Chapter 40: Suzy's Help

3.8K 130 24
                                    



3rd Person's POV


Paikot-ikot sa kaniyang kwarto si Suzy, hindi ito mapakali. May pagdadalawang isip ang nakatatak sa mga mata nito.

"Dalawang oras ka ng paikot-ikot, hindi ka ba nahihilo?"

Sabi ni Simon, ang kuya ni Suzy. Nakahiga ito sa isang sofa na nasa kwarto ni Suzy, nakatutok ang atensyon nito sa cellphone na hawak.

"Naguguluhan kasi ako kuya! Di ako sure kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang kakayahan na mayroon ako....... Baka matakot sila sa akin......."

Malungkot na saad nito, huminto na siya sa pag lalakad, nakaramdam ng pagod.

Ibinaba ni Simon ang hawak nito at tinitigan ang naguguluhan niyang kapatid. Pagkatapos mag buga ng hangin ay agad itong umupo at hinarap si Suzy.

"Halika nga dito, umupo ka."

Wika ni Simon kay Suzy, tinapik nito ang sofa kung nasaan siya. Pinapatabi ang kapatid sa kanya.

Agad namang lumapit si Suzy sa kuya nito upang makinig sa maibibigay nitong payo.

"Sa mga nangyari ba sa paligid ninyo, hindi ba iyon nakakatakot? Sa tingin mo, normal ba lahat ng mga iyon?"

Tanong ni Simon kay Suzy na tahimik lamang na nakikinig.


"Siguro naman ay maniniwala sila sa iyo, hindi sila matatakot dahil sanay na sila sa mga ganoong klase ng bagay."

Napatingin si Suzy sa kanyang kuya. May punto ang mga sinasabi nito, malaki ang maitutulong nito sa kanya.


"At isa pa, ang sabi mo ay mga kaibigan mo sila... Kung totoo nga iyon ay wala lang sa kanila na malaman iyon at kaya ka nilang tanggapin."

Nakangiting sabi nito sabay gulo sa buhok ni Suzy. Naliwanagan na siya ngayon.

Gumuhit anh isang matamis na ngiti sa labi ni Suzy. Bumalik ang sigla nito dahil sa sinabi ng kuya nito.


"Ang galing mo talaga kuya! You're the best!"

Sabi niya sabay yakap kay Simon.


"Waaah!!!! N-nasasakal a-ako!"


















Serenity's POV



"Bakit hindi kayo pumasok?"

Tanong ko kila Jake at Suzy, huwebes ngayon kaya dapat lang na nasa eskwelahan sila.

"Hindi talaga kami pumasok para tulungan ka."

Sabi ni Suzy. May dala siyang back pack na kulay itim. Parang ang daming laman noon.

"So, what are we doing here?"

Tanong ni Jake habang medyo niluluwagan ang scarf nito.

Nasa sementeryo kami, kung saan nakalibing ang Ate ko. Hindi ko na daanan ang puntod niya dahil sa likod kami dumaan, mamayang pag uwi na lang siguro namin.


"Hahanap ng sagot para matapos na ang mga nangyayari, dahil malapit na tayong sumunod. Look, dito inilibing lahat halos ng mga estudyante ng binawian ng buhay ng Ate ni Serenity, pwede tayong humingi ng tulong."

Sabi ni Suzy, kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang meroon siyang bagay na hindi sinasabi sa amin.

"Suzy, kung mayroon kang gustong aminin sa amin, sabihin mo na."

Ate(Completed)Where stories live. Discover now