Chapter 49

1.4K 33 1
                                    


Mike Pov!

Napamulat ako ng may humawak sa braso ko at mukha ng magulang ko ang nakita kong nakadungaw sakin kaya nabigla ako.

Bakit sila nandito? Paano nila nalaman na nandito ako? Si Manong ba ang nagsabi sa kanila? Ano na ang gagawin ko? Sigurado ako na hindi magtatagal malalaman na rin ni Lory ang tungkol sa sakit ko at hindi ko kayang makita siya na masaktan at umiyak na naman ng dahil sakin pero masasaktan pa ba kaya siya o iiyak pa ba siya kapag nalaman niya? Mukhang nakalimutan niya na ako dahil hindi na niya ako ginugulo at naalala ko pa yung huling araw na nagkita kami at sinabi niya na hindi niya na ako gustong makita.

"Son are you alright?" kahit nasisilaw ako pinipilit kong idilat ang mga mata ko. Sunod.sunod ang mga luha na pumatak sa kanyang mga mata at si dad naman pinapatahan siya habang hinahaplos siya sa likod. Pati ba naman magulang ko umiiyak din ng dahil sakin.

Pinilit kong makaupo kahit nanghihina pa ang katawan ko gamit ang siko ko.

"Mom it's okay. " niyakap niya ako ng buong higpit.

"Why you didn't tell us that your sick?" tanong naman ni dad.

"I'm okay." napatingin ako sa isang envelop na parang nahulog mula kay mom. Isang wedding invation? Kinuha ko ito habang nakayakap pa rin sakin si mommy pero si dad halata ang pagkabigla sa mukha niya ng makita niya kung ani ang hawak ko.

"Mike-..." kumalas na sakin si mommy at kagaya ng reaksyon ni dad bumakas din ang pagkabigla niya sakin.

"Don't open it Mike." saway niya sakin pero hindi ako nagpapigil.

Nanginginig na ang kamay ko habang binubuksan ang nakatuping papel mula sa maliit na puting envelop kasabay ng mga luha ko unti.unti na itong pumatak.

Alexander Buenodicto and Lory Briones Wedding.

Yan ang tumambad sakin pagkabukas ko noon at ang litrato nila na magkayakap at nakangiti. Huli na talaga ang lahat para samin. Wala na akong magagawa kaya mas nanaisin ko na lang na mawala dito sa mundo.

Biglang sumakit ang ulo ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko at namamanhid na lahat ng buo kong katawan. Ito na nga siguro ang nararapat sakin ang lumisan dito at mawala na ng tuluyan sa buhay nila, sa buhay ng pinakamahal kong babae sa buong buhay ko. Nagdilim ang buong paligid at ang huli kong narinig ay ang mga sigaw ng doctor at iyakan.

Hinahabol ko ang hininga ko ng magising ako mula sa bangungot at umupo ako. Nakita ko si manong na natutulog habang nakasandal sa pader at napatingin ako sa kamay na nakahawak sa kamay ko na may nakakabit na dextrose. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Lory natutulog habang nakaupo at nakayuko sa kama ko.

Napangiti ako sa nakikita ko at hahawiin ko sana ang buhok na nakatakip sa mukha niya para matitigan ko ng matagal ang mukha na matagal ko ng titigan pero hindi ko na itinuloy pa dahil baka magising siya.

Hindi pa rin talaga ako nagbabago. Mahal na mahal ko pa rin talaga ang babaeng to sa tabi ko at siya pa rin ang nagpapasaya sakin ng hindi ko malaman ang dahilan pero alam niya na ang tungkol sa sakit ko. Ayos lang yan para maipaliwanag ko na ang lahat sa kanya at mapatawad niya ako at para na rin bumalik ang lahat na kung anong meron kami noon.

Maibabalik ko pa nga ba ngayong may pumalit na sa buhay niya na dapat ako ang pumupuna? Kaya ngayon hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Nandito ba siya dahil tinuturing niya pa rin ako bilang mahalagang parte ng buhay niya o nandito lang siya dahil lang kinakaawaan niya ako dahil sa sakit ko?

"Lory kahit hindi na ako ang minamahal mo ngayon hindi pa rin ako ang nagbabago. Mahal na mahal pa rin kita." napapahid ako ng luha gamit ang isa kong kamay. "Ginawa ko lang ang lahat ng pananakit sayo dahil sa tingin ko yun ang makakabuti sa ating dalawa kahit na alam kong mali yun pero alam mo ba na pinagsisisihan ko yun dahil aminado ako na masyado akong naging makasarili dahil sa takot ko na mabigla ka at hindi mo kayanin ang sakit kapag nawala na ako.Akala ko ako lang ang masasaktan pero doble pa palang sakit ang idinulot ko sayo. Dapat hindi ko na lang tinago sayo to pero nasimulan ko na. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko sa mga kasalanan ko sayo at kahit sa kabilang buhay dadalhin ko ang galit para sa sarili ko. Mahal na mahal kita Boo. Sana dumating ang araw na maintindihan mo ako at mapatawad dahil kung hindi ko makukuha ang kapatawaran mo hinding.hindi ko mapapatawad ang sarili ko kahit kailanman."

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon