Chapter35: Hinala

4.4K 140 8
                                    








Serenity's POV




Ikalawang araw na ng camp. Patuloy pa rin ang pag takbo ng program. Maraming mga contest, games, booths, at iba pa. Lahat masaya dahil sa programang ito. Maliban lang sa akin. Napaka ingay sa bawat sulok ng campus na syang kinaiinis ko. Pati na rin ang bulungan nila sa tuwing nakikita o di kaya ay nasasalubong ako. Hindi ko alam kung saan ako lulugar kaya paikot ikot lang ako sa buong school, naghahanap ng pwedeng tambayan.

"Serenity!!!!"

Dinig kong tawag sa akin. Agad akong tumingin sa likuran ko para makita siya.


"Bakit Suzy?"

Tanong ko rito, halatang pagod siya dahil sa paghingal niya, ano bang mayroon?


"Ang tagal kitang hinanap."

Sabi nito habang hinahabol pa rin ang paghinga niya.

"Baki naman?"

Tanong ko rito. Agad itong tumayo ng diretso at pumamewang.

"Malamang para samahan ka! Hindi ka ba nabobored? At baka mamaya kung ano pang mangyari sa iyo noh! Eh di kargo de konsensya ko pa!"

Sagot niya sa akin, napatawa na lang ako sa inasta nya, madali syang nahawa sa pagtawa ko. Nakakatuwang makilala at maging kaibigan si Suzy. Palagi kang sasamahan.

"Sa totoo lang ay wala akong gusto dito sa paligid ko na puro booths, ang gusto ko lang ay isang tahimik na lugar na kanina ko pa hinahanap."

Saad ko sa kanya. Alas nuebe pa lang pero naiinip na ako, gusto ko talaga makahanap na pwedeng tambayan para makapagpahinga ako.

"Hmmm, kung ganoon sasamahan kita mag hanap! Lets go na!"


Parang batang sabi niya at bigla na lang akong hinila kung saan.




















----------------

"Pwede na siguro dito."



Sabi niya, nasa harap kami ngayon ng library. Tahimik nga rito, nadaanan ko ito kanina, ang akala ko lang ay sarado pa.

"Salamat sa paghanap Suzy."

Nakangiting pagpapasalamat ko dito.

"No worries! You're always welcome! Tara na sa loob."







Pagpasok namin sa loob ay wala masyadong tao, para nga kaming dalawa lang ni Suzy ang nandito, pati kasi librarian wala.

Agad kaming pumwesto sa may gawing sulok na halos hindi mo na halos mamamataan dahil na palilibutan ito ng mga shelves. Tahimik. Saktong lugar na kanina ko pa hinahanap.



Ilang minuto na kami naka upo rito ni Suzy, napansin ko ang pananahimik niya at ang pamaya maya niyang pagkilos. Pinagpapawisan siya kahit malamig naman dito sa loob. Parang may nakikita siya na di ko na kikita dahil sa pabalik balik na pagsulyap niya.

Napapatingin na lang ako sa sinusulyapan niya, napapakunot na lang ang noo ko dahil sa wala namang mayroon sa tinitignan niya, tanging mga bakanteng upuan lang at sangkatutak na mga libro.




"Ayos ka lang ba?"

Tanong ko sa kanya, agad syang napatingin sa akin ng diretso. Doon ko lang napansin ang pamumutla niya, sa sulok ng mga mata niya ay nakikita ko ang bakas ng takot.




Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon