Chapter 1

4.3K 89 0
                                    

Alexander Pov!

"Ano? Until now wala pa kayong nahahanap? Anak ng! Mukhang sinasayang niyo lang ang binabayad ko sainyo!" sigaw ko sa kabilang linya.
Kasalukuyan ako ngayong nagmamaneho papunta sa company namin at tumawag lang siya na hanggang ngayon hindi niya pa nagagawa ang pinapagawa ko sa kanya.

"Hindi po sir. Ginagawa naman namin lahat para makahanap kami kaagad. May nahanap na sana kami kaso isang model."

"Ilang beses ko ba na sasabihin na ayoko ng model, ayoko ng may pangalan at ayoko ng may connection sa kahit sinong sikat na tao at mas lalong ayoko ng babae na may gusto sakin!"

Bakit ba ang hirap nilang makaintindi?

"Yun na nga po ang problema kung bakit hindi kami makahanap kasi kahit ordinaryong babae kilala ka at may paghanga sayo sir."

"Problema niyo na yun! Dalawang linggo na lang ang natitirang panahon para makahanap kayo kung hindi humanap na kayo ng bago niyong trabaho."

Binaba ko na ang tawag at tinapon ko na ang cellphone ko sa katabing upuan. Ang aga.aga. Sinisira nila ang araw ko. Napapalo na lang ako sa manibela ng kotse ko.

"Bwisit!"

Napatingin ako sa cellphone ko dahil may tumatawag. Inaabot ko ito pero hindi ko maabot. Pabalik.balik ang tingin ko sa kalsada at sa cellphone ko na hanggang ngayon tumutunog pa rin.

"Lintik naman!"

Tinaggal ko ang seatbelt ko at inaabot ko ito pero napapreno ako kaagad ng may babae sa gitna ng kalsada na nakatayo. Sumakit ang likod ko sa sobrang impact ng pagkakapreno ko kung hindi nga ako nakahawak sa manibela ko baka nakadikit ang mukha ko sa salamin ng kotse ko. Napatingin ako sa hawak kong cellphone at yun Jackpot! Basag ang cellphone ko dahil naipit ito sa kamay ko at manibela.

"Fuck!"

Tiningnan ko muna ang ilaw ng traffic light. Kakapalit palang ng kulay green sa pula kaya ayos lang na bigyan ng leksyon ang babaeng ito. Binuksan ko na ang pinto ng kotse ko pero sinuot ko muna ang shades ko bago tuluyang lumabas baka may makakilala sakin dito.

Nakatayo lang siyang parang estatwa at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

"Magpapakamatay ka ba?" inalis niya lang ang kamay niya sa pagkakatakip sa mukha niya ng magsalita ako. Namumugto ang mga mata niya na halatang kakagaling lang sa pag.iyak. Medyo natulala niya pa nga siya pagkatingin sa mukha ko. "Anong tinitingin.tingin mo?" para naman siyang natauhan.

"Wala. Pasensiya na."

"Pasensiya na?! Kaya bang ayusin ng pasensiya mo ang basag kong cellphone?" tinapat ko ang cellphone ko sa mukha niya at pinagdilatan ng mata kahit hindi niya naman makikita.

"Pasensiya na talaga hindi ko sinasadya." nakayuko niyang paumanhin pero tiningnan niya ako ng nakakuunot ang noo. "Teka lang bakit ka ba nagagalit? Nasa tama naman ako ah? Nakagreen kaya ang traffic light at ang ibig sabihin non go!"

Tumawa ako ng pilit kaya mas laong nangunot ang noo niya.
Then I smirked.

"Kaya hindi umuunlad ang bansa natin dahil sa inyong tanga kahit simpleng batas trapiko hindi mo alam? Arrow ang nakalagay at hindi tao kaya ang green na ilaw kanina para sa mga sasakyan hindi para sa mga bobo na katulad mo. Ano bang laman ng utak mo?"

"Anong sabi mo? Sumusobra ka na ah! Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Bravo! Inuutusan mo ba ako?."

"BAWIIN MO SABI!."

Nginisian ko lang siya at tinalikuran. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ng may tumama sa ulo ko. Pinulot ko ang heels niya na pinambato niya sakin at lumapit sa kanya. Napapagod na ako sa babaeng ito. Mas lalo niyang pinapainit ang ulo ko. Inilapit ko ang mukha ko sa may tainga niya at sa sobrang lapit naaamoy ko na ang pabango niya and I love her smell.

"Lakas ng loob mong batuhin ako nito. Hindi mo alam kung anong klaseng tao ang kinakalaban mo." bigla siyang napalunok sa sinabi ko. Tinanggal ko ang shades ko para makilala niya ako pero bakit parang wala man lang na epekto ang kagwapuhan ko sa kanya kaya mas lalo akong nabwibwisit sa kanya. Hindi niya ba ako kilala? Bumwelo ako ng tayo at buong lakas kong ihinagis ang sapatos niya sa malayo. Pinagpag ko ang kamay ko bago ako tumingin ulit sa kanya. "May sasabihin ka?" hindi siya kumibo. "Mukhang wala ka ng sasabihin kaya umalis kana diyan sa daraanan ko dahil hindi ako magdadalawang isip na sagasaan ka."

Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa kotse ko. At mukhang wala siyang balak na umalis sa kinatatayuan niya? Pinindot ko ang busina ng ilang ulit saka lang siya gumalaw at naglakad papunta sa may kotse ko at pinagpapalo ang bintana ng kotse ko.

"Walang hiya kang lalaki ka! Buksan mo ito! Napakawalang hiya mo! Pagsisisihan mo na ginawa mo sakin ito! Bumalik ka dito!"

Pinaandar ko na lang ng matulin ang kotse ko. Kanina pa kasi bumubusina ang mga nakasunod sakin dahil green na ang ilaw baka ako pa ang maging front page ng mga newspapers at maging headlines sa t.v bukas eh di pagpipiestahan
na naman ako ng media na palagi na lang nakabuntot sakin. Sana walang taga media dito kundi marami na namang tatawag sa secretary ko at hihingi ng oras ko para sa interview.

"Bwisit na araw to."

-------------------------------------

Any comment guys? Kindly vote this chapter.

Thank you so much guys for reading.




The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon