Chapter 51

1.5K 70 6
                                    


Lory pov!

Nangiginig ang katawan ko habang nakatingin sa kausap ko.
Tinawagan niya ako kaninang umaga at sabi niya kakausapin niya ang magulang ko kapag hindi ako sumipot ngayon.

"According to my private investigator you just broke up with your long time ex-boyfriend actor. Why did you broke up?" maniniwala ba siya na hindi ko alam kung ano ang dahilan?

"Sa totoo lang po sir hindi ko alam dahil bigla niya na lang akong iniwan sa ire at...." napatigil ako. Mukha naman yatang hindi tama na ipagsabi ang pang.iiwan sakin ni Mike at isa pa maniniwala ba siya?

"What is it? Are you hiding something Miss Briones?" nabigla ako sa tanong niya. Paano kung masabi ko na niloloko lang siya ng apo niya?

"Nothing sir. Ang totoo po kasi... hindi ko rin po alam kung ano ang dahilan kung..kung bakit kami naghiwalay."

"Are you saying that you don't have any idea if why the two of you broke up? I'm not here just to listen to your lies."

"Mawalang galang na po pero nagsasabi lang po ako ng totoo. Kahit po tanungin niyo pa ang mga kakilala ko. Ang alam ko lang po kasi isang babae ang hinihinalaan kong dahilan."

"Who's that girl that you're referring to?"

"Isa din pong artista na palagi niya pong kasama sa mga pelikula."

"Is it Trisha?" napatango na lang ako. Paano niya nalaman? Malamang sinabi din ng private investigator niya na hindi naman magaling dahil hindi niya alam ang tungkol sa palabas namin ni Xander.

"So you're not the one who dumped him?" tumango ulit ako. "Then that's a relief. Anyway about you and my grandson is it true or only a show?" mukhang magaling ang investigator niya.

"Po?"

"It seems that your surprised. Would you mind telling me if it's just a lie."

"Nagkakamali po kayo. Siguro nga po hindi pa kami ganoong katagal ng apo niyo na magkakilala pero sa maikling panahon po na palagi siyang nasa tabi ko at puro kabaitan at kabutihan lang ang ipinakita niya sakin kaya hindi ko namalayan na nahuhulog na po ako sa kanya." ano ba tong pinagsasabi ko? Baka kabwisitan ang ibig kong sabihin.

"Are you sure about that? Cause as far as I know he was known as the terror President of our company and how can you say that he is kind?" hindi na ba matatapos ang pagtatanong niya.

"Hindi ko po alam kasi kapag mahal mo ang tao hindi mo makikita ang mga hindi magagandang katanginan ng tao kasi sa pagmamahal walang batayan para magustuhan ang isang tao at kung dahil lang yun sa physical na anyo hindi po yun tunay na pag.ibig." parang si Mike lang. Kahit anong pangloloko ang ginawa niya sakin mahal ko pa rin siya at para sakin isa pa rin siyang mabuting tao kahit pa sinabi ko sa kanya na kinamumunghian ko na siya pero wara naman yung katotohanan. "Tama po kayo na isa siyang terror pero ng una lang po yun dahil tinulungan niya akong makabangon mula sa sakit na dinulot sakin ni Mike."

"Then you two must get married as soon as possible since the two of you feels the same toward each other." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Kasi-..."

"I don't need any excuse. By the way please tell your family that you will live now in our house wether you like it or not. You're sleeping in Xander's place right? I think that's not a big deal." bwisit talaga si Xander at itong lolo niya ayaw maniwala na kami ng apo niya pero naniwala na natutulog ako condo ng apo niya. Sabagay nakitulog nga ako noong nalasing ako pero isang beses lang naman yun.

"Teka lang po-..."

"That's final. Do something or you want me to talk to your parents about it? Miss Briones even I want you to marry my grandson I still want to know you better cause I don't want him to suffer from the same reason of getting hurt." napanganga ako sa sinabi niya. Ano ba ang sinasabi niya? Ayawa niyang masaktan ulit ang apo niya sa magkatulad na dahilan? Nasaktan na ba dati si Xander? "So please I want him to be loved and to be happy." Tumayo na siya at iniwan na ako.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon