Chapter8: Welcome Home

9.6K 381 32
                                    







Serenity's POV

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga nangyari noong Martes, ang gulo, sumasakit na ang ulo ko kakaisip!

Paanong nasangkot si Ate?

Tumingin ako sa alarm clock ko na nasa tabi lang ng kama. Its already 5:00 am, one palang gising na ko ang tagal ko na palang nag iisip tungkol dun.

Saturday ngayon, ilang araw na rin ang nakalipas simula ng mangyari yun, nawalan kami ng klase noong Wenesday dahil nga sa nangyari. Pati ako ay apektado dahil sangkot si Ate sa di ko malaman na dahilan, naisip ko na baka ginagamit lang ang pangalan ni Ate dahil kunektado sya sa mga biktima, pero sino naman ang gagawa nun?

Tumayo ako mula sa kama at sinuklay ko agad ang buhok ko, lalabas muna ako para magpahangin at para makapag isip pa lalo. Sinuot ko ang Jacket ko at nag jogging pants, mas kumportable na ako ngayon sa suot ko.

Bumaba agad ako sa kwarto ko, pagkababa ko ay nasalubong ko si Manang na umiinom ng kape.

"Good morning po manang Rosie."
Bati ko kay manang, napatingin sya sa gawi ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"Magandang umaga rin ija, ang aga mo ata? wala naman kayong klase."
Sambit ni Manang at muli syang uminom ng kape.

"Maaga lang po akong nagising, lalabas lang po ako para maglibot dito sa village."

"Ganoon ba? Di ka man lang ba iinom ng kape? "

Alok sa akin ni Manang, Ngumiti lamang ako at umiling.

"Mamaya na lang po pag ka uwi ko, Sige po manang alis na po ako "

Pagkasabi ko noon ay agad akong lumabas sa bahay, nag lakad ako papunta ng park dito sa village.

Ang tagal ko na palang hindi nakakalabas, ang daming bago dito sa village. Haist masyado na talaga akong naging apektado, simula ng mawala si ate hindi na halos ako lumalabas ng bahay.

"S-sorry."

Sa sobrang pag iisip ko may nabunggo na tuloy ako, Lutang kasi ang isip ko tsk.

"O-okay l-- teka, Serenity? "

Nang marinig ko ang pangalan ko ay otimatikong tumingin ako sa taong nabunggo ko, s-si Suzy pala yung nabunggo ko, pagkakataon nga naman.

"Suzy? Naparito ka sa village? dito kana nakatira?"

Tumingin muna sya sa akin at tsaka tumingin sa paligid ko na para bang may hinahanap? ang weird talaga nya.

"Actually, oo dito na kami nakatira ng family ko kaya ako nag transfer, you know, business."

Sabi nya sa akin, nakangiti na sya di tulad kanina na parang kinakabahan?

"Okay, teka saan ba punta mo? "
Tanong ko sa kanya

"Uhmm, Maglilibot lang sana ako para makabisa ko itong vil--. "

Napahinto sya sa pag sasalita, nakatingin sya sa may likod ko, sa eksprasyon ng mukha nya parang nakakita sya ng multo?

"M-may problema ba? "

Nang mag salita ako ay parang natauhan sya sa pagkakatulala at tumingin ulit sa akin.

"S-sige u-na n-na ko Serenity. "

Pagkatapos nyang mag salita ay agad syang tumalikod at nag lakad palayo. Pinag kibit balikat ko na lang iyon at nag lakad pa uwi, nawalan na ako ng ganang pumunta sa park.

Ate(Completed)Where stories live. Discover now