Chapter31: The Answer

5K 170 20
                                    









Dedicated to:

malditabhebe

:)















Flashback



"Uhhmm..... Serina, can i talk to you for a while? "

I asked her, she just look at me. Alam kong nagtataka siya. Damn! Kailangan ko talagang gawin ito.

"You are Jake right? The campus heartthrob. Ano naman ang kailangan mo sa campus president na tulad ko at napadaan ka dito sa room ng student council? "

She said in a curious voice. No doubt na siya nga ang president dahil sa pagsasalita niya. Halatang may pagka maotoridad siyang tao. Siya ba talaga ang gustong tirisin ng pinsan ko? Mukhang mahihirapan ako dito.

"Yeah, ikaw talaga ang sadya ko dito."

I said, her eyes were full of doubts, doubts towards me. am i that obvious?

"Jake, kung sa tingin mo madali akong maloko, pwes, hindi. Kitang kita ko sa mga mata mo na may iba kang binabalak. I can read someone elses actions by looking at their eyes. And you? You look like you were planning something that i might not like. By the way, i need to go already. Mag l-lunch pa kami ng sister ko, hinihintay na ko nun. Before i go, i had a piece of advice for you.... Whatever you are planning, can you just stop it? Okay, bye! "

She said before she left. I am just dumb founded when she said those wisdoms of her. So that Serina, is not an easy person.

I think, things gonna be hard now.





End of flashback











Serenity's POV

"Dahil nga gusto kita noon, ginawa ko ang lahat para magawa ang utos ni Maxine. Alam ni Serina ang balak ko pero hindi ang tungkol sa pinsan ko. But, i just keep being close to her. Kahit ilang beses niya pa ako pinagtabuyan noon, hindi pa rin ako sumuko.... As the time past, mas nakilala ko siya, nakalimutan ko na halos ang pakay ko..... I saw how amazing she was... Lahat halos nasa kanya na. I started to like her, then eventually, i fell for her. "

Mahaba niyang paliwanag. Habang nagkukwento siya ay napapangiti ako, kung ganoon, hindi lang kami nila mama ang nakakakita kung gaano kaganda ang ate ko. Sa labas at loob ng katauhan niya.

Nakita kong may ngiti ring nakaguhit sa labi ni Jake. Nagkukwento siya habang nakatingin sa puntod ni Ate. Para bang nasa harap niya ito. Nakikita ko rin ang kislap sa mga mata niya. Ganoon na lang siguro ang pagmamahal niya. Bakit ko nga ba siya pinaghinalaan at sinabihan ng kung ano ano? Nakokonsensya tuloy ako. Dapat pala inalam ko muna ang paliwanag niya.

Hindi ko naman alam na talagang mahal niya ang Ate ko.


"How i wish that i had her until now. She's my life. I remember the day when she answered me... Damn! i miss that feeling. That feeling when she said yes to me?  I really really love her..... I decided to not tell her about the deal between me and Maxine. Because i want to take her seriously."

Sa bawat salitang sinasabi niya, alam lahat ng mga iyon ay pawang katotohanan. Bigla akong nakaramdam ng inis sa sarili ko. Ang dami kong masasakit na salitang sinabi sa kanya kahit hindi ko pa alam ang buong katotohanan. Nakakainis!

"Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko lang pala. Nalaman ni Serina ang lahat kaya nagalit siya sa akin. Ni ayaw niya akong harapin. Naisip ko na kailangan ko munang maghintay para lumamig ang ulo niya. Oo Serenity, aware ako sa mga nangyayari sa kanya. Gumagawa ako ng paraan para matigil iyon. But, Maxine can control anything around her, through her fvcking money...... So the week past... I am ready to explain Serina everything. But... Its too late.... She's dead already. Hindi ko alam ang gagawin ko nung mga oras na yun. Para ngang gusto ko na ring sumama sa kanya."


Naramdaman ko ang ihip ng hangin... Tumingin ako sa langit at doon ko nakita ang magagandang ulap na nandoon.

Kahit papaano, malinaw na ang ibang parte ng nasa isip ko. Nabawasan na ang mga katanungan ko dahil sa sagot ni Jake.

"Jake. Sorry.  Sorry dahil hindi ko man lang inalam ang paliwanag mo bago kita husgahan."

Puno ng sinseridad na sabi ko sa kanya. Muli siyang ngumita pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ko.

"Ako naman siguro ang dapat umamin."

Sabi ko. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Dapat niya siguro itong malaman para mabuo na ang palaisipan na namamagitan sa aming tatlo nila Ate.


"Past na to kaya wala ng use. Pero, ayos naman siguro para malaman mo di ba? "

Nagtataka man ay tumango siya.

"Jake, may gusto rin ako sa iyo NOON. Una, kuya lang ang tingin ko sa iyo. Pero noong napalapit ka sa amin ni Ate ay doon na nagsimulang mabuo ang nararamdaman ko para sa iyo. Pero pinagpilitan kong pigilin ito dahil sa nakikita kong saya sa mga mata ni Ate tuwing kasama ka. Mahalaga ka sa akin NOON, pero mas matimbang pa rin syempre ang Ate ko."

Nakangiti kong pag amin sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya, at di kalaunan ay napatawa na lang siya, ganoon din ako.

"Pagakakataon nga naman."

Sabi niya. Napatango na lang ako sa sinabi niya.

"Oo nga pala! Kaano ano ni Maxine si Mo---"

Hindi ko na natuloy pa ang dapat kong sabihin ng makita ko sila Mama at Papa na papalapit sa amin. Sinalubong ko sila.

"Ano po yun? "
Salubong ko sa kanila.

"We really need to talk. "

Maotoridad na sabi ni Papa. Napatingin din ako kay Mama at nakitang seryoso din siya.

Mukha ngang dapat kaming mag usap.

Lumapit ulit ako kay Jake, nagpaalam na ako sa kanya at kinuha na ang gamit ko. Matapos kong mag paalam ay dumiretso na kami sa kotse.

Tahimik lang kami habang bumabyahe pauwi.

May nararamdaman akong, may hindi magandang mangyayari.























----------------------------



"Pwede ba! Huwag mo kong ikulong dito! Gusto kong makita ang kapatid ko!"

"Ang kasunduan ay kasunduan Serina. Ilayo mo ang sarili mo sa kapatid mo! Hindi pa oras para magkita kayo! Ni hindi mo pa nga napapatay ang iba! "

"Oo na! Gagawin ko naman di ba!  Ayaw mo kasing isunod sunod ko na! "

"Masyado kang nagpapadalos dalos, Mag laan ka ng oras! Nahahalata ka na niya! Isa pa pati siya ay mapapagod! "

"Alam kong may tinatago ka! Pero wag kang mag alala! Papatayin ko silang lahat dahil sa mga utang nila sa akin na walang pag aalinlangan! "

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. "

Sabi nito bago mag laho...  Maghintay lang kayo, babalikan ko kayo! Mag babayad kayo!

Serenity! Huwag ka sanang mainip, malapit na ulit ako!

Malapit na ulit si Ate!






-----------___________-------------

"Hindi ko papayagan malaman ni Serina ang lahat ng katotohanan..  Kung hindi .... Masisira ang lahat.




-------_______--------_________----------







Itutuloy......






Ate(Completed)Where stories live. Discover now