Chapter6: Love letter

10.1K 468 54
                                    



Dedicated to:

CuteAssyLa

jhaysza

crambery30

Hope you like it guys

Serenity's POV

Limang minuto na ang nakalipas simula nang iwan ako ni Suzy na tulala dito sa loob nang classroom. Di ko makalimutan ang mga sinabi nya sa akin, weird na nakakatakot.

Bigla akong tumayo dahil hindi ako mapakali, pinagtinginan naman ako nang mga kaklase ko dahil sa na produced kong ingay. Hindi ko na lamang sila pinansin at lumabas ako nang room.

Wala masyadong estudyante dito sa hallway, halos lahat siguro ay nasa canteen o kung saang lugar para kumain.

Lakad lang ako nang lakad dito sa hallway, wala akong magawa, wala din akong gana. Sigurado kapag nandito si Ate sisigawan ako nun kung bakit di ako kumakain. Napangisi ako nang di oras dahil na alala ko na naman sya, pinipigil ko ang mga luha ko sa paglabas nila, nauulila na naman ako sa ate ko.

"psst"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa pagsutsot na iyon.

"Psst... Serenity! "

Kinilabutan ako sa tono nang boses nang taong tumatawag sa akin, para bang galing ito sa ilalim nang lupa.

Palingon lingon ako sa paligid para mahanap kung sino iyon. May narinig akong tumawa nang mahina di kalayuan sa direksyon ko, hinanap ko ito nang hinanap pero di ko makita.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may humawak sa balikat ko mula sa likod, pinagpapawisan ako dahil sa kaba, b-baka k-kung ano na naman ito.

Huminga muna ako nang malalim at humarap ako sa kung sino o sa kung ano na nakahawak sa balikat ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko na si Ate Elise pala iyon, ang bestfriend ni ate. Apat silang magkakabarkada noon kasama si Ate Mary at si Ate Liza, madalang ko na lang sila makita simula nang mawala si Ate Serina.

"Gosh, ikaw pala yan Serenity! akala ko tuloy minumulto ako nang ate mo magkamukha kasi kayo."

Sabi ni Ate Elise habang nakahawak sa ulo nya, parang nagbago si Ate Elise.

"Ummm.... A-ate Elise hindi ba ikaw ang tumawag at sumutsot sa akin? "

Napakunot ang noo nya, parang naguguluhan sya sa mga sinabi ko.

"Hindi, Sinundan nga kita eh, di ba galing ka sa canteen? nagulat nga ako dahil akala ko ikaw si Serina."

Sa pagkakataon na ito ay naguluhan na naman ako, hindi ako pumunta sa canteen dahil nasa room lang ako kanina at palakad lakad sa hallway, kaya ano ang sinasabi ni ate Elise?

"O sige alis na ako may gagawin pa kasi kami, see you around Serenity bye! "

Sabi nya at tuluyan nang umalis, parang may nag bago kay Ate Elise.

Nang mawala na sya sa paningin ko, narinig ko na naman ang pag sutsot, naiirita na ako dahil kanina pa na ganoon ang ginagawa nang taong iyon, nang bibwisit talaga kainis.

"Serenity, hihihi!"

Tumingin ako sa likuran ko dahil may narinig na naman ako na may tumawag sa akin, ganoon din ang boses tulad kanina na animo'y galing sa ilalim nang lupa.

Ganoon na lang ang pagkasindak ko nang makita ko na naman sya, si A-ate, nasa tapat sya nang isang bakanteng room, ang tambayan namin. Maputla sya, nakatingin sya sa akin habang nakangiti.

Ate(Completed)Where stories live. Discover now