morning Sir." sir? Ibig sabihin si Xander ang binati niya? Ayos!

"SIYA! Teka lang." siya nga. Sa wakas nakita ko na ang hinihintay ko. Nakatalikod na siya sakin pero hindi pa masyadong nakakalayo. ''Humanda ka sakin!" hinabol ko siya at ng malapit na ako sa kanya hinubad ko ang sapatos ko para pambatok sa kanya pero bigla siyang humarap at napakunot ang noo niya habang ako nakataas ang sapatos ko at handa na sana siyang hatawin. Teka lang bakit tumanda siya?

"Bakit tumanda ka?" tanong ko sa kanya. Si Alexander pa rin siya pero matanda na ang mukha niya. Mangkukulam ba siya na nawawalan na ng kapangyarihan kaya tumanda na? May kumuha ng sapatos ko sa kamay ko muli sa likuran.

"Dad." napalingon ako sa may likuran ko kung saan nanggaling ang boses. Nasa likuran ko ang masamang elemento.

"Dad?" pag.uulit ko sa sinabi niya pero patanong nga lang.

"What is this all about Xander?"
matigas na tanong niya kay Xander kaya nakatanggap ako ng masamang tingin mula kay Xander. Mas nakakatakot pala ang tatay niya. "She was about to hit me. What did you do to her? And you." baling niya sakin. "What did you call me? Dad? Let's talk upstairs. Now." maawtoridad niyang sabi at naglakad na papuntang elevator kaya hinabol siya ni Xander.

"Dad it's not what you think. You don't need to talk to her."

Yun ang huli kong narinig sa kanya. Ano ba ang pinagsasabi nila? Paano na ngayon? Baka tanggalin ako sa trabaho.

"What is your name?"

Napatunghay ako ng marining ko ulit ang boses niya. Bakit nandito pa rin sila? Akala ko umalis na sila.

"Lo-Lory sir." tumango.tango siya.

"Follow us now!"

"Ye-yes sir." tumalikod ulit siya sakin ng walang pasabi kaya sumunod din ako. Mag.ama nga sila pero paano na? Hindi ako pwedeng sumakay sa elevator. Mag.isip ka ng paraan Lory.

"Dad listen to me she's not my... Dad." tawag sa kanya ni Xander pero hindi ito lumingon.

"Si-sir."

"What?" tanong niya sakin pero hindi man lang tumigil sa paglalakad kaya hinahabol ko siya. Ayos isang tawag ko lang sumagot kaagad. Mukhang ayos to. Halos patakbo na nga ako dahil ang bilis nilang maglakad. Hindi ba nila naisip na nakaheels ako. Badtrip!

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon