Chapter26: Trigger

5.5K 181 18
                                    









DEDICATED TO :

@DeezThing

Salamat sa pagiging updated!











3rd person's POV


Napamulat ang mga mata ni Gabbie dahil sa lamig ng tubig na kanyang naramdaman. Madilim sa paligid, tanging ang sinag lamang ng buwan ang nag sisilbing ilaw sa kanya.

"Gising na rin sa wakas ang prinsesa! "

Agad na alarma si Gabbie ng marinig ang tinig na iyon.  Alam niya na maaring may masamang mangyari dahil naroon ang nilalang na kinatatakutan niya.

Tatayo sana sya upang makatakbo mula rito ngunit napigilan siya ng taling nakapalupot sa kanya. Sa mga oras pa lamang na iyon nya namalayan na siya ay nakatali sa isang upuan. Iginala nya ang kanyang paningin, pilit na inaaninag ang kadaliman upang malaman kung nasaan siya naroon.

Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan, ay nakita niyang nasa isa siyang rooftop na pamilyar sa kanya. Nakita niya rin na nakasuot siya ng uniporme ng kanilang paaralan.

"Ate Gabbie..."

Tawag ng tinig na agad niyang nabosesan. Napatingin siya sa kanyang harapan at doon niya nakita ang kanyang kapatid na si Grace, nag aalalang nakatingin ito sa kanya habang nakahawak sa kamay ng isang tao. Tinignan niya ang taong kinahahawakan nito, doon ay nakita niya ang nilalang na pilit niyang tinatakasan.

Maputla ang mga balat.

Puro itim ang mga mata.

Umiiyak ng itim na likido.

Nakaukit sa mga labi nito ang isang nakakakilabot na ngisi. Napatingin siya sa ulo nito at doon nakita ang suot nitong Ribbon clip.  Hindi rin alintana sa kanya ang walang tigil na pag agos ng dugo sa kaliwang pulso nito.









"Serina...."

Bigkas niya sa pangalan nito na naging dahilan ng mas lalong pag lawak ng ngisi nito.

"Grace, gising na ang Ate mo! Pwede! na tayong mag laro! "

Wika nito sa kanyang kapatid. Mas lalo siyang ginapangan ng takot dahil sa boses nito na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa.

Umagos ang mga luha niya dahil sa pag aalala, pag aalala para sa kapatid na hawak nito.

"P-Please, D-Dont hurt my s-sister...She's innocent..."

Pagsusumamo niya rito. Nag salubong ang dalawang kilay ni Serina, ang kaninang ngisi ay napalitan ng galit, bumitaw ito kay Grace at agad na lumapit sa kanya upang bigyan siya na isang malakas na sampal. Para bang natanggal ang panga ni Gabbie dahil sa lakas ng sampal na kanyang natanggap.

"Eh bakit ako?! Inosente rin naman ako ah! Eh bakit ninyo ako pinahirapan at pinatay?! At yung kapatid ko! Si Serenity! Dinamay ninyo! Balak ninyo siyang igaya sa akin! Kaya bago nyo magawa iyon, uunahan ko na kayo! "

Nanggagalaiting sumbat ni Serina kay Gabbie.

"Sa inyo ito nag simula, kaya sa inyo rin ito matatapos..."

Dugtong nito. Sumenyas sa hangin si Serina, tila ba may pinag uutos. Sa isang iglap ay nakita niyang nakatali na rin ang kanyang kapatid sa isang upuan sa kanyang harapan, gulat itong nakatitig sa kanya, pilit na kumakawala.

"Ate help me! I can't move! "

Umiiyak nitong sabi sa kanya.

"PLEASE! SERINA! DONT TOUCH HER! "

Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon