Chapter12: Ribbon clip

8.6K 322 54
                                    


DEDICATED TO :

MichelleMaique

:)

Serenity's POV

Nakatingin pa rin ako sa sulat na hawak ko, di ako mapakaniwala na si a-ate Elise iyon. Ang bestfriend ni Ate.

Totoo kaya ang nakasulat dito? Na traydor si ate Elise? Na kasama sya sa grupo ni Maxine?

At isa pa..... S-Sulat kamay ito ni A-Ate, hindi ako pwedeng magkamali. Sulat talaga ito ni Ate.

Kung ganoon.... sya ang may kagagawan sa lahat ng ito, At maaring totoo nga ang nakasulat dito, na isang traydor si ate Elise, kaya pala nag iba ang pag uugali nya. Nahalata ko yun nung huli ko syang nakausap.

Kaya pala sya pinatay ni Ate.

Haist, ano ba tong iniisip ko? Basta isang bagay lang ang malinaw, si Ate ang pumapatay, pinapatay nya ang mga taong nagkasala sa kanya noon.

Pero, parang ang rahas naman ng paghihiganti nya? Sya ba talaga si Ate? Kilala ko si Ate, kahit kailan ay di sya naghihiganti at hindi sya isang marahas na tao. Sya pa ba ang Ate ko? Sino nga naman ang di magbabago kung ganoon ang nangyari sa buhay mo? Katulad ng kay Ate?

Tumayo na ako at pinamulsa ko sa skirt ko yung letter, sobrang busy talaga ang mga teacher kaya hanggang ngayon ay wala pa rin sila dito sa faculty. Babalik muna ko sa room at kukunin ang bag ko.

Lumabas na ako sa Faculty at nagsimulang mag lakad papuntang room namin. Wala masyadong mga estudyante sa paligid, malamang ay nakikiusosyo dun sa crime scene, haist, mga walang magawa.

Habang naglalakad ako ay may biglang humila sa buhok ko, hinila ako nito papasok ng girl's cr. May parte sa akin na kinabahan ako pero, biglang may pumasok sa isip ko kung sino gagawa nun.

Si Maxine.

"Hey bitch, kamusta? Ang dami mo ng utang sa akin alam mo ba yon?"

Binitawan nya na ang buhok ko kaya humarap ako sa kanila, Kasama nya ang mga alipores nya.

"May utang ka din sa akin Maxine, kung ako sa iyo bayaran mo na."

Maangas kong sabi pero nginisihan lang nila ako, mga demonyo talaga.

"Well, naka ilan ka na ba? Ilan na ba ang napatay mo na mga kaibigan ko? Dalawa? Ay hindi, Apat pala."

Nanggigigil nyang sabi, anong karapatan nyang mag bintang? Sa aming dalawa sya ang mamamatay tao.

"Pati si Elise pinatay mo! Dont deny it! Kilala ko sya! Sya yung sinabit mo sa kisame, pinutulan
ng mga daliri at sinunog ang mukha! Alam kong si Elise yun dahil suot nya ang gift ko sa kanyang sapatos! "

Kung ganoon ay kilala na pala kung sino yung namatay.

"Wow, grabe. Ang galing mong mangbingtang, sa pagkakaalam ko sa ating dalawa ikaw ang mamamatay tao! "

Singhal ko sa kanya, pag kasabi ko noon ay ang biglang pag pundi ng ilaw sa cr, medyo natakot ako, ganoon din sila Maxine.

"Freak, Kahit freak ka papatulan kita! "

Sigaw ng isa sa mga alipores nya, Si Anne. Sinampal nya ako pero di ko iyon ininda, sinampal ko sya pabalik kaya napa upo sya sa sahig.

Pero isang sampal na naman ang nakuha ko mula kay Annie, ang kambal ni Anne. Sasampalin ko din sana sya pero agad akong sinampal ni Maxine.

"Hey! Stop it bitches! "

Sigaw ng isang tao na lumabas sa isang cubicle, si Ate Mary, isa sa mga bestfriend ni Ate.

Ate(Completed)Where stories live. Discover now