Chapter 40: Suzy's Help

Magsimula sa umpisa
                                    

Siwalat ko sa kanya, nakita kong nagulat siya sa sinabi ko, pero agad siyang nakabawi sa pagkagulat na iyon.

Nag tataka ako sa kanya.



"S-s-sabihin k-ko sa inyo mamaya, pagkatapos nating ayusin ang mga bagay na kailangan natin."

Tumango kami parehas ni Jake, tiwala, iyan ang kailangan naming ibigay sa isat isa para matapos na ang mga ito.

Humanap kami ng pwesto kung saan maaari kaming umupong tatlo.
Agad naman kaming pumwesto sa ilalim ng puno na nakita namin. Malamig sa ilalim noon.

May mga damo ng bermuda kaya hindi kami marurumihan kahat na umupo kami sa ilalim ng punong iyon.

Binuksan ni Suzy ang bag niyang dala, tahimik namin siyang pinanood ni Jake.

May kinuha siya roong isang garapon na may......


Asin?



Para saan iyon?


"Kalma lang......"

Sabi niya ng paulit ulit habang ibinubuhos ang asin palibot sa pwesto namin, gumawa siya ng isang malaking bilog gamit iyon. Nanginginig ang mga kamay niya habang ginagawa iyon.


"Something fishy."
Biglang pahayang ni Jake.

"Oo."
Nasagot ko na lang.


Matapos magawa iyon ni Suzy ay agad siyang umupo sa harap namin ni Jake. Niyakap niya ang bag niya at tumingin sa amin.



"A-alam kong nagtataka kayo sa akin.... Pasensya na....."

Sabi niya.

"Sasabihin mo na ba?"
Tanong ko. Agad siyang tumango bilang pag sang ayon.


Ito na siguro ang sikreto na matagal ko ng naaamoy sa kanya.

"H-hindi ako normal. Kaya kong m-makita ang d-di niyo k-kayang makita."

Gulat man ay mayroong maliit na porsyento na inaasahan ko ang sasabihin niya na iyon sa amin. K-k-kaya p-pala siya ganoon...... Simula pa lang na makita ko siya ay para ngang may nakikita siya na di ko makita.


"Albularyo ang lola ko sa side ni mama. Namana ko ang kakayahan niya.... Nakakatakot ang magkaroon ng ganito......"

Patgpapatuloy niya.

"Noong una kitang makita, Serenity, alam kong may gumagambala sa iyo. Iyon ay ang Ate mo."


Paliwanag niya sa akin.

Wirdo si Suzy, totoo iyon. Pero masaya ako dahil kahit alam niyang panganib na ako sa buhay niya, ay mas pinili pa rin niyang damayan at tulungan ako.


"Nandito ako para t-tulungan ka.... K-kayo..... K-k-kaya sana h-huwag kayong matako-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay niyakap ko siya. Masaya ako na makilala siya ng lubusan.



"Salamat sa di pag-iwan kahit na panganib ako sa buhay mo.."


Naramdaman kong idinukdok niya ang ulo niya sa balikat ko, nararamdaman ko ang paglandas nga mga luha niya.



"Suzy, its normal. Normal na normal lang iyon lalo na sa klase ng sitwasyong kinalalagyan natin."

Sabi ni Jake habang tinatapik ang ulo nito na nakasubsob sa akin.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at pinigil ang pag iyak niya.


"S-s-salamat......"

"Sisimulan na ba natin?"

Tanong ko sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na malaki ang maitutulong ng gagawin namin ngayon sa pagpapalaya sa Ate ko.



"May mga gamit dito sa bag ko na galing kay lola."

Binuksan niya ang maliit na pocket sa gawing harab nito. May inilabas siya roong baraha. Mga baraha. Mas malaki ito at mas makapal kaysa sa mga ordinaryong baraha.



"S-sana ay secret lang ang gagawin natin na ito kayla mama. Ayaw kasi nilang gamitin ko ito."



Ngumiti ako at tumango sa kanya, nakita kong ganoon din ang ginawa ni Jake.


" Ano ba ang mga iyan? They are unusual."

Tanong ni Jake, nagtatanong pati ang mga mata nito. Nagtatakang tumingin din ako kay Suzy.

"Makikipag usap tayo sa mga namatay nating kaiskwela gamit ang mga ito. Tignan ninyo. May mga letra bawat baraha. Mukha man itong kung ano dahil kulay itim, huwag kayong mag alala dahil ligtas tayo sa loob ng bilog na ginaea ko. Hindi nila tayo malalapitan."

Mahabang pahayag sa amin ni Suzy.

"Okay, so let's start?

Tanong ko.





" Yup."

Maikling sagot niya sa akin.








Itutuloy....















Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon