Chapter20: Justice?

6.7K 239 42
                                    






3rd Person's POV


"Haist! Tambak na naman ako ng trabaho! "

Daing sa sarili ni Ms Vivar o ang mas kilalang principal ng Clinton Academy.

(A/N mga readers, sya po yung principal sa school ni Serenity. Nandoon po sya sa chapter 2 ng story ko. Sige po basa na ulit kayo hehehe.)

"Oras na malaman ko kung sino ang dumudungis sa pangalan ng school ko, ay siguradong makakatikim sya sa akin! "

Patuloy na reklamo nito.



Nilamon na ng dilim ang kalangitan, mag aalas nueve na ng gabi, ngunit hindi ito alintana sa kanya, nakatutok pa rin sya sa kanyang trabaho. Punong puno ng mga papeles ang kanyang lamesa. Mga papeles na nag lalaman ng mga reklamo at kaso sa kanyang eskwelahan.

"Puro patayan na lang ang nagaganap, haist! Its frustrating!"

Sa inis ng ginang, ay hinagis nya palayo ang mga papel na nasa kanyang lamesa, nilamukos ang ibang pahina nito, at pinaghahagis sa bawat sulok na kanyang opisina.

Sinapo nito ang kanyang ulo, halatang halata sa mukha ng Matandang dalaga ang pag kainis nito, tila ba pasan pasan nito ang mundo sa bigat ng mga problemang kanyang dinadala.


Marahas syang tumayo sa kanyang kinauupuan at padabog nitong kinuha ang kanyang bag na nasa lamesa nyang punong puno ng mga papel na kanyang nilamukos dala ng kanyang pag kainis.


"Bahala na! Basta uuwi na ako. Tsaka ko na aasikasuhin ang mga lintik na toh! "

Pahabol nito bago lisanin ang kanyang opisina.





Lingid sa kanyang kaalaman na may mga matang nag mamasid mula sa labas ng kanyang opisina.

Nasa ikatlong palapag ng pangatlong gusali ang opisina ng nasabing matanda. Pinag mamasdan ng taong ito ang opisina ng Principal mula sa ibaba. Nang makitang namatay ang ilaw na naroon, ay agad kumilos ang taong ito papasok sa gusali kung nasaan ang Principal.






Isang babae ang nagmamasid sa guro.

Nakasuot ito ng uniporme ng nasabing paaralan.

Maputla ang mga balat, na tila ba di nasisinagan ng araw dahil sa kulay nitong parang papel.

Humihimig ito ng isang magandang awitin habang papaakyat sa ikalawang palapag.


Inayos nito ang ribbon clip na nakalagay sa kanyang itim na itim na buhok.

Isang nakakakilabot na ngiti ang nakaguhit sa kanyang labi, habang pinaglalaruan nito sa hangin ang hawak hawak nitong kutsilyo.

Nang napatapat sya sa isa sa mga bintana ng ikalawang palapag, ay nasinagan ng liwanag na nagmumula sa buwan ang mukha nito.


Ang mga mata nito ay puro itim, habang lumuluha ng itim na likido.



Ang babaeng nagmamasid sa guro.....

Ang babaeng may pinaplanong kahindik hindik sa guro....


Ay walang iba kung di si......

"Im back. Hahahaha! "

Serina.

"Patay ka sa aking matandang dalaga ka! Ikaw naman ang sisingilin ko sa utang mo! Hahaha! Humanda kang hudas ka! "

Nababaliw nitong saad sa kanyang sarili.

Ate(Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant