Chapter37: Dugo

4.3K 132 39
                                    





Serenity's POV

Walang tigil ang pag ulan simula noong madaling araw pa lamang, pabugso bugso iyon. Malamig ang klima, masarap panoorin ang pagpatak ng ulan mula sa loob ng clasroom malapit sa bintana.

Hinaplos ko ang kaliwang banda ng noo ko, inaayos ang band aid sa sugat ko na kahapon ko lang nakuha. Wala pa ring pagkakaiba, ganoon pa rin ang tingin nila sa akin na para bang walang nangyari kahapon. Iyon na pala ang hinihintay kong plano ni Maxine. Ilang beses na ba akong muntik nang mamatay?



Ano naman kaya ang kay Ate?

Huling araw na ng camp, ngayon na kaya ito mangyayari? Mas kinakabahan ako doon kaysa sa balak ni Maxine na pumalpak. Haist.....



Ganoon pa rin naman, kahit may habagat ay nagkakasiyahan pa rin sila. Lahat ng mga kaklase ko ay nasa labas, ako lang ang naiwan dito sa room na nag sisilbing kwarto ng seksyon namin. May banda kung saan ang mga lalaki at babae.

Malapit nang pumatak ang alas tres nang hapon, wala pa ring pinagkaiba ang panahon at ganoon pa rin naman ang sitwasyon na kinalalagyan ko. Malalim akong ng iisip habang nakatingin sa labas at pinapanood ang ulan, iniisip ang malapit ng maganap.

Tumayo ako mula sa pagkakapwesto ko sa teacher's table. Idadaan ko na lang sa tulog ang mga ganoong bagay, at para mapahinga ako kahit wala halos akong ginawa.

Inayos ko ang hihigaan ko, siniguradong komportable ang pagkakahiga ko roon.

Muli akong napabuntong hininga, para mailabas ang kakaibang nararamdaman ko.











-----------------------

3rd person's POV


"You know what Kylie? Dapat itigil mo na ang paghihit mo diyan! Duh! Ang smelly kaya!"

Maarteng saad ni Zafira habang turo sa sigarilyong nakasubo pa rin dito. Ngunit, sa kabila ng sinabi nito ay tinignan niya lamang siya na may pagkairita. Napairap na lamang si Zafira dahil sa inasal nito.

"Bakit ba kasi tayo nasa 'oh-so-called-head-quarters' natin? 6:00pm na kaya!"

Muling sumbat nito, binugahan lamang ni Kylie ito ng usok ng kanyang sigarilyo na siyang kinaubo ng dalaga. Galit na galit niya itong tinitigan, nagtitimpi sa inasal nito.

"Dunno, naglagay lang siya ng letter sa bag ko na pumunta raw tayo dito. Weird, isn't it?"

Sabi ni Kylie na siyang nagpatango kay Zafira na wala sa oras.

"Yeah, malamang na nagwawala pa rin yun dahil palpak ang plan B natin, di ba?"

Nagtatakang pahabol niya. Ngayon lamang sumagi sa kanyang isipan na kakaiba na nagpadala ito ng sulat na hindi naman nito gawain.

"Nasaan yung letter? Pahiram."

Hingi ni Zafira, walang pag aatubling kinuha mula sa bulsa ni Kylie ang sobreng nakuha. Agad itong kinuha ni Zafira kahit hindi pa man na ilalahad sa kanya. May pagmamadaling binuksan niya ito.

Punta kayo sa quarters natin. ASAP.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Zafira ng mabasa ang sulat na nadoon, alam niyang hindi si Maxine ang nagsulat noon.

"H-hindi ito galing kay Maxine! Maybe n--- wait..."

Hindi pa man natatapos sa kanyang pagsasalita, ay agad siyang napahinto dahil sa may naaninaw siyang papel na nasa loob pa rin ng sobre.










Ate(Completed)Where stories live. Discover now